Kabanata 11

247 7 0
                                    




"Hey Aurora, ano nanaman itong snap na 'to?" I closed my eyes and breathe properly after hearing Sandro's voice again. 

Simula pa kanina sa eroplano, hindi na kami tinantanan ng asaran ni Aurora at Sandro.

"What? As if namang ikaw ang kinukuhanan ko diyan! Yung view kaya!" Bwelta ni Aurora. Tumingin ako kay Lorenz at nakita kong napailing na lang siya.

Oh Lorenz, ako rin gusto ko nang umiling na rin.

Nanguna na ko sa paglalakad papunta sa entrance ng airport from the platform. Hawak hawak ko ang phone ko at viniew ko nga tung Snap ni Aurora. It's her showing the place of America with her voice at the background saying "Touchdown America!".

Nakita ko nga roon si Sandro na nakapikit lamang at nakikinig sa earphones nya.

"Will the two of you stop quarrelling all over and over again? Hindi ba kayo napapagod?" Iritableng puna ni Lorenz. Napailing na lang ako. When he's like that, alam namin ni Sandro na naiinis na talaga siya. Umismid lamang si Sandro at umirap naman si Aurora.

"Let me." Napalingon ako kay Archer na nagsalita sa tabihan ko. Agad kumabog ang puso ko sa pamilyar na amoy niya. Dahil ayoko nang makipagtalo, hinayaan ko nasiyang buhatin ang mga bagahe ko.

Tinitigan ko pang muli siya. Wearing a white V-neck shirt inside a thick coat and faded jeans, he looks like a hollywood star walking down the shiny floor of this airport.

Inayos ko ang scarf na nasa leeg ko. It's just February kaya may snow pa rin. Sobrang lamig ng simoy ng hangin at nakita ko pa kanina sa salamin na medyo mapula pula ang pisngi at ilong ko. Nakikita ko rin kahit hininga namin sa ere dahil sa sobrang lamig.

Sa labas ay may naghihintay sa aming kotse. To where Archer got this is beyond my knowledge. Iniitsa na lang nung guard ang susi at si Archer na ang nagbukas ng pintuan. He held it wide open for me. Napamaang naman ako.

"S-sasa-"

"Sasabay ako kay Lorenz! Bahala kang mag isa sa kotse mo. Mabangga ka sana!" Natigilan ako sa singhal ni Aurora saka nagdirediretso sa sasakyan sa likuran nitong blue sports car ni Archer. Iiling iling si Lorenz na pumunta sa driver's seat at tumango sakin. Bumaling naman siya kay Archer na nasa harapan ko, hawak pa rin ang pintuan.

"We'll follow your car. Let's have some lunch first." Wika pa ni Lorenz. Archer nodded at him and gave me back his attention. O...kay? So kay Archer ako sasabay? Bakit ba kanina pa nila ako pinupush dito kay Archer? Nung last dinner pa namin 'to ah? Sa Pilipinas pa lang ganyan na sila.

"So..?" Napamaang naman ako nung magsalita si Archer. At talaga nga naman ang paa ko may sarili yatang cranium at nagkusa nang pumasok sa sasakyan niya. I heard some mumbled words from Archer before he closed the door.

Eto na naman ako, pinagpapawisan kapag kami na lang dalawa. I can't understand why!

Pinaandar na niya ang sasakyan at napakapit naman ako ng mahigpit sa handbag ko. Okay?

"Paano si Sandro?" Tanong ko na lang. Hindi ko kakayanin ang awkward atmosphere dito kung pakikinggan ko lang ng pakikinggan ang paghinga naming dalawa.

"He can take care of his self, Quinn. He got his own car."

Tumango na lang ako at tinignan sa likuran ang dalawang sports car pa na nakaconvoy samin. Yellow for Lorenz and gray for Sandro.

"Where do you want to eat?" Gulat akong napabalik sa inuupuan ko nung marealize kung gaano ako kalapit kay Archer. Quinn?! Sit properly!

"Anything." Tipid kong sagot. Ramdam ko pa ang pagsulyap ni Archer sa akin.

"So let's eat Oysters."

Inis akong napabaling sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin na ikinatawa niya.

"What?" Natutuwa niyang tanong. Tila nangaasar pa lalo.

"Do you want a Sandro-Aurora part two?" Nagiinis kong tanong. Eto na naman eh! Nambubully nanaman siya! Alam naman niyang ayaw na ayaw ko sa Oysters.

"That's what I really don't understand about women. When you asked them kung anong gusto nila, isasagot kahit ano. But when we choose something since they don't want to, magagalit naman sila."

Sinamaan ko siya lalo ng tingin.

"Alam mo nama-"

"You hated Oysters since highschool when you discovered that it's my favorite food."

Napatahimik ako saglit sa sinabi niya. May kung ano akong hindi mapangalanan na bagay ang nakita ko roon. Saglit akong napaiwas ng tingin.

"I-It's not the sole reason. I...hated Oysters because my younger brother died because of that."

Hindi ko alam what made me confess that thing to him. Katahimikan ang namutawi sa paligid namin. Ramdam kong nagtubig ang mata ko sa naalala ko.

"It's my birthday when I asked our cook to bake some oysters. It is actually my favorite seafood. My brother is 3 years old back then and I was 8. Umalis saglit yung cook para may kunin sa kusina. Nung makita ko sa lamesa ang mga talaba, kumuha ako ng isa. My brother saw me and he smiled at the sight of me. Ginawa ko, pinatikim ko siya nun."

I breathed because even though that was years ago, sobrang naaalala ko pa.

I swallowed before I continured, "Then later on, bigla na lang raw siyang nahirapang huminga. He turned red and lost his consciousness. After years of studying, I discovered that my brother's death was caused by a severe hypersensitivity reaction which led him to anaphylaxis. Simula noon, ayoko nang kumain ng Oysters." I smiled bitterly as I pictured the image of my brother smilling at me. Those who took care of me kept the cause of my brother's death from me para lang hindi ko sisihin ang sarili ko.

"Sorry." Napatingin ako kay Archer dahil seryoso na ngayon ang mukha niya. Saglit akong tumawa para maibsan ngayon ang awkwardness. Iyon pala ang matagal na niyang naiisip. That I hated Oysters because it's his favorite.

"Mag Dominos na lang tayo." Sabi ko.

We reached the pizza parlor at tahimik na ngayon si Aurora. She's now busy with his phone at kaming dalawa lang ang nasa mesa ngayon. The three boys were ordering food at the counter.

"What are you doing?" Usisa ko. She look at me and showed her phone. Nagpopost siya sa Instagram.

"Alam mo bang first time ko rito sa America? Parang dati sa pictures ko lang to nakikita, ngayon totoo na. Ang ganda ng snow!"

I smiled at her dahil halatang halata mong masaya siya. Hindi namin first time mapunta sa ibang bansa dahil medyo madalas ang conferences.

"Ano kaya kung dito tayo nagpapractice, ano?" tanong niya. Tinignan ko naman ang paligid. Hindi ko alam. Sa aming lahat si Archer pa lang naman ang nakakapagtrabaho sa ibang bansa since galing siyang England. Iba nga ang approach niya kahit pagdating sa surgery. Surprisingly I am learning a lot from him dahil minsan minsan ay nagkakasama kami sa surgeries.

"You think there'll be a big difference?" tanong ko. Nagkibit balikat naman siya.

Pieces of PasticheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon