"Jihoon hyung, ano nga?" tanong ni Minghao, nasa mall sila ngayon. Naisipan kasi nila na mag window shopping habang wala ang mga mister nila.
Dalawang araw narin ang nakakalipas simula ng mangyari yun, pero hindi ito sinabi kay Chanyeol. Mas pinili nyang manahimik nalang.
"Ayun nga, nagkita lang kami ni Soonyoung pagtapos sinaraduhan ko na sya ng pinto!" pagsisinungaling nya.
Ngumisi lang ang nakababata habang nakatitig sa kanyang hyung. He knows Jihoon very well, very very well...
"Hyung, alam mong kilala kita. At alam kong hindi mo pag sasaraduhan ng pinto si Soons hyung. Una dahil baka isipin nyang bitter ka, pangalawa bak-" tinakpan ni Jihoon ang bibig ni Minghao gamit ang kanyang hintuturo.
"Oo na oo na- hindi ko sya pinag sarhan" irap ni Jihoon. Kasalukuyan silang nasa food court ngayon.
"See? Ano nga kasi ang nangyari hyungggg"
"Ang chismoso mo-"
"Eh sabihin mo na kasi sakin hyung! Damot damot mo eh!" simangot na hinarap ni Minghao si Jihoon.
"Okay fine. Nag usap kami. Ayun lang nag usap lang kami tapos uhmm... nagiyakan haha" tila ba kumirot ng kaunti ang puso ni Jihoon ng maalala nya ang pangyayari sa hotel.
Hindi lubos maisip ni Jihoon na after 1 year babalik na uli si Soonyoung, na babalik sya para kunin si Jihoon. Pero wala, ayaw ni Jihoon eh. Masyado nga naman naging masakit para sakanya. Pero nakaya nya, nakaya nya ng wala si Soonyoung. So ano pa ba ang mahalagang papel ni Soonyoung sa buhay ni Jihoon?
May Chanyeol na sya, bakit sumisingit pa si Soonyoung?
"Nag iyakan? Bakit naman?" tanong ni Minghao ng may kunot sa noo nya.
Bumuntong hininga muna si Jihoon bago mag patuloy magsalita. "Nag sosorry sya dahil, iniwan nya ko. He wants me back, hao." sabi ni Jihoon, halata sa mga mata nya ang lungkot.
"Eh ano namang sinabi mo?"
"W-well sabi ko na ayaw ko na, bakit pa ba sya bumalik ganun," ngumiti naman si Minghao at hinawakan ang kamay ng hyung nya.
"Eh hyung totoo ba?" tanong ni Minghao, kilala nya ang hyung nya. Alam nyang may nararamdaman pa ito kay Soonyoung.
Sa loob ng isang taon naging mahirap para kay Jihoon mag move on lalo na't may anak sila ni Soonyoung. Naging mahirap para sakanya kahit nandyan na si Chanyeol sa tabi nya. Masyado nyang mahal si Soonyoung.
"O-oo naman. Duh wala nakong nararamdaman para kay Soonyoung"
"Hyung, I will ask you once again. Gusto ko sagutin mo ko ng totoo. . . gusto ko yung totoong sagot, hm?" tumango lamang si Jihoon.
"Mahal mo pa ba si Soonyoung, hyung?" napalunok si Jihoon, hearing Soonyoung's name make his heart pounds so fast. Nag aalangan pa sya kung sasagutin nya ang tanong ni Minghao ng totoo.
Napayuko si Jihoon bago magsalita.
"Oo. Oo mahal ko pa, Oo kasi hindi talaga natanggal tong letseng feelings ko sakanya. Oo kasi hindi ko kayang kalimutan sya" halata sa mga mata ni Jihoon ang lungkot, poot at pangamba. Hindi nya alam kung anong gagawin nya.
"A-alam mo h..hao, hindi ko talaga alam kung anong mararamdaman ko. M-masaya ako kasi bumalik na sya, malungkot kasi naalala ko lahat, galit kasi iniwan nya ko noon. . . Hao, a-alam mo gusto ko syang yakapin nung nagkita kami. . . kasi finally yung matagal kong hinintay nasa harap ko na, pero hindi na pwedeng maging kami, may Chanyeol na ko" he confess.
Ayun yun eh, sa pag iibigan hindi pwedeng walang hadlang. Pero yung hadlang na yun, nag pagaan ng loob ni Jihoon, is Chanyeol really the antagonist of this story?
"Hay nako, sabi na nga ba eh! I really know you hyung, halika mag sweet safari tayo hehehe" pinunasan ni Jihoon ang pisngi nya, may luha palang tumulo ng hindi nya nararamdaman.
Tumayo naman silang dalawa ng may makabanggan si Jihoon.
"Aww"
"Ay sorry! Okay ka lan- J-jihoon?"
Nanlaki ang mga mata ni Minghao ng makita ang taong nakabanggan ng kanyang hyung.
"S-soonyoung hyung?!"
ღ
And cuuut! HAHAHAHAHA nagkita nanaman sila putek. Walang poreber.
YOU ARE READING
baby jihoon • soonhoon
Short Story❛❛ In which Soonyoung is not a fan of baby, until one day his friend offer him to take care of an adorable and cute li'l baby named Jihoon❜❜ ©Daegul 。Soonyoung ✘ Jihoon ? Soonhoon fanfic » OTP feelxzs #1 « ?;; #11 in Short Story