twenty six.

1.4K 73 54
                                    

Nakangiting bumuntong hininga si Jihoon ng makatapak sya sa bahay ni Soonyoung.

Memories flash.

Lahat ng masasayang ala ala nila ni Soonyoung ay naaalala nya. Mag lalakad pa sana si Jihoon ng biglang. . .

*puff!*

Bumalik na sya sa pagiging baby nya, alam nya. May hangganan yung epekto nun, pero ngayon ang aga naman ata.

"Aww Jihoonie" nabitawan ni Soonyoung ang dala nyang gamit ng makita si Jihoon sa sahig na nakaupo.

"Dito ka muna sa sofa ha? Aayusin ko lang gamit mo" sabi ni Soonyoung at inilapag sa sofa ang bata.

Kinuha nya ang mga gamit ni Jihoon at inayos sa taas, sa kwarto nya. Dahil doon namam talaga natutulog si Jihoon.

Duuuh!!!!!! Live in Partners sila!!!!!! Charot ヽ('□`。)ノ

Habang nag aayos ng gamit si Soonyoung may nakita syang Moon Necklace.

"Ano 'to?" kumunot ang noo nya at tinignan mabuti yung kwintas. Mas namangha sya nung makita nyang umiikot at umiilaw ang nasa loob na color blue na parang totoong Moon nga ang nasa loob ng kwintas na 'yon.

"UWAAAAAA! UWAAAAA! AJUJUJU UWAAAAAA!" binitawan ni Soonyoung yung kwintas at dali daling pinuntahan sa baba si Jihoon.

Agad na kinabahan si Soonyoung, paano kung nakapasok si Misoonya ag kinukuha nya si Jihoon?

Kaba at takot ang namayani sa emosyon ni Soonyoung. He can't afford to lose Jihoon.

"UWAAAAAAAAA!" agad syang pumunta sa batang umiiyak at binuhat agad ito.

"Jihoon, ano bang problema mo? Bakit ka umiiyak hm?" tanong ni Soonyoung sa batang si Jihoon.

Tinuro ng bata ang isang ipis na lumilipad. At pag tapos ay siniksik nya ang ulo nya sa leeg ni Soonyoung at humihikbi sya ngayon ng mahina.

"Pfft, you're crying because of that flying cockroach huh? Baby Ji, wala namang ginagawang masama sayo eh. Gusto lang nyang makipag kaibigan sayo. Tapos feeling nya sa sarili nya butterfly sya" sabi ni Soonyoung habang hine hele hele si Jihoon. Nakasuporta ang kamay nya. sa maliit at malambot na pwet ni Jihoon. Ang isa namang kamay ay nakasuporta sa likod ni Jihoon.

Uy chansing lang yan ( ͡° ͜ʖ ͡°)

Lumakad si Soonyoung patungo sa ipis na tumigil na ngayon sa kakalipad. Naka tigil sya ngayon at parang nag papahinga sa Jeonghan- este sa pader.

"Tignan mo oh, friends kami" sabi ni Soonyoung at pilit na hinaharap si Jihoon sa pader na may ipis.

"Iiiiih" mas lalong hinigpitan ni Jihoon ang hawak nya sa leeg ni Soonyoung.

"Shhh. Friend natin sya tignan mo kakausapin ko sya" aminado si Soonyoung na baliw sya, pero hindi nya alam na totoong baliw na takaga sya at balak nya pang makipag kaibigan sa ipis.

Kung gusto nya ng kaibigan, andito naman si Daegul eh. Free na free ;)

"Hi, Mr. Ipis. Anong pangalan mo?" tanong ni Soonyoung na para namang sasagot ang ipis.

Moyset.

"Antonio? Ah ikaw pala si Antonio. Sabi na eh. Antonio Mah Fren, ako si Soonyoung tapos ito si Jihoon" unti unting humarap si Jihoon sa ipis.

"See Jihoon? Friend na natin si Antonio hindi na tayo nya iipisin" sabi ni Soonyoung sa bata.

"Tignan mo ha, hahawakan ko sya. Makikipag shakehands ako" unti unting nilapit ni Soonyoung ang hintuturo nyang daliri ng biglang...

"AAAAAAAAAAAAHHHHHH!" gumalaw at lumipad papunta sakanila ang ipis kaya kumaripas ng takbo si Soons, papunta sa taas na kwarto nila ni Jihoon.

Hingal na hingal syang umupo sa kama nila. Tinignan nya si Jihoon.

"Hihihihi" napangiti sya dahil kahit na natakot si Soonyoung sa paglipad papunta sakanila ng ipis ay nag enjoy naman si Jihoon kay Soonyoung.

"Gustong gusto mo yun ha?" pinaupo din ni Soonyoung si Jihoon sa kama.

"Hihihihi"

"Ikaw ha! Gustong gusto mong natatakot ako, etong sayo" at inatake ni Soonyoung ng kiliti si Jihoon sa tagiliran, sa talampakan, sa leeg at kahit saan pang may kiliti si Jihoon.

Walang kawala si Jihoon kundi ang tumawa ng tumawa. Malakas ang kiliti ni Jihoon sa mga parteng kinikiliti ni Soonyoung.

Basta ang alam nya, masaya na ulit sila.

◇◆◆◇◆◆◇◆◆◇◆◆◇

so ayern, bonding with antonio. With matching clues for the future. Hanapin nyue nalang huehuehuehue.

baby jihoon • soonhoon Where stories live. Discover now