Kabanata 12

254 8 0
                                        




Dumating naman na sila dala ang mga order. Their sizes here were bigger than those in the Philippines.

Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na kami sa hotel na pagstastayan namin. Aurora and I shared a room samantalang sama sama naman ang mga lalaki sa isa pang room.

Aurora went closer at the balcony. Mula doon ay kitang kita ang nagtataasang gusali dito sa New York. The room is a mixture of peach and brown design. Si Dr. Aldea talaga, napaka galante pagdating sa ganito.

"Sandro! Wag ka nga humiga diyan!" tinapik ko paalis si Sandro sa kama namin dahil humihiga siya don. Hindi ko alam kung bakit nandito sa kwarto namin tong lalaking to. Napaka clingy!

"Ang damot naman neto! Parang tinitignan lang kung malambot eh!"

"Malamang malambot yan! Kama yan eh!" inis kong sabi sa kanya habang pinapagpag ang kama. Binelatan pa niya ko na kala mo'y isip bata. Talaga nga naman!

Minabuti muna naming magpahinga. Medyo napagod din kami sa byahe at 17 hours rin ang byahe. Tinignan ko ang relos ko. Kaya pala inaantok ako, 2 AM na sa manila samantalang

2 PM pa lang dito.

Natulog muna kami. Nagising na lang ako dahil sa lakas ng boses ni Sandro. Mula pag tulog hanggang pag gising boses na lang ni Sandro naririnig ko. Lord please give me peace and keep me away from Sandro even if just for a day.

"Lagot ka, Sandro. You woke Quinn up." Dinig kong boses ni Lorenz. Napalingon ako sa kanila at unang nakita ko ay si Archer. Nagulat ako at napaayos ako bigla.

"Hayaan mo! Alas otso na kaya ng gabi! Masyado nang mahaba tulog niyan!"

"Bastus ka talaga!" sigaw ko sabay bato ng unan. Tawa naman ng tawa si gago.

Dumiretso na ko sa banyo. Nakahanda na kasi silang lahat kaya tingin ko'y magdidinner na.

Pagkatapos kong maligo ay nagsuot na ko ng leather pants at turtle neck na top. Binun ko lang ang buhok ko at nagiwan ng kaunting bangs. Paglabas ko ay tahimik na ulit ang room. Nakita ko na lang si Aurora na tawa ng tawa habang hawak ang phone.

"Huy, kabagan ka niyan."

Diretso ako sa salaminan para iready ang bag ko. Nagsuot na rin ako ng boots.

"Check mo Facebook mo dali!" utas niya habang tawa ng tawa. Takha naman akong sumunod. I saw a tagged post from Lorenz. Nakatag rin si Sandro at Aurora. It is a photo meme.

"Legit. Bumibilis reply ko kapag katarantaduhan ang topic."

Tawang tawa ako dahil Sandrong Sandro nga ito. Binasa ko pa yung mga comments dahil nakita kong nagcomment na siya.

Sandro Chandler Llamas

Kahit anong topic niyo kaya nirereplyan ko! Pasalamat nga kayo nirereplyan ko kayo at nag iingay ako kundi parang namatayan lagi pag kayong dalawa lang ni Quinn ang magkasama!

15m Like  Reply

Lorenz Schuler Havsen

We didn't ask you to. I value silence.

9m Like Reply

Sandro Chandler Llamas

Lorenz Alam ko namang shy ka masyado kaya I'm doing you a favor! Diba Quinn?

6m Like  Reply

Lorenz Schuler Havsen

Sandro Shh

5m Like Reply

Sandro Chandler Llamas

Lorenz h8r

Pieces of PasticheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon