Kabanata 35
Kinwento ko lahat lahat kay Aurora. She just silently and patiently listened to me. Medyo kumalma na ko ng kaunti kakaiyak. She handed me a glass of water.
"Gusto mo bang ako na lang sa fitting?" concerned niyang tanong. Umiling ako sa kanya at tumayo na. Huminga ako ng malalim at ngumiti na.
"Let's go?"
--
Kakatapos lang namin sa fitting. Aurora really looked good in a wedding dress. She looks like an angel sent from heaven. Isang Aurora lang pala ang magpapacommit kay Sandro. I am so glad she came into our lives.
Kanina habang tinitignan ko si Aurora na masayang tinitignan ang sarili sa harapan ng salamin suot suot ang kanyang wedding dress, hindi ko maiwasang mainggit. Mararanasan ko kayang ikasal? Mararanasan ko kayang maglakad sa altar? After loving Archer, I can't imagine myself loving another. I can't imagine myself going through emotional changes again. Pakiramdam ko, habang buhay nang si Archer ang mamahalin ko.
Kahit gaano kahirap. Kahit gaano kasakit.
Nag inuman kami. I didn't intend to get wasted but I really drink a lot. Sumayaw ako ng sumayaw. Ben, Lorenz, Sandro and Aurora were just looking at me, watching at me with pity in their eyes. Naiinis ako roon. I don't need those eyes. I did what I did. Tanggap ko iyon kay abakit nila kailangan maawa sakin?
I keep on grinding my hips when I felt someone touched my waist. Malabo na ang mata ko pero ramdam ko ang pagsayaw ng lalaki sa harapan ko.
"Do you want to go somewhere?"
Hindi pamilyar sakin ang boses. Mula sa bewang ko ay ramdam kong bumaba sa pwetan ko ang kamay niya kaya naitulak ko siya.
"Bastos!" sigaw ko.
"Aba, pakipot ka pa?"
Sasagot pa lang dapat ako nung maramdaman kong may humigit sa akin. Bago ko pa makita sila, I saw Sandro and Ben talking to the guy who tried to violate me!
"Aray ano ba!" sigaw ko sa nanghahatak sa akin. Nailabas na niya ko ng bar at hindi ako makapag focus. Umaalon ang paningin ko.
Damn, bakit amoy Archer?! Nag iilusyon ba ko?
Sino ba 'to? Si Lorenz?
I laughed.
"Oh Lorenz! Bat't lumabas ka!" I exclaimed. Malabo pa rin ang lalaki sa paningin ko kaya natawa ako.
"Alam mo naiinggit ako kay Aurora! Kanina nung nagsuot siya ng wedding gown? Puta gusto ko din!" hindi ko alam pero bigla nanaman nagtubig ang mata ko. I laughed it out.
Hinawakan ako sa magkabilang kamay ng lalaki- o ni Lorenz. Hinampas ko ito.
"Let's get you home." Utas ng lalaki. I must really be hallucinating! Pati boses ni Archer naririnig ko! I'm crazy!
"Hala Lorenz! Kaboses mo na si Archer? Wag mo nga gayahin! Mas namimiss ko eh!"
Even though I can't see his face clearly, I saw his jaw clenched. Naghahallucinate na nga yata ako. Bakit nakikita ko si Archer sa lalaking ito? Pero hindi eh, si Lorenz to! Wala siya kanina kina Sandro at Ben!
"Ang sakit Lorenz! Ang sakit na kahit taon na ang lumipas pero mahal ko pa din siya..." humagulgol ako pero ramdam ko ang paglambot ng humahawak sakin dahilan para medyo mawalan ako ng balanse. Muntik na ko mahulog buti na lang napakapit ako sa sasakyan na nasa likuran ko.
"Do you..regret..leaving?" tanong ng lalaki. Mapakla akong ngumiti at natawa. Funny thing is, kahit gaano kasakit, kahit hindi niya alam..
"I don't. And I will do it all over again."
BINABASA MO ANG
Pieces of Pastiche
قصص عامة#LostGirlsSeries Third Installment Status: Compeleted Quinn Stephanie Wildrige is a renowned Neurosurgeon of Crimson Medical City. She's enjoying the time of her life when suddenly, her bully highschool schoolmate Kirk Archer Elijah Houston returned...