"Make it three."
Napalingon agad kami at nagulat. He winked at me then sinuntok siya ni Sandro sa tiyan ng pabiro. Dahil gulat pa rin ako, nanatili akong nanonood sa kanya.
"Oww!" Inda niya. Napangiti naman ako at natawa.
"I thought two weeks ka pa sa New York?" Tanong ko. He smiled at me-the killer smile. Napairap ako. Told you, he's not really masungit and suplado. You just have to be close with him and you'll see his naughty side.
"The patient died so hindi na natuloy yung operation. Tsaka isa pa, namiss ko kayo." He chuckled making Sandro's face crampled.
"May pagnanasa ka pala sakin! Natutulog pa man din ako ng katabi ka!"
Natawa ako sa kakulitan ni Sandro. Pagka talaga kalokohan game na game siya.
We sit on our designated table and they served the raw meat. Lorenz started grilling the meat. Si Sandro naman, kumuha ng soju.
"So, free time niyo?" Lorenz opened up a topic. I nodded and shrugged at the same time.
"Kakatapos lang ng operation namin and I want to eat so yeap. Paano mo nga pala nalamang nandito kami?" Syempre. Wala naman kaming pinagsabihan na dito kami kakain. Of course, magtataka ako.
"I saw Sandro's car. Edi sinundan ko."
Dumating na si Sandro dala dala ang tatlong bote ng soju. He's grinning from ear to ear and swear..
"Mukha kang manyak." I said which earned a laugh from Lorenz. Nilapag niya sa plato ko yung nagrill na, na meat.
"Sige, hahayaan kong pagnasaan mo ang katawan ko, ngayon lang ah? Tutal broken hearted ka." Sinamaan ko siya ng tingin. Talagang ipagpipilitan niya eh ano?
"Broken hearted?" Takang tanong ni Lorenz.
"Itong kaibigan natin, broken hearted. Pumunta lang naman itong si Quinn sa kasal ni James. She's already dumb to accept the invitation, she still went to the wedding! Kanina lang! Kaya eto, magpakalasing ka at si Lorenz naman bahala sayo." Kesa pansinin siya, I rolled my eyes and opened the bottle.
I felt the eyes of Lorenz being bore into me. Alam kong inis siya ngayon. Sa kanilang dalawa, si Lorenz ang sobrang protective sakin.
"Why did you go?" Seryoso niyang tanong. Binutton up ko yung shot at napangiwi sa pait. Hindi naman nakatakas sa tenga ko ang paasar na sipol ni Sandro. Dahil sa ininom ko, naramdaman ko ang biglaang init sa likuran ng tenga ko.
"Ayan na si Kuya, magagalit na." Pangaasar niya pa lalo. Remind me to hit Sandro right on his face later.
"I just wanna see him happy. Nang sa ganon, hindi ko pagsisihan na pinakawalan ko siya." I pretended to be filling my glass some beer. Ayokong tignan si Lorenz. Alam kong papagalitan niya lang ako.
"I want to see if he's really bound for someone else and not me. Gusto kong makita kung gaano kaworth it yung dalawang taong relasyon nila sa anim na taon namin."
I really want to know. Ganon ba niya kamahal yung babae para dalawang taon palang sila, nayaya na niyang magpakasal? Samantalang kami, sa anim na taon namin, hindi ba niya man lang naisipang magpropose sakin? Kahit pa nabuntis ako?
"Sabi mo galing kang operation? Bakit sabi nito, galing ka sa kasal?" Usisa niya pa.
"Galing nga talaga akong kasal. Right after that, I received a call from the ER department. Alam mo namang forever on call ako."
Hindi na niya ko tinanong pagkatapos. I'm thankful though. Syempre malaking impact to sakin.
For the record lang naman, my ex got married.
BINABASA MO ANG
Pieces of Pastiche
General Fiction#LostGirlsSeries Third Installment Status: Compeleted Quinn Stephanie Wildrige is a renowned Neurosurgeon of Crimson Medical City. She's enjoying the time of her life when suddenly, her bully highschool schoolmate Kirk Archer Elijah Houston returned...