sixty seven.

937 51 13
                                    

"BAEKI HYUNG?!"

"HOESHI?!"

Nagkatinginan ang dalawa, napatingin rin si Chanyeol at Jihoon kay Soonyoung at Baekhyun.

"Pwutok! hihihihi" wag na kayong magtaka. Si Jiyoung yan! Hindi nya kais alam ang ibig sabihin ng putok, ayun enjoy na enjoy sya sa pagtawag nya sa sarili na putok habang kumakain ng ice cream.

"A-anong ginagawa mo dito hyung? Kelan ka pa pumunta dito?" naguguluhang tanong ni Soonyoung habang buhat buhat ang anak nya.

"Ha?"

"Sabi ko anong ginag-"

"hAtdog"

"Putragis :D"

"jOke lang! Kanina lang ako pumunta dito. Pumunta ako dito dahil inutusan ako ni Tita na sundan ka raw dito at samahan ka. Kaya nung nalaman ko na dito rin nakatira sila Chanyeol, agad akong nagpatulong sakanya" paliwanag ni Baek, napangiti ng matamis si Chanyeol kay Soonyoung. Magkatabi ngayon si Soonyoung at Baekhyun sa kabilang banda naman si Chanyeol at Jihoon.

"Ano nga palang ginagawa mo dito, Baby?" malambing na tanong ni Chanyeol habang hinahaplos ang buhok ni Jihoon.

Huwaw! Baby!

"Hmm, wala. Gustong makita ni Soonyoung si Jiyoung." nakangiting sambit ni Jihoon, kitang kita ni Soonyoung kung paano hawakan ni Chanyeol ang mga kamay ni Jihoon at pinagsalikop nya ang mga 'yon.

Nakaramdam ng kirot sa dibdib si Soonyoung, kaya upang maiwasan ang pagluha minabuti nyang ituon nalang kay Jiyoung ang atensyon nya.

"Eh kayo? Paano nyong nalaman na nandito kami?" tanong ni Jihoon.

"Naka on ang GPS mo, Baby. Kaya madali kitang natrack, itatanong na sana kita kung saan pero ayun. . . nakita ko kayong magkasama" walang halong galit o sama ng loob ang boses ni Chanyeol, pero kung pakikinggan mo itong mabuti mararamdaman mo ang hinanakit, lungkot at sakit dito.

Ayaw ni Chanyeol ng inaagawan.

Pero mas ayaw nyang ipagsiksikan ang sarili nya sa taong mahal nya. Pero kahit papaano pa nama'y lumalaban sya. Kahit nakikita nya na sa mismong mga mata nya na mahal parin ni Jihoon si Soonyoung, hindi nya ito pinakakawalan. Kahit masakit, masokista na kung masokista. Pero ang gusto ni Chanyeol ay ang marinig mismo kay Jihoon na si Soonyoung ang talagang mahal nya at hindi sya.

"O-order na ko, Chanyeol anong gusto mo?" tanong ni Baekhyun. Alam ni Chanyeol ang kwento ni Chanyeol at Jihoon, ngunit hindi nya alam na si Soonyoung ang tinutukoy na Hoshi ni Chanyeol sa kwento nito. Gusto nyang isipin na iba ito at hindi ang pinsan nya. Pero ito, tama ang hinala nya.

Siguro, mamaya nalang ako mag tatanong kapag nasa bahay na.

"Cookies and cream nalang," nakangiting sambit ni Chanyeol. Napabaling si Chanyeol kay Jiyoung kita nyang masaya itong kumakain ng ice cream nang bigla itong mapatingin sakanya.

At nakita kitaaaa~ sa tagpuan ni bathala~ may kinang sa mata~ na di maintindihan~ tumingin kung saaaan~ sinubukan ng tadhana~ at tumigil ang mundoooo~ nung ako'y ituro mooo~

jOke.

"Thaaaaaddy!" then jiyoung widens his arms, agad naman na ibinigay ni Soonyoung si Jiyoung kay Chanyeol.

Kahit ayaw nya, nakakalungkot din. Na iba ang kinikilalang tatay ng anak mo.

Kung sanang hindi ako umalis noon,

ako siguro yung laging bubuhat kay Jiyoung. . .

ako lang siguro yung tatay nya. . .

yung tatawagin nyang daddy, papa, appa. . .

masaya siguro kami ngayong tatlo. . .

magkakasama.

Nalungkot si Soonyoung sa isiping yon. Napansin naman ni Jihoon ito kaya napatingin sya rito.

"A-ahh Cr lang ako ah" biglang sambit ni Soonyoung at tumingin kay Chanyeol at Jihoon. Nasaktan si Jihoon sa nakita nya.

Nakangiti si Soonyoung pero halata ko namang peke ito. Nakangiti sya pero yung mata nya sobrang lungkot.

❛❛ sometimes eyes show, what mouth can't tell ❜❜

Nakaramdam ng kirot si Jihoon sa puso nya. Naiiyak sya na ewan, gusto nyang yakapin si Soonyoung at sabihin na magiging okay lang rin ang lahat. Pero hindi na magawa, hindi nya kayang gawin.

Tumango nalang si Chanyeol at si Soonyoung ay tumayo na't pumunta sa CR. For one person only lang yung CR. Kaya nagamit nya lang ito ng mag isa. Nang tuluya ng makapasok si Soonyoung agad na bumagsak ang luhang kanina pa nagbabadyang tumulo.

"Ang tanga tanga mo kasi Soons" sambit nya sa sarili habang nakatukod ang mga kamay sa lababo.

"K-kung hindi mo sila iniwan noon,"

"K-kung bumalik ka agad, s-siguro ikaw pa yung nasa posisyon ni Chanyeol ngayon" patuloy lang sa pag iyak si Soonyoung.

Pagod na pagod na sya. Yung akala nyo hindi sumusuko? Pagod na pagod na sya, kulang ang salitang sobrang pagod sa nararamdaman nya.

But what is he doing?

Eto pinagpapatuloy ang nasimulan. Ayaw nyang sumuko, hindi nya isusuko si Jihoon at Jiyoung. Pero parte sakanya gusto naring sumuko.

"Kung sanang hindi mo sya iniwan noon, edi sana ikaw parin ang mahal ni Jihoon ngayon. . ."

Tuluyan ng napaupo si Soonyoung sa sahig. Hindi naman ito marumi at tuyo ito. Hawak hawak nya ang bibig nya, nagbabakasaling matigil na sya sa kaiiyak.

Pero hindi.

Hindi nya magawang tumigil.

Ito nalang rin siguro yung way para maging komportable sya kahit papaano. Dito nalang nya mailalabas ang lahat. Kesa naman sa sabihin nya kay Jihoon, magugulo lang ang utak 'non.

Kaya mas mabuting sarilihin mo nalang.

"K-kung p-pwede ko lang ibalik yung panahon. . . gagawin ko" mahinang sambit ni Soonyoung pero nag echo ito sa apat na sulok ng banyo.

Sa kabilang banda naman, tumayo si Chanyeol bitbit ang anak at kunwaring hinihintay si Baekhyun. Tumabi ito sakanya.

"Chanyeol, dun ka na kasi." sambit ni Baekhyun.

"Teka lang, may tinitignan lang ako" sagot naman ni Chanyeol. Nasa pangatlong pila sila, tinignan naman ni Baekhyun kung ano ang sinisilip ni Chanyeol sa gilid.

Kita ni Chanyeol ang paghawak ni Jihoon sa dibdib nya na halatang nasasaktan, nakapikit ang mga mata nito habnag nasa tapat ng banyo.

Kita rin ni Baekhyun ang pagtitig ni Chanyeol kay Jihoon. At doon. . . unti unti naring nasasaktan si Baekhyun ng makitang nasasaktan si Chanyeol.



━━━━━━━━━ ⟦ ✧ ⟧ ━━━━━━━━━

❛❛ isn't weird how you can actually feel it in your chest and stomach when something really hurts your feelings. ❜❜

daming alam ni daegul HAHAHA! anyways, hello^^ salamat po sa 25k reads at 2k votes ㅠㅠ soooooooobrang maraaaaaaming salamat po talaga^^ dahil dyan mag uupdate ulit ako bukas hehehe! sorry pala sa slow update~ godbless!

baby jihoon • soonhoon Where stories live. Discover now