Kabanata 9

271 7 0
                                    

Since nasa New Building pa ang building na pagrorounds ko, minabuti na naming mag shuttle. Agaw pansin tuloy itong kasama ko! Bakit kasi ang gwapo?

"Hi Doc! Rounds po kayo?" ngumiti ako sa bumating kapwa doctor ko rin. I nodded at her and returned the question. "Kayo po?"

"Tapos na. May bibisitahin lang na kamag-anak na nakaconfine sa Annex."

Napatango ako sa sagot niya at ngumiti na lamang. Pasimple naman siyang ngumiti at nilingon ang katabi kong suplado nagsisight seeing.

"Boyfriend mo?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong niya at sabay pa naming nilingon si Archer. Baka marinig!

"Kaya ba wala kina Lorenz o Sandro ang nobyo mo?"

"Hindi, doc! Pamangkin po siya ni Dr. Salome." Paglilinaw ko. Mukha namang naliwanagan siya.

"Ah! Siya yung pinakilala ni Francis nung party? Hindi kasi ako nakapunta nun eh." Pagkukwento niya. Ngumiti na lang ako at tumango.

"What building is that?" biglaang tanong ni Archer. Tinuro niya ang building kung saan ako pumunta nung una kong nakita siya sa ospital na ito.

"Annex 2 tawag namin diyan. Nandiyan ang lahat ng clinics ng doctor. Nandiyan din ang halls kung saan ginaganap yungmga conference and small conference rooms for presentations ng students. Nasa ilalim din niyan ang morgue and pathology department." Pageexplain ko. Tumango tango naman siya.

Nung makarating na kami sa New Building ay nakita ko naman na kaagad ang mga residents ko sa lobby. Una nila akong nakita pero nalipat agad ang tingin nila sa lalaki sa likuran ko. Napairap na lang ako.

"Good afternoon." Bati ko sa kanila.

"Good afternoon, Dr. Wildrige.." ako ang binati nila pero kay Archer sila nakatingin. Aba!

Tumikhim ako kaya nalipat sakin ang tingin nila. Limang residents sila na under surgery department. Hindi ako gaano kapamilyar sa pangalan nila pero natatandaan ko si Nikki at Lemuel. Sila yung nagpresent sa akin last last week. If I'm not mistaken, yung isa ay si Chickie.

Sinilip ko yung name plate nung isa. It says Patricia and the other one's Baron.

"How many census for today?" tanong ko.

"We have a total of 12 patients for today, Doc. Isa pong nagexpire kaninang 1 pm and 3 new admissions po." Sagot ni Chickie. I nodded at her. Paminsan minsan ay magnanakaw sila ng tingin sa lalaking nasa likuran ko na nakikinig lang. I sighed.

"By the way," nilingon ko si Archer at sinenyasan na lumapit. Lumapit naman siya samin at medyo nailang lang ako dahil sobrang lapit naman!

"This is Dr. Archer Houston. Our new ER Chief of Surgery. He'll be joining us in our afternoon rounds. Stay focused and I have an announcement later." Sabi ko sa kanila.

"Yes, Doc." They responded in unison.

"Anong pong specialty niyo, Doc?" tanong nung isang babae. Gustong malaglag ng panga ko dahil nagawa pa nilang magtanong!

"Neurosurgery and Trauma." Tipid na sagot ni Archer. Para namang kinikilig yung mga residente. Tumaas ang kilay ko.

"Are you here for the chitchat or for my rounds?" hindi ko napigilang magtaray. They looked down and muttered their apologies. I rolled my eyes.

Lumakad na ko kaya ganun rin ang ginawa ni Archer. Nakasabay siya sa gilid ko habang nasa likuran namin ang mga residente ko. I rolled my eyes when I heard them giggling. Parang wala sa duty ah? First time makakita ng gwapo?

Pieces of PasticheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon