Kabanata 18

226 3 0
                                    




Nakaset na ang mga cubicle sa labas ng lugar dito. Sa paligid ay puro bahay kubo kung nasaan nakabase kami ngayon. Binigyan na kami ni Nuwagi ng sarili naming lugar para sa privacy namin. Per cubicle ay dalawang doctor ang narito. Magkasama kami ni Archer sa isang cubicle dahil parehas kaming Neuro although general cases ang kukunin namin.

"May kailangan ka pa ba?" tanong sa akin ni Archer. Hindi ko maiwasan na isipin ang napag usapan namin nila Lorenz. Siguro nga gusto ko na siya pero hindi ko alam kung mahal ko na ba siya para sumugal ako.

"Okay na ko. Ikaw ba?" tanong ko. Ngumisi siya sakin ng nakakaloko kaya napakunot ako.

"Your hug."

Napakurap ako ng mata sa sagot niya. I bit my lower lip ang turned around. Hindi ko alam kung anong meron sakin at niyakap ko nga siya. Halata ang gulat sa mga mata niya. Pati na rin sa katawan niya. Slowly, his body relaxed and I felt his arms embracing me.

"What's with you today Quinn Stephanie?"

Napangiti ako sa pag tawag niya ng buong pangalan ko.

"Can I call you Elijah now?" natatawa kong tanong. He chuckled and nodded.

"You should have called me Elijah from the start. Ikaw lang naman ang nagbago nun."

"I would like to try things but I'm afraid." Makahulugan kong sabi. I heard him sigh. Natawa tuloy ako. Humiwalay ako sa yakap.

"Is it because of my cousin?"

Umiling ako. Surprisingly it is not about him.

"Before we'll be official, I want you to meet someone back there in the Philippines."

"Porn!"

Bago pa siya sumagot ay nainterrupt na kami ni Sandro na biglaang pumasok sa cubicle namin. Sinamaan ko naman siya ng tingin at hindi naman binitawan ni Archer ang kamay ko.

"Ano nanamang katarantaduhan ang dala mo?"

"OA sa katarantaduhan ah! May nainterrupt ba ko? Lovey dovey session niyo na ba?" nanggagagong tanong ni Sandro. I figured out na wala akong makukuhang sagot kay Sandro kaya humiwalay na ko't pumunta sa mesa ko. Archer did the same.

"Papacheck up ka na ba? Baka nasisiraan ka na rin sa tuktok." Sabi ko.

He gave me a fake smile "Funneh ka ghorl?"

Tawang tawa ako sa linyahan niya. Napailing na lang ako kakatawa.

"Seryoso na kasi ano ba yon?"

"Aurora has a case for you. Punta ka daw sa cubicle niya."

Tinignan ko si Archer and he signalled me to go. I nodded.

"I'll be back." Wika ko. I kissed his cheek before going.

Habang naglalakad, pinaulanan ako ni Sandro ng tanong. Napaka usisero talaga nito.

"Natauhan na ba ang manhid mong puso?" pangaasar niya.

"Secretary ka na pala ngayon ni Aurora?" pagiignora ko sa sinabi niya. Ganyan yan si Sandro, para magtahimik, iibahin mo ang usapan.

"Hindi pero since gusto kitang kamustahin, nagpresenta na ko."

Napabuntong hininga ako.

"I don't know Sandro. I feel like it is unfair for Gaia. He is the cousin of my unborn child. Pakiramdam ko unfair ako sa anak ko." pagamin ko. He sighed.

"Your child will want you to be happy, Quinn."

"Pero paano if masayang nanaman yung oras? Pag nag invest ako tapso wala nanaman? Hindi madali yung haba ng taon na naging kami ni James. Tapos tignan mo, napunta lang sa wala,"

"Di ka ba nanghihinayang sa panahon na dapat pinagsasamahan niyo na? Hindi ka na bumabata, Quinn. I know you want a family of your own. Something you can finally call your own. I saw how happy you were when you figured out that you were pregnant with Gaia. "

Hindi ako nakapag salita. I just smiled in response. Pag pasok sa cubicle, nakita ko ang isang babae. She's I think 6'8 if I am not mistaken. First time kong makakita ng ganito katangkad na babae. I smiled at her and she did the same.

"Oh, here's Dr. Wildrige, our Neurosurgeon."

"Good morning Doctor." Bati ng babae. I figured out she knows how to speak in English.

"Good morning. Dr. Aurora?"

"Yes, Dr. I have a referral here for you. She is Yukami Balisi, 17 years old. She presented signs and symptoms of Diabetes Mellitus lately. Tinignan ko pero hindi siya Type 1 DM. I discovered her parents aren't this tall so I'm looking at-"

"Hyperpituitarism." Pagtatapos ko sa sentence niya. I nodded and went closer to her.

"You're so tall and pretty, my dear. How are you?"

Kinamusta ko ang babae. Bukod sa sinasabi ni Aurora na hyperglycemia, napagalaman ko ring mataas ang kanyang blood pressure. Pawisin din siya dahil hindi naman ganon kainitan pero pinagpapawisan siya. Ang timbang niya rin ay higit sa kanyang edad ngunit hindi siya mataba.

"I have a question and it might be sensitive for you but I have to know if you'll let me." I asked for permission. She slowly nodded at me when Aurora gave her a reassurance.

"How's your menstrual cycle?" tanong ko.

"I bleed twice to thrice a year."

Tama ang hinala ko, Hyperpituitarism Gigantism. Kaya lang, wala akong CT scan to confirm if it is Anterior Pituitary Adenoma. Gusto ko munang ayusin siya gamit ang ang chemo pero matatagalan yon. Napagalaman ko rin na lumalabo na nag mata niya.

Sinubukan ko lang muna siyang bigyan ng Ocreotide para tumigila ng growth hormone niya.

Kinagabihan, nagulat ako nung dumating ang mga machines kasama ang mga volunteer nurses, staffs and some doctors. Dr. Salome discovered a lot of MG cases here kaya nagpadala siya ng CT Scan. I don't know how I will thank him.

The next morning, minabuti ko nang isalang si Yukami sa CT Scan. I bit my lower lip when I saw how big the tumor at her pituitary gland. Nilingon ko si Archer na kakapasok lang sa cubicle.

"That's big. You want me to assist you?" pagooffer niya. As much as I want him to be there, si Aurora ang magaassist sakin since original patient niya to.

"Kay Aurora ito eh, siya na ang mag aassist sakin. But thank you for the offer." Sabi ko. He nodded.

"When will you schedule the operation?" tanong niya.

"Bukas."

"Then assist me in my operation for this afternoon."

Kumunot ang noo ko.

"On what case?"

"Tumor of the spine, I will do a vertebral spinal resection." Kumunot ang noo ko. Huh? Tatanggalin niya? Paano yon?

"What case?"

"He has a tumor over the spine. It is already causing deformities on his spine causing compression on his lungs and heart. It is dangerous already because he's having right sided heart failure from the compression.

"How?"

"I'll be using a titanium cage. Risky but possible. Let's do the pre-op?"

Pumunta kami sa isang silid kung nasaan nakaconfine ang mga pasyente namin. May iilan na ring post op dito.

I was surprised when we entered our patient's room.

"Nuwagi?"

Pieces of PasticheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon