seventy four.

929 37 4
                                    

"Dada than thi thaddy?" tanong ni Jiyoung habang yakap yakap sya ng kanyang Dada Jihoon.

Napabuntong hininga nalang si Jihoon bago sagutin ang anak nya. Kasalukuyan sila ngayong nasa isang bench at tinitignan ang sunset sa France.

It's been a week simula nung lumipad sila papunta rito. Naging maayos at masaya naman ang pag stay nila, wala ng nanggulo kung ano man. Hindi rin naman nila nakakalimutan na makipag video chat kila Junhui.

Pero si Soonyoung na tatay mismo ng bata ay di pa sya tinatawagan. Welp, ayos naka online naman ito pero di sila nagkakaroon ng conversation ni Jihoon.

Siguro nga napagod na kakahabol at napagisip isip na wag na kong kulitin.

"Nandun sya sa Korea baby. Nagpapagaling sya." sagot ni Jihoon at inayos ang pagkakakandong ng bata sa kanya.

Hindi naman na sumagot si Jiyoung hanggang sa makatulog na ito. Malapit narin mag alas sais ng mapag pasyahan ng umuwi ni Jihoon.

Binuhat nya ng maayos ang kanyang anak habang natutulog. Hindi maiwasan mapangiti ni Jihoon habang nag lalakad.

Sa wakas, nakamit nya rin ang katahimikan na matagal na nyang gusto. Sa pagkahaba haba ng mga problemang nangyari, magiging maayos rin naman pala ang lahat. Ngayon, stressfree at worryfree na sya. Wala ng dapat ikaproblema. Nagkaroon naman na sya ng maayos na pag papaalam kay Chanyeol. Nakakapag usap parin sila pero friends nalang.

Nagkaroon narin sya ng iilang mga kaibigan dito sa France at di maiwasang maexcite ni Jihoon sa bawat bukas na darating. Hindi na sya natatakot gumising tuwing umaga. Di na sya nag aalala bago matulog. Wala narin yung thought na problema nanaman bukas. Masaya lang. Ang saya kasi finally, wala na yung mga ganon. Yung halos mamatay na sya sa sobrang frustration.

Sa wakas ayos na ang lahat.

Ayos na nga ba ang lahat?

Sa paglalakad ni Jihoon, parang may naramdaman syang sumusunod sakanya. Pero noong lingonin naman nya ito ay wala naman. Oo may mga tao pero dumadaan lang naman ang mga ito at wala na syang iba pang napansin na kakaiba, bukod sa misteryosong babaeng naka face mask na pasulyap sulyap sakanya.

Medyo kinabahan sya dahil may isang babae ang kahawig nito. Isang babae na muntik ng sumira sa buhay nya.

Misoonya.

Tumalikod na ulit si Jihoon at di nalang pinansin ito. Kahawig lang naman. Isinawalang bahala na lang nya at nag lakad na sya pauwi sa bahay.

"Anak, alam mo bang sobrang saya ni Dada kasi finally makakapamuhay narin tayo ng maayos." nakangiting sambit ni Jihoon sa natutulog nyang anak sa bisig nya. "Baby, Promise sayo ni Dada gagawin nya lahat para sumaya ka, para sumaya tayo. Just you and me." dagdag nya pa at hinalikan ang ulo ng bata.






"Hindi pwede. Hindi pwedeng sumaya kayong dalawa." nabato sa kinatatayuan si Jihoon ng marinig nya ang pamilyar na boses na 'yon. Tila tinakasan sya ng dugo at nanginig ang tuhod nya at nanghina ang buong katawan nya.

Hindi sya pwedeng magkamali.

Hindi. . .





━━━━━━━━━ 
hiii~! sorry kung ngayon lang
ako nakapag update : ( dont
worry last chapter nalang
'to and then epilogue na yung
next huhu mamimiss
ko to! tsaka kayo~ dont
worry di naman mag tatagal
mag uupdate ulit ako maybe bukas?
basta asahan nyo this week.

salamat sa mga sumuporta,
susuporta at sa mga patuloy paring
sumusuporta nitong book kahit
boring, lame, at matagal mag
update si Daegul. HAHAHAHA.
mahal na mahal ko kayo~
maraming maraming maraming
salamat~

baby jihoon • soonhoon Where stories live. Discover now