sixty one.

879 60 23
                                    

"M-may anak sila?," naguguluhang tanong ni Soonyoung. Napatulala lang sya sa bahay ng makita nya si Junhui na lumabas. Hindi sya lumabas at tinitigan lang ito.

Ibig sabihin wala na kong karapatan? Ibig sabihin hindi na talaga saakin si Jihoon?

Nagdadalawang isip na bumaba si Soonyoung mula sa kotse nya, pero bumaba parin sya at nag doorbell.

"Papiiiii may tao labath!" rinig nyang sigaw ng bata mula sa loob. Sure syang ito ang anak ni Jihoon kay Chanyeol. Huminga ng malalim si Soonyoung.

Maya maya lang ay bumukas ang pinto, akala nya ang bubungad sakanya ay si Jihoon, o ang kasintahan nito, o si Junhui, Minghao, o si Heechul hyung. Pero hindi. Walang bumungad sakanya- teka wala?

"Hi! thino ka?" nagulat si Soonyoung ng may magsalita. Tumingin sya sa baba at nakita nyang yung bata yung nagsasalita, yung anak ni Jihoon.

Hindi maipaliwanag ni Soonyoung pero he saw a photo copy of his face to the child. Lumuhod sya para maging magkapantay lang sila nung bata. Napangiti sya ng makita nya ito, ang singkit ng mata nya. Gaya ng mata nya, parang 10:10 o'clock din.

Hindi maipaliwanag ni Soonyoung pero nakaramdam sya ng paggaan ng loob. Sobrang gaan ng loob nya sa batang kaharap nya ngayon.

"Thabi tho thino ka? Bat di thagot kaw Thiyoung?" nakasimangot na tanong ng bata at nakapameywang pa. Sinubukang intindihin ni Soonyoung ang bata.

"Ahh ako si Hoshi. Hindi mo ba ako naaalala?" tanong ni Soonyoung habang turo ang sarili nya. Pinanliitan lang sya ng mata ng bata kaya halos mawala na ang mga mata nito.

"Aha! Ithaw yung good guy bigay atho thaddy!" napangiti nalang si Soonyoung at hindi nya alam kung anong nagtulak sakanya yakapin ang bata. Ang chubby chubby, tapos singkit na nga mata. Parang siopao pa sa laki at lambot ng cheeks mamula mula pa yon.

"Buti naman naaalala mo ako! HAHA kala ko indi na eh, kamusta ka naman?" tanong ni Soonyoung sa bata.

"Ayoth yang. May bigay atho thayo ah wait mo tho dito ah" tumango naman si Soonyoung. Tumakbo ang bata na muntikan ng madapa. Naghintay lang si Soonyoung sa labas hanggang sa bumalik si Jiyoung na may dala dalang hamster na maliit na stuffed toy.

"Thayo na yan ah? thati biday mo tho thaddy" kinuha ni Soonyoung ang hamster habang nakangiti. "Eh paano ikaw? Wala kang ganito?" nag aalalang tanong ni Soonyoung.

"Mewooon! Dawaya yan ih! Yan coyow white! tapoth yung athin coyow bwon!" nakangusong sambit ng bata. Lalo tuloy natulak si Soonyoung na pisilin ang magkabilang pisngi ng bata.

"Salamat dito ha? hehe" Soonyoung ruffles the kids hair. Ngumuso lang ang bata na nakatingin sakanya.

"Jiyoung? Sino yang kausap mo sa labas?" ng marinig ni Soonyoung yun otomatikong napatakbo sya at nagtago sa isang poste sa may malapit.

"Ahh thi Yot- ay waya na thya," malungkot na sabi ni Jiyoung. Sumilip naman si Soonyoungmula sa poste at nakitang sumilip si Chanyeol mula sa gate. "Tara na anak, baka may manguha sayo eh," binuhat ni Chanyeol si Jiyoung at sinarado na ang gate nila.

Nang masigurado ni Soonyoung na wala na ang mag ama agad syang tumakbo sa kotse at pumasok.

Hindi nya maintindihan pero ang saya at gaan ng pakiramdam nya sa bata, imbis na magalit sya ganun ang pakikitungo nya. Pero may part sakanya na malungkot, para bang gusto nya ring matawag na daddy ng bata?

Gusto nyang maging tatay ng mga anak ni Jihoon. Pero ngayon, imposible na dahil may anak na si Jihoon sa iba.

Malungkot syang ngumiti at inilagay sa shotgun seat ang hamster. Tumingin sga rito, halata sa mga mata ang lungkot, pero he still manage to smile.

"Susuko na ba ko, Jumbo?"

baby jihoon • soonhoon Where stories live. Discover now