Kabanata 31

177 3 0
                                    

Kabanata 31

Sunod sunod na tunog ng ambulansya ang narinig namin. I am already wearing my dark blue scrub suits. Habang sinusuot ang gloves, tanaw na kaagad namin ang mga ambulansya sa labas ng ER.

"It's a welcome back for you, Dr. Wildrige." Utas ni Lorenz. Inirapan ko sya dahil don. Tinawagan na sila kanina dahil nga ang dami ng casualties ngayong gabi. Mukhang magiging mahaba haba ang gabing ito.

"Welcome back, kahit kelan naman toxic sa duty itong si Quinn! Nagpancit ka no?"

Sinamaan ko ng tingin si Sandro. It's a myth kasi na kapag daw kumain ng pancit, nagiging toxic ang area. Tumawa naman si Sandro. Hindi ko rin talaga alaam bakit nandito to eh. Anesthesiologist naman siya. Nangaasar lang talaga.

I saw a familiar lady na nakiline up samin. She smiled at Aurora and Lorenz.

"Hi guys! Sorry, a bit late." Utas niya. Nilingon ko si Aurora ng nagtatanong na mata.

"Ortho, hired by Archer." Sagot niya sa mahinang tugon. I nodded. Nakaramdam ako ng konting kirot sa dibdib ko.

"Hi! You must be the Neurosurgeon?" Bigla siyang bumaling at kinausap ako. Sasagot pa lang sana ako nung pumarada na ang ambulansya sa harapan namin.

"What do we got?" Tanong ni Lorenz. Tumambad sa amin ang isang lalaking may nakatarak na adobe sa dibdib. I winced when I imagine the pain this guy is going thru.

"Forty seven year's old male. Nasa pangatlong palapag raw sya ng building nung magcolapse ito. Nahulog sa kanya yung mga adobe. Lethargic, pupuls equal  reactive to light and accommodation. BP 140/100, HR 128, RR 35 shallow and fast." Pageendorse ng medic.

"Get a CT, ASAP, unto bed 4!" Utos ni Lorenz.

Dumungaw ako sa kabilang ambulansya kung nasaan ang bagong doctor. I don't even know her name. Magkasama sila ni Aurora sa ambulansyang iyon.

"Twenty nine years old male, unconscious, pupils unequal. BP 80/40, hr 120's-"

"He's in shock! To bed 8 please!" Dali daling nang tinulak nila Aurora ang pasyente. I saw his feet and I'm pretty sure that it's compartment syndrome. Hula ko ay nadaganan iyon ng pader o kung ano man.

Dahil ako na lang ang natira, ako na ang sumalubong sa isa pang ambulansya. My heart pounded and my world stopped when I saw Archer sitting beside the patient.

He is wearing a white shirt and grey sweat pants. May bahid ng dugo ang kanyang braso and I saw a long cut over there. He wasn't surprised to see me unlike me. He just stared coldly at my eyes. I felt a slight pain on my chest upon staring at those cold dark eyes.

"Thirty seven years old male, fell down on bed of nails after losing consciousness. He lost consciousness before the collapse happened. There's visible 3 nails na nakatusok sa uluhan niya. Vital signs stable, alert, no signs of paralysis.."

Tuloy tuloy ang pagsasalita ng medic habang sinubukan ko nang asikasuhin ang pasyente. Agad kong nakita ang pako na nakabaon sa ulo niya. I winced once more as I imagined kung ano anong ugat ang maaarinng natamaan non sa loob ng bungo.

I was surprised when he's alert and there's reflexes. Hindi rin numb at hindi nanghihina.

Pumasok kami sa loob. Agaran ang pag kuha ng portable X-Ray sa uluhan niya. The technician gave it to me with widening eyes.

"Eight nails inside his skull." Utas ko.

"3 mg of morphine titrate to ten. Get me my scrubs-"

"I can do it." Pinigilan ko si Archer. Kahit naghuhumerantado ang puso ko dahil nandyan siya, alam ko naman ang gagawin sa pasyente.

Pieces of PasticheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon