"Hey, why aren't you eating?"
Napabalik ako sa realidad nung kalabitin ako ni Elijah. Tipid akong ngumiti sa kanya at sumubo ulit. Kanina pa kami narito sa party at kanina pa nagsimula ang kainan. Maya maya ay narinig ko ang halakhak niya.
"Don't tell me you aren't over yet from the fact that I had crush on you?" Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa nakahanao nanaman siya ng bagong pangiinis sakin.
Hanggang ngayon, hindi pa and rin ako makapaniwala sa sinabi niya kanina sakin na nagkacrush siya sakin. More so na ako pa rin pala ang nagtulak sa kanya para mag England. I mean, Elijah is one of the teenagers na nilolook up nung highschool pa kami. Sobrang talino niya at talagang ipinanglalaban siya sa mga competition noon. Not just that, siya rin ang student council president noon plus his handsome looks, nakahakot siya ng maraming babae. And yet nagkagusto siya sakin? Sino ba naman ako noon? Isang tahimik na estudyanteng ayaw ng atensyon.
Mas nagulat pa ko roon kesa sa nalaman kong pinsan niya ang ex ko. Kung ganon, matagal na pala akong kilala ng ex ko bago pa man niya ko iapproach nung internship ko.
Matagal na pala niya kong gusto. Bago pa man kami maging magkarelasyon ay gusto na niya ko, highschool pa lang. But there's no point on dwelling on it. He's married.
"Alam mo, hanggang ngayon ang hangin mo pa rin. Hindi nga kita sabi naging crush!" Pagtatanggol ko sa sarili ko. He chuckled.
"I know. Gianna told me the truth. But still, let's just save that thought as a truth. Para naman kahit minsan, masabi kong naging crush rin ako ng crush ko."
Napapikit na lang ako sa mga pinagsasasabi niya. I don't know why but it's making me uncomfortable.
"Ladies and Gentlemen, thank you for coming." Nakuha ng atensyon ko ang panimulang bati ni Dr. Salome.
"I know, all of you have been wondering as to why I organized this party all of a sudden. I would like to make announcements. First of all, I would like first to thank everyone who's been my family in Crimson Medical City. To Dr. Wildrige na naging anak-anakan ko.." Ngumiti ako sa kanya nung banggitin niya ang pangalan ko. Humarap ako kay Elijah at nagtanong.
"Do you know what is this all about?" I asked. He just pointed at Dr. Salome. Napairap naman ako. Kahit kelan talaga wala kang makuhang impormasyon sa kanya eh.
"...learned a lot of things. But even before a thing starts, it's end is already set. And I have come to accept the last day of my position. I will retire now as the Head of ER Department. That is the main reason why I organize this..." Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ngayon ni Dr. Salome. Nakaramdam ako ng matinding lungkot. I can't imagine me going to Crimson without my father. Parang hindi ako makapaniwala na yung naging tataytatayan ko nung estudyante pa lang ako ay magreretire na. Oo nga, hindi ko napansin na talaga palang tumatanda na siya.
"As to answer the question who will be the next head of my department, I asked Dr. Wildrige before to accept this position. Kung may tao man akong pagkakatiwalaan ng Departamentong hinawakan ko, siya iyon. But she refused. But of course, I can't let my department down. Let me now introduce to you, the new Head of ER Department..." Nanlaki ang mata ko na narito ang panibagong head. Andito sya!
"My nephew, a trauma-neurosurgeon, Dr. Kirk Elijah Archer Houston!"
Laglag panga kong pinagmasdan si Elijah na tumatabi ngayon kay Dr. Salome habang nagpapalakpakan ang mga tao. Samut-saring reaksyon ang binigay ng nga tao. May pumuri sa kakisigan niya, may mga nagtatanong na kaagad ng kredibilidad niya at may tulad ko rin, na tahimik rito at nananatiling gulat.
Shit! Assistant niya ko!
"I expect Dr. Wildrige to guide Dr. Houston with managing the department until my nephew get used to it. Another news, I hired a Gastrointestinal surgeon as the assistant head of the GI unit in ER, Dr. Aurora Peige."
BINABASA MO ANG
Pieces of Pastiche
General Fiction#LostGirlsSeries Third Installment Status: Compeleted Quinn Stephanie Wildrige is a renowned Neurosurgeon of Crimson Medical City. She's enjoying the time of her life when suddenly, her bully highschool schoolmate Kirk Archer Elijah Houston returned...