Kabanata 8

274 4 0
                                    

"Wake up guys! Breakfast is served!"

Nagising ako dahil sa boses ng isang babae. Kahit pa hindi ko makita kung sino yon, alam ko na. Kasama ba naman namin siya buong magweekend eh.

"Wake up, Quinn!" Maligalig niyang pagyaya. Naramdaman kong umuga ng bahagya ang kama ko. Slowly, I rose from bed.

"Ang aga mo..." Sambit ko.

Tumawa naman siya saka tumayo na rin.

"Gusto raw ni Archer na nandun na tayo before 9. Pagbigyan na, first day."

Napasimangot ako at humugot ng kung anong damit sa closet. Dinampot ko rin ang twalya ko.

"Hayaan mo siya. Hindi nun ikamamatay ang paghihintay."

Narinig ko pa ang munting tawa ni Aurora bago ako pumasok.

One week na mula nung party na yon. Mula noon, dito na sa condo tumutuloy si Aurora. Pumasok na rin siya and she's coping up well with the setting. Si Archer naman, hindi pa pumapasok. Tulad nga ng sabi ni Aurora, ngayon pa lang.

I chose to wear a dress. Buti na lang, wala akong scheduled operation for now. I mean, mga residents ko ang nasa ER ngayon. I was scheduled to tour Archer around. Talagang kahit wala na si Dr. Salome sa hospital, pineperwisyo niya pa din ako.

Archer na ang tawag ko sa kanya. Bahala siya sa buhay niya. I'm no special. Mamaya isipin pa ng mga tao sa hospital may something kami.

Nakita ko sa relo kong 9:30 na. Kanina pa rin ako kinukulit ng mga ugok na lumabas na. When I went out, nagbrebreakfast na sila. Napailing naman si Lorenz at Aurora sakin habang pumapalakpak naman si Sandro.

"Batas ka talaga Quinn!" Pambati niya. I rolled my eyes and took a seat beside them.

"Alam mo, isang linggo nga siyang di pumasok eh.Hayaan niyo yon. Nakapagopera na naman yon doon." Sagot ko. I heard a little chuckle from Aurora.

"Di daw close pero pati yon alam."

Sumimangot ako sa kanya. Natawa naman siya dahil sa inasta ko. Syempre, pag pinansin ko pasila, mas iinisin pa nia ako. Sumubo na lang ako ng isang french toast saka dinampot ang coat ko.

"Bahala nga kayo diyan. Mauuna na ko." Sabi ko sabay labas. Narinig ko pa nga yung rant ni Sandro na hinintay pa man din daw nila ako tapos iiwanan ko rin sila.

Pagdating sa Crimson, agad akong nagtungo sa ER department. I was greeted by the people and residents.

Dumiretso naman ako sa office ko. Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin si Archer na nakaupo sa upuan ko. Nakataas ang kilay niya at nakapatong ang dalawang siko sa mesa.

Napansin ko ang suot niyang white polo na nakatupi ang sleeves hanggang siko. Mukha siyang nagmomodel ng mesa or ng kung ano man.

"Why are you inside my office?" I asked as I went to my table. Ibinaba ko ang dala kong bag at inihagis ang susi ng kotse sa mesa.

"Did 9 and 10 swap their places in your clock at home?" Pagsusungit niyang bati sakin. I want to laugh dahil nakokornihan ako sa salubong niya but to piss him off more, I didn't. It's payback time.

"Didn't your elementary teacher teach you that a question should be answered by an answer and not a question too, Archer?" Pabalang kong sagot pabalik. Nakita ko ang saglit na amusement sa mata niya na ikinukubli niya lang. Dahan dahan siyang tumayo sa upuan ko.

"Archer, really?" He sexily asked. Napakurap ako bigla dahil oo nga pala, ngayon ko lang siya tinawag ng Archer. I shifted my gaze sa mga papeles na nasa lamesa ko.

Pieces of PasticheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon