• 38

1.1K 54 9
                                    

"Binlock ka nya?" tanong ko kay Jun. Tumango lang sya. Kasalukuyang ginagamot uli ni Heechul hyung ang sugat ko sa tagiliran. Hindi naman masyadong malalim, pero masasabi kong masakit.

Pero wala paring mas sasakit na hindi ako pinaniniwalaan ni Soonyoung.

"Hmm," pumikit nalang ako habang naka dapa.

Paano ba ko mag papaliwanag kay Soonyoung? Paano naman kung hindi nya uli ako paniwalaan?

"Aalis na si Soonyoung?" napakunot ako ng noo ng sabihin ni Jun yon.

Anong aalis?

"Anong aalis? Kelan? San punta?" sunod sunod na tanong ko.

Hindi pwedeng umalis si Soonyoung! Ayos pa yung hindi nya ko pinapansin, pero yung aalis sya? Yon ang hindi pwede p*ta.

"Hindi ko alam, pero nag post kasi si Seokmin, kakapost lang nga eh, nasa airport sila ngayon" sabi ni Jun hyung kaya dali dali akong napatayo.

Kinuha ko ang jacket na nakita ko sa may malapit at tumakbo palabas.

"JIHOOOOON!"

"IHAHATID NA KITA! TARA" sabi ni Jun kaya tumango ako at lumabas. Nang ready na ay sumakay na ko sa kotse.

"Shit Jun, kailangan natin syang abutan, kailangan kong mag paliwanag"

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko, nag luluha narin ang mga mata ko na para bang nag babaga na ito sa init.

--**--

Naging mabilis ang pag maneho ni Jun sa sasakyan, at buti nalang hindi kami nabangga, muntik lang.

"Shit, Jun! Salamat!" sabi ko at dali daling bumaba, wala na kong pake kung naka pajama pa ko at over sized na t shirt. Hindi pa kasi ako naliligo at ang importante sakin ngayon ay maabutan si Soonyoung.

"Sir, hindi po pwedeng pumasok" sabi nung guard at hinarangan ako gamit ang stick nya.

"May kailangan akong habulin kuya, please," pag mamakaawa ko habang pilit na pumapasok pero hinaharangan nya lang ako.

"Sir, hindi po talaga p-pwede"

"Kuya, parang awa nyo na. Mamamatay ako kapag hindi ko n-nakita si S-soonyoung, K-kuya please?" nag tutubig na ang mga mata ko.

Mukha namang naawa sakin ang guard.

"Oh sige na nga, pero Sir sandali lang ha?" tumango ako at ngumiti.

"Salamat kuya" at tumakbo ako papunta sa loob.

Pinagtitinginan ako sa loob pero, who cares?! Wala akong pake! Wala silang pake sa suot ko! Sila nga hindi ko pinakelaman sa suot nila eh!

"Miss, pwede bang pakitignan kung saan ang flight ni Kwon Soonyoung? Paki check naman po oh" sabi ko dun sa teller (tama ba? lols basta yun)

"Ahh, sir kaano ano ka po nya?" tanong nya habang tumitingin doon sa computer at chinecheck.

"B-boyfriend nya ko!" sabi ko at hindi na umimik ang babae tinignan nalang ang chinecheck.

"Kwon Soonyoung po diba?" nag hm lang ako.

"Papunta po syang LA, kakasakay lang po nya. Paalis na po" pagkasabi ng babae nun ayagad akong napatakbo sa nalaking salamin kung saan kita ko ang eroplano sa labas. Nay mga sumasakay pa, kailangan kong habulin yon.

Patakbo ako habang nakatingin sa may salamin. Unti unti na kong nawawalan ng pag asa pero sige parin ang takbo ko.

Kaya ko 'to.

Hindi ako iiwan ni Soonyoung.

"Jihoon!" rinig kong tawag ni Jun ngunit hindi ko sya pinansin at patuloy lang na tumatakbo. Mahaba haba pa itong airport at hindi lo alan kung aabot na ko. Puta ang liit kasi ng bias ko at may mga nababangga pa kong tao.

Napatigil akk ng mag sara na ang pinto ng eroplano.

"H-hindi p-pwede" ramdam ko ang pag init ng mata ko at ang paglabo nito.

Napahawak ang sa malaking salamin.

"S. . . soons, hindi pwede. Hindi mo ko iiwan" sabi ko, ramdam ko narin ang pagtulo ng luha ko.

Ang sunod sunod na pagtulo ng luha ko.

"S-Soonyoung" napaupo ako sa sahig ng umandar na ang eroplano.

T-tangina.

"S-soonyoung, s-sabi mo d-di mo ko i.. iwan"

"S-soonyoung, b-babalik ka pa diba?"

"Shhh, Jihoon tama na" ramdam ko na may yumakap sakin sa likod.

"J-jun, b-babalik pa naman si Soonyoung diba?"

". . ."

"J-jun, sabihin mo! B-babalikan nya ko! "

"Shh, tahan na"

"M-maghihintay ako, Soons" with that I cried my heart out. Inubos ko na ang luha ko, kahit alam king hindi na babalik si Soonyoung ngayon. Pero alam kong babalikan nya ko.

Maghihintay ako Soons. Pangako.

baby jihoon • soonhoon Where stories live. Discover now