Kabanata 40

317 6 0
                                    

Kabanata 40

"Stephanie, iha, halina kayo kakain na."

I look at the nun who called me. Nakadalawang tawag na siya sa akin pero hindi ko magawang tumayo sa kinaroroonan ko. I am sitting in my brother's bed.

My brother who died days ago. Sabi nila, hindi raw nakahinga ang kapatid ko kaya namatay.

Narinig ko ang pag pasok ng kung sino sa kwarto ko. Pumunta sa harapan ko ang isang batang babae. Probably the same age as me.

"Steph, sabi ni sister kakain na daw tayo. Tinawag ka na din daw kanina ni Nay Ophelia." Utas niya. Tinignan ko lang siya saka tumango.

"Kayo na lang." sabi ko. Ngumuso ang batang babae saka naupo sa tabihan ko.

"Alam mo, hindi magugustuhan ng kapatid mo kapag hindi mo inalagaan ang sarili mo."

Hindi ko siya tinignan. Para akong walang naririnig. Sana sinama na lang ako ng kapatid ko.

Iniwan na nga kami nila Mama at Papa, pati ba naman siya iniwan ako?

"Bakit ba kasi nila ako iniiwan? Bakit kami inwian ng mga magulang ko sa kalsada?" hindi ko napigilan ang luhang namuo sa mata ko. Gusto kong malaman bakit? Ayaw ba nila kaming maging anak? Salbahe ba ko?

"Kung hindi nila kami iniwan, baka hindi namatay ang kapatid ko."

Hindi nagsalita ang babae sa tabihan ko. Nagulat na lang ako nung bigla niya kong yakapin sa gilid ko.

"Huwag ka nang umiyak. Nandito naman kami. Tsaka balang araw, may mag aampon rin sa atin. Magkakaroon rin tayo ng mommy at daddy na mag aalaga satin."

Hindi ko inakala na yung sinabi niyang iyon sa akin, magkakatotoo pala. Isang araw, bigla na lang may mag asawang pumunta sa kwarto ko. They were both looking at me with adoration. Something I didn't know that exists.

"Hello iha.." bati sa akin ng babae. Tinignan ko lamang silang dalawa. Ngumiti ang ginang sa akin. Lumipat ang tingin ko sa lalaking nasa tabihan niya na nakangiti rin sa akin.

"Anak, ako nga pala si Laine. Ito ang asawa ko, si Vincent."

Ngumiti ako sa kanila. Something in them made my heart melt. Maybe the way she called me 'anak'.

"Hello po.." sagot ko. Her smile grew wider.

"Ayos lang ba sa'yo kung..aampunin ka namin?" tanong niya. Nagulat ako roon dahil hindi ko akalain na talaga ngang may magaampon sa akin. I look at Nay Ophelia who was standing behind them. She smiled at me and nodded.

"M-May magiging kapatid po b-ba ako?" I asked. Hoping that I won't be an only child. The man laughed with pure joy in his eyes.

"Yes, anak. You'll meet your Ate Kyla soon."

Dinala nila ako sa bahay nila. Ang laki ng bahay nila. Mayroon nga akong naging kapatid. Hindi ko alam pero ang sabi sa akin, may sakit raw siya. Hindi siya nakakalakad at palagi lang nakahiga o di kaya ay nasa wheel chair.

Minsan nilalaro ko siya. Minsan naman, kinekwentuhan ko na lang siya.

Minsan napapanuod ko silang buong pamilya. Kung paano nila yakapin si Kyla ng may buong pagmamahal.

Buti pa si Kyla, minahal ng mga magulang niya. Buti pa si Kyla, hindi iniwan.

Kapag ako nagkaanak, hinding hindi ko siya ipapamigay. Mamahalin ko siya ng pagmamahal na hindi sakin naibigay ng mga tunay kong mga magulang.

Pieces of PasticheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon