Kabanata 10

262 6 0
                                    

Tinapos namin ang rounds ko. Sa iba, mabilisan lang dahil dati ko pa naman silang pasyente. Nung matapos kami ay pagod na pagod ang itsura ng mga residente ko. Alam ko duty pa sila for 30 hours.

"Since malapit na kayo matapos sakin, my final task for you is to make a detailed and comprehensive report about a certain Neuro case. Disease, pathophysio, signs and symptoms, management, rehab, findings, everything. Lahat. The thicker the better but I don't want any unnecessary details in it. Submission one week later. I'll send you the list of diseases. Kayo na lang ang bahalang maghati hati doon. Goodluck."

Nung makaalis na sila, naupo ako sa isa sa mga sofa doon. Naramdaman kong lumundo ang tabihan ko. Nilingon ko si Archer.

"I told you just go and rest." Pagod kong sambit. He chuckled at me. Bahagya akong natawa doon. Pag sa iba nag sungit sungit kapag sakin mabait naman. Ay, hindi pala mabait! Makulit pala! Mapangasar, bigtime!

"Do you have anthing to do? I'll walk you home." Nagulat ako sa alok niya. May kung ano sa akin ang natuwa. What the! Bakit ako matutuwa? Broken hearted ako diba?!

"Magdidinner pa kami nila Lorenz," bigla akong napakagat ng labi. Uh, ang awkward naman kung di ko siya iimbitahin. "You should come with us."

Tipid niya kong tinignan at tinanguan.

"Let's go back." Pagyaya ko.

Nilakad na lang namin ang daan pabalik sa old building kung nasaan ang office namin. Malamig ang simoy ng hangin. Tinanggal ko na kanina pa ang white coat ko kaya naman damang dama ko ang lamig. Wala na kasing shuttle na naghahatid kapag gabi. Kaya wala kaming choice kundi ang maglakad.

"Friends kayo ni Aurora?" I asked to fill the silence. Ayoko kasi ng tahimik masyado lalo na kung kaming dalawa lang. Hindi ko alam kung comfortable silence ba yun or awkward silence.

"Maybe.."

Maybe? Ano kayang sagot yon? Friends naman na siguro sila kasi alam nga ni Aurora na Elijah ang tawag sa kanya ng special people sa kanya eh.

Pinamulahan tuloy ako ng mukha nung maalala ang sinabi niya sakin. Special raw, baka special one na mahilig asarin!

"Why did you choose to be a doctor?" nagulat ako sa napili niyang tanungin. It's a general question, usually topic pag walang maitopic but somehow, it became personal to me.

"To save lives?" general kong sagot. I don't know but I don't feel like sharing. It's too...personal.

"Ikaw?" tanong ko pabalik. Bigla niya kong nilingon. Yung lingon na pakiramdam ko pati pagkatao ko ay tinitignan niya. Napakurap ako saka ibinalik ang tingin sa harapan ko.

"Someone in highschool told me before that I look good in white coat." Kumunot ang noo ko sa sagot niya. Well, he really looks good on a white coat. Kanina suot pa niya kaso tinanggal na rin niya. Bagay pa man din sa kanya.

"You told me I look good in white coat." Ngayon, hindi ko na napigilang mapalingon sa kanya. Huh?! Did I say my thoughts out loud?!

"A-Ako?!" defensive kong tanong. He chuckled at my reaction. Kita mo to! Pinagtawanan pa ko!

"Remember the play we starred back then? I was a doctor and you're a nurse.."

Napamaang ako nung inaalala ko yung sinabi niya. Napa-ahh na lang ako nung maalala ko. I remember the play but hindi ko naaalalang sinabi ko iyon!

"Sinabi ko ba talaga yon?" I asked, obviously doubting. Muli, natawa siya. Ginawa pa kong clown nito!

"Yeah,"

"Nag med school ka dahil lang sinabi kong bagay sayo ang white coat?" hindi ko makapaniwalang tanong. Nakangiti naman siyang tumango.

"I told you, crush kita noon."

Pieces of PasticheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon