"TAPOS na ang trabaho mo. Puwede ka nang umalis," sabi ni Vee nang mabungaran si Frei na naghihiwa ng gulay sa kusina. Nag-angat ito ng mukha.
"Binawi ko na ang sumpa gaya ng ipinangako ko." She could not tell him the truth even if she wanted to. Hindi dahil ayaw niyang magalit sa kanya si Frei kapag nalaman nito na sinakyan lang niya ang pinaniniwalaan nito. Naisip kasi niyang kapag nalaman ng binata na hindi isang sumpa ang dahilan ng tatlong beses na sunod-sunod nitong pagkabigo sa pag-ibig, baka mabahala ito at matakot nang magmahal uli. Kung mananatili ang paniniwala ni Frei na dahil lang sa sumpa kaya nito naranasan iyon, kapag binawi niya ang "sumpa," magbabalik ang tiwala nito na magiging masaya uli ito sa pag-ibig.
Bumakas ang kasiyahan sa mukha ni Frei. "Thanks! So, officially, wala na ang sumpa? Hindi na gumagana ang spell?"
"Yes." Kung sakali mang maulit dito ang ganoong experience, wala na siyang magagawa. Hindi niya hawak ang kapalaran ng binata. Ang tanging magagawa lang niya ay hilingin sa gods and goddesses of nature sa pamamagitan ng spells na matagpuan nito ang babaeng mamahalin nito at magmamahal dito habang-buhay.
Tumayo ito at lumapit sa kanya. Nabigla si Vee nang hawakan nito ang kanyang mga kamay.
"Thanks, Vee. You don't know how you made me happy."
Tumango siya at mataktikang binawi ang mga kamay mula rito. "You can leave now." She knew he wanted to leave. Kailangan na siyang iwan ni Frei dahil hindi niya gusto ang nararamdaman niya para dito. Habang maaga, kailangan na nitong umalis bago pa siya tuluyang mahulog dito.
Nawala ang ngiti nito at tumitig sa kanya. "Hindi pa ako aalis. Kailangan mo pa ako rito."
Kumunot ang noo ni Vee. Hindi niya inaasahang iyon ang sasabihin ni Frei. Ang inaasahan niya ay mag-eempake na kaagad ito. "Hindi na kita kailangan. Paparating na ang tita ko. Maikukuha na niya ako ng maid."
"Kailan darating ang tita mo?"
"Next week," sabi na lang niya kahit ang sabi ng kanyang Tita Racquel nang tumawag ito ay baka sa isang buwan pa ito makabalik.
"Next week pa pala. Eh, di isang linggo kang walang katulong. Sino'ng magluluto para sa iyo?"
"Kaya ko nang pagsilbihan ang sarili ko. Wala na akong sakit."
"Kagagaling mo lang. Baka mabinat ka. You still need to rest."
"Kaya ko na, okay? Don't act as if you care about me."
"I care about you," seryosong sabi ng binata habang nakatitig sa kanya.
He did? Umiling-iling si Vee. "How come you care about me? I am a cruel witch. Inalila kita. I cursed you."
Bumuntong-hininga si Frei at hinawakan siya sa mga balikat. "You're not cruel. Naiintindihan ko naman kung bakit mo ako isinumpa. Nagalit ka sa akin dahil sa mga ginawa ko sa iyo noon. Inaamin ko noong una, galit ako sa iyo. Pero nang makasama kita at malaman ko kung bakit ka ganyan, naintindihan na kita. Hindi ka naman talaga bad witch, 'di ba? Si Kisha, kahit white witch siya, nagagalit din siya. Gumaganti rin siya kapag sinasaktan siya o ang mga taong mahal niya. Minsan, nagkakaroon din siya ng negative thoughts, which she often shuns away through chanting spells. So, you're not cruel, Vee. And I believe you're a good person... a good witch. Hindi na ako nagagalit na isinumpa mo ako. Maybe I deserved it. Masyado kasi akong maloko noon, eh. Hindi na rin ako nagagalit na ginawa mo akong alipin. Marami naman akong natutuhan sa pagiging houseboy, eh. Natuto akong maglaba, mamalantsa, maglinis ng banyo..." Ngumiti ito sa kanya.
Kaya pala biglang bumait sa kanya si Frei. Nakita pala nito na hindi talaga siya kasinsama ng gusto niyang palabasin. But she would rather hear jests and sarcasms from him than hear him saying kind words. Umatras siya para maalis ang mga kamay nito sa kanyang mga balikat. "Hindi por que nagpaalaga ako sa iyo, hindi ko na kaya ang sarili ko. I would've survived this week just the same kahit wala ka. Kaya umalis ka na. Hindi ko na kailangan ng servant."
"But I still want to stay. I still want to be with you," anito habang matamang nakatitig sa kanya.
Natigilan si Vee at napatitig din kay Frei. Maaari kayang pareho sila ng nararamdaman? No! He loved Leslie. Ang babae ang rason kung bakit nagtiyaga ito sa kanyang pang-aalipin. He wanted her back.
His warm hand touched her cheek. His stare was intense. Bumaba ang tingin ni Frei sa kanyang mga labi. Naalarma siya. Nang unti-unting bumaba ang mukha nito sa kanyang mukha ay itinulak niya ito. She gritted her teeth. "I'll turn you into a toad if you ever try to do that again," banta niya. "Go away and leave me alone!"
Nang makapasok sa kanyang silid ay mabilis niyang kinuha ang mga kandila sa kanyang drawer at sinindihan ang mga iyon pagkatapos itayo sa cauldron sa coffee table. She turned the lights off and began chanting an incantation. She wanted to be free of that feeling. She did not want to fall in love.
BINABASA MO ANG
VEE, The Pretty Witch [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #2)
RomanceVee was fascinated about witchcraft kaya inakala ng iba na isa siyang mangkukulam. Nobody had the nerve to mess up with her. Except her naughty, playful schoolmate Frei. *This novel and the rest of the SCU series are already available in print...