Hindi ako makapaniwala kahit pa kanina pa siya nagsasalita sa harapan. She speaks so confident while delivering her research.Ito lang ang sure ako. She works with Dr. Charles Buckingham and based sa mga pinagsasasabi niya kanina, mentor ni Archer si Dr. Buckingham. That must explain why Archer is so good in surgery. Kaya pala pamilyar ang mga gamit niyang techniques. He learned from the best.
Kaya nga gulat akong makita dito ang legendary neurosurgeon dahil alam ko ay nakabase siya sa England. Oo nga pala, Archer came from England.
Nilabas ko ang calling card na binigay sa akin kanina ni Dr. Charles. He's working at Sales Grace Hospital for now. Isang tertiary and internationally recognized hospital. Looks like both of them (Amanda) already transferred here from England.
Nakakainis, bakit hindi naikwento sa akin to ni Archer? Na close pala sila ni Dr. Charles!
Gaga! Bakit naman niya ikekwento yun out of nowhere? Ano ka ba niya? Old HS classmate?
Bwiset!
Natapos ang pagpepresent niya ng case. May tanong ako pero sobrang hesitant ako dahil she learned from Dr. Charles na siyang idol ko. Mamaya mali pala ang tanong ko tas mapahiya pa ko.
Pero hindi naman ako nagaral ng ilang taon para lang idoubt ang kakayanan ko. We're all here to learn and impart knowledge.
At bakit ba ako naiintimidate?!
"You want to ask something?" Archer blurted out of nowhere. Nagulat naman ako doon, binabasa ba niya isip ko?
"You're advancing in your seat then going back again." Sagot niya sa katanungan ko sa isip. I bit my lower lip.
"Ba't di ikaw magtanong? Ex mo yan." I closed my mouth when I realized how bitter I was.
He chuckled.
"She's not my ex." He denied. I rolled my eyes and stood up. Pumwesto ako sa harap ng microphone sa aisle.
Amanda raised her brow when she saw where the spotlight was pointed at. Nainis tuloy ako nung maalala kong inassume niyang Ph.D. ako.
"Good morning, ladies and gentlemen. I am Dr. Quinn Stephanie Wildrige, a Trauma-Neurosurgeon, Assistant Head of ER Surgery Department at Crimson General Hospital."
I heard a lot of 'wows' and 'ohhs' inside the auditorium. Narinig ko rin ang munting sipol ni Sandro. Kita ko naman ang gulat sa tingin ni Amanda. I wanna roll her eyes but I remained my stance.
"Your research was well presented and obviously was done meticulously. But I want to question one part in your collection of data.."
Natapos ang interrogation ko for a couple of minutes. Mukha siyang nagthethesis tas ako ang panel. I learned how to critique well when it comes to researches dahil ako mismo ay nagcoconduct ng researches at nagpapanel sa Pilipinas.
The conferences ended and Amanda was so pissed at me. Hindi naman siya napahiya sa tinanong ko. I just really saw it. Buti nga tinanong ko dahil baka maging isang malaking problema iyon when it comes to the real set up already.
The International Association for Trauma Chief approached me and gave me their email and contact details. They wanted me on their researches as well. Feeling ko ay naooverwhelmed ako sa dami ng oppurtunities dito.
Sana sa Pilipinas din, pahalagahan nila ng sobra ang researches. There's a little to none budget for researches. Hindi masyado pinopondohan ng gobyerno ang researches kaya sobrang delayed na ang Pilipinas sa field ng research.
Naroon din ang may-ari ng Sales General Hospital. Grabe, at a very young age, siya na ang CEO nun.
Magaalas kwatro na nung umuwi kami ng hotel. Mayroon pang formal dinner mamaya ng mga umattend sa conference. Magkakaroon din ng mga awarding mamaya. Pagod akong humilata sa kama namin.
BINABASA MO ANG
Pieces of Pastiche
General Fiction#LostGirlsSeries Third Installment Status: Compeleted Quinn Stephanie Wildrige is a renowned Neurosurgeon of Crimson Medical City. She's enjoying the time of her life when suddenly, her bully highschool schoolmate Kirk Archer Elijah Houston returned...