Final Part

19.5K 571 51
                                    


Pinauga ni Vee ang rocking chair na kinauupuan niya sa porch. Nakagawian na niyang mag-stay sa porch tuwing hapon. Noong naroon pa kasi si Frei, palagi silang naroon tuwing hapon at nagkukuwentuhan. Minsan ay nakaupo sila sa rocking chair. Nasa kandungan siya ng binata habang nakapalibot ang mga braso nito sa kanyang baywang. Nagkukuwentuhan sila, nagbibiruan, nagtatawanan.

Kahit alam ni Vee na hindi na dapat niya inaalala ang mga sandaling iyon, hindi pa rin niya mapigilan ang sarili. Napakalaki kasi ng naging epekto ni Frei sa kanyang buhay. Marami siyang natutuhan nang dahil dito. Marami itong ibinigay na magagandang alaala sa kanya. Nang dahil sa binata, naranasan niya ang magkaroon ng kasama kahit sandali lang. Naranasan niya ang alagaan at mahalin. Naranasan niyang maging totoong masaya.

But he was gone. And she had to accept that.

Tama si Frei. Letting go of the person she loved was not easy. Pero tulad ng sinabi niya noon dito, kailangang piliting maka-move on ng isang tao pagkatapos mabigo. That was the complexity of life. She had been alone almost all her life. She could live without anyone beside her. That was what she wanted to believe.

She closed her eyes and continued rocking the chair. Sana masaya na si Frei ngayon sa piling ng babaeng totoong mahal nito. Sana rin ay maka-move on na siya at matutuhan uling tanggapin ang buhay na mag-isa.

Pagdilat niya, napatda siya sa nakita sa bungad ng porch.

Si Frei! Nakatayo ito roon. Ang akala ni Vee ay imahinasyon lang niya ang binata pero hindi ito naglaho nang kumurap siya.

"F-Frei? Ano'ng... ano'ng ginagawa mo rito?"

May hinala na si Vee kung ano ang pakay nito bukod sa ilang mga gamit nito na naiwan sa kanyang bahay. Siguro nalaman na ni Frei mula sa pamangkin nito na nagpadala siya ng birthday gift para sa dalagita. Naiwan kasi ni Frei ang libro ni Shane. Naisip niyang pasayahin ang bata sa birthday nito sa pamamagitan ng pagbabalik ng libro nito na may kasamang autograph na siyang iniuungot ng bata sa tito nito. She even sent Shane a complimentary copy of her fourth book as a birthday present. Ipinadala niya iyon sa publication at nakiusap siya sa assistant ng publisher na ipadala iyon sa address na nakasulat sa libro.

Mula sa likuran ni Frei, inilabas nito ang libro na ibinigay niya kay Shane—ang fourth book. "Thanks for this, Hera Lou."

Alam ni Vee na mahuhulaan na ni Frei na siya ang writer na hinahanap nito kapag nakita nito ang libro kay Shane. Tumango siya at bahagyang ngumiti. "You're welcome."

Lumapit ito. Napilitan siyang tumayo. "Why didn't you tell me you are Hera Lou?" Inilapag nito sa mesang kahoy ang libro.

"Sasabihin ko rin naman dapat. Gusto lang sana kitang sorpresahin."

"I read it."

"You did? So, what's the verdict? Nilagyan ko na ng kissing scenes gaya ng advice mo. Pero siyempre, wholesome ang pagkaka-narrate. Marami kasing batang nagbabasa. Tulad na lang ni Shane."

Hindi sumagot si Frei. Tumitig lang sa kanyang mga mata. Sa sobrang dami ng emosyon sa mga mata ng binata, hindi na niya alam kung paano babasahin iyon.

"The story is great."

"Thanks."

"It made me realize a lot of things."

"Like what?"

"I realized that I want you back in my life."

Napamaang si Vee sa sinabi ng binata. He moved closer and touched her face.

"Don't leave me just because of that dream, Vee. Hindi ako papayag na iiwan mo ako nang dahil lang sa panaginip na iyon. I love you. Wala akong pakialam kahit isa kang witch. Wala akong pakialam kahit magkaiba tayo ng mundo. Gusto kitang makasama. Mahal kita." He cupped her face with his palms. "When you ride your broomstick, I'll ride with you. I won't mind if you bring me to your world. I won't mind leaving my own world for you. As long as we're together, I don't care about anything around anymore."

Kaagad na nag-init ang mga mata ni Vee. She was overwhelmed by his words. Mas maganda pa ang dialogue ni Frei kaysa sa dialogue na ibinigay niya kay Tod nang sabihin nito kay Kisha na tanggap na nito ang katauhan ng babaeng mahal nito. Hindi siya makapaniwala na siya ang pinili ni Frei kaysa kay Leslie sa kabila ng akala nito na isa siyang witch.

"It's not just in fiction, right? Puwede naman tayong maging sina Kisha at Tod, 'di ba?"

"Hindi kaya... nadala ka lang sa story ng nabasa mo kaya mo nasasabi iyan?"

"That book helped me realize what I'm supposed to be doing. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit bumalik ako rito."

Masayang-masaya si Vee sa sinabi nito. She wanted to accept him back in her life immediately. Pero may kailangang malaman si Frei at hindi siya sigurado kung mapapatawad siya ng binata sa naging kasalanan niya. "May kailangan kang malaman tungkol sa akin."

"Ano iyon?"

"Sana mapatawad mo ako. Pero kung magagalit ka sa akin, maiintindihan ko."

Kumunot ang noo ni Frei. "Say it."

"Hindi ako totoong witch."

Lalong kumunot ang noo nito. "What are you talking about?"

"I am a Wiccan like my mom but I do not possess magical powers. I cannot turn you into a toad. Hindi ako marunong mag-magic. I just practiced spellcraft for mind-cleansing and soul-healing but I'm not a real witch who rides a broomstick. Iyon lang ang kumalat na tsismis tungkol sa akin noon pero hindi iyon totoo. I just let people believe I am a real witch para layuan nila ako dahil gusto kong mag-isa. I am perfectly normal. Hindi ako isang supernatural creature. Hindi magkaiba ang mga mundo natin."

Lumarawan ang pagkamangha at pagkalito sa mukha ni Frei. "I don't understand. Kung hindi ka totoong witch, paano mo ako naisumpa?"

"Hindi kita isinumpa. Iyon lang ang pinaniwalaan at ipinagpilitan mo sa akin. I was mad at you then dahil sa paggambala mo sa akin at dahil may naging kasalanan ka sa akin four years ago. Kaya sinakyan ko ang akala mo at ginawa kitang alila para makaganti ako sa iyo at maturuan ka ng leksiyon sa kayabangan mo. Pero nang maging mabait ka sa akin, nawala na ang unang intensiyon ko dahil nahulog na ako sa iyo."

Parang hindi pa rin makapaniwala ang binata sa kanyang mga sinabi. "Ibig sabihin, I was not cursed?"

"No, you were not. Kung iniwan ka man ng tatlong babaeng minahal mo, iyon siguro ang kapalaran mo. I'm sorry, Frei. Alam kong mali ang ginawa ko sa iyo. Maiintindihan ko kung magagalit ka sa akin dahil napaglaruan kita." Yumuko si Vee. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata ni Frei kung magkakaroon man ng panunumbat ang mga iyon. Wala na siyang narinig pa mula sa binata. Naisip niyang nagalit ito sa kanya.

"May dahilan pala kung bakit tatlong beses akong iniwan ng mga babaeng minahal ko," anito pagkaraan ng ilang saglit. "Ikaw pala ang dahilan. Sinaktan ako nang tatlong beses ng tadhana dahil iyon ang paraan para magtagpo tayo. Dahil ikaw ang nakatadhana para sa akin." Iniangat ni Frei ang kanyang mukha.

Napangiti si Vee sa sinabi nito. "Hindi ka galit sa akin?"

"Kung hindi mo ako ginawang alila, hindi tayo nagkasama. Kaya okay lang sa akin na niloko at pinaglaruan mo ako. May nalalaman ka pang gagawin mo akong very ugly and disgusting toad, ha."

Natawa siya.

"Sayang naman iyong dialogue ko, hindi ka naman pala totoong witch," nakangising sabi ni Frei.

"Parang nanghihinayang ka yata na hindi ako totoong witch?"

"Whatever you are, Vee, I'll accept you. Kasi mahal kita. Mahal na mahal." Kinabig siya ni Frei at niyakap nang walang kasinghigpit.

"Mahal na mahal din kita, Frei. Thank you. Thankyou for coming into my life."     

🎉 Tapos mo nang basahin ang VEE, The Pretty Witch [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #2) 🎉
VEE, The Pretty Witch [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon