seventy one.

959 41 4
                                    

Hingal na hingal na pumasok si Seokmin sa hospital, sabi daw kasi ay nandito sa 순훈 사랑 Hospital si Chanyeol. Agad namang napasugod si Seokmin dito dahil sa nabalitaan.

Iniwan muna nya sa nursery baby care, ang kanyang mga anak.

Sinuri ni Seokmin ang paligid, tumakbo din sya papunta sa kung saang room itinext ni Soonyoung.

"SOONYOUNG HYUNG!" sigaw nya ng mahagilap ng mata nya si Soonyoung na nakaupo sa mga upuan, sa harap ng isang kwarto.

"S-SEOKS!?" di makapaniwalang sigaw ni Soonyoung. Kinusot kusot nya pa ang mga malilinggit nyang mata para masigurado na hindi sya namamalikmata.

Hindi nya nga kasi alam na nandito na si Seokmin.

"a-ANDITO KA NA!?" gulat na gulat parin na tanong ni Soonyoung na halos manlaki na ang kanyang mga mata.

"aY HINDI HYUNG, WALA AKO. WALA TALAGA TO. ANINO KO LANG TO, NAGLALAKBAY DITO SA SEOUL" sarkastikong sambit ni Seokmin at umirap habang si Soonyoung naman ay sumimangot at pinakita ang kanyang pang gitnang daliri kay Seokmin.

"Hyung naman. Bawal yan, kasal na kami ni Mylabssoswit, mahal na mahal ko yun kaya hindi ko magag—"

"bUSET KA DI NAMAN YON YUNG IBIG KONG SABI—"

"oH YAN HYUNG PARA MANAHIMIK KA!"

"Mmm!" impit na sigaw ni Soonyoung habang pilit na inaalis ang kamay ni Seokmin na tumatakip sa bibig at ilong nya.

Agad naman itong inalis ni Seokmin. At halos matawa nalang sya sa itsura ni Soonyoung na hindi nya maipaliwanag, para itong natatae na ewan.

"tANGINA BAT ANG BAHO NG KAMAY MO!? AMOY TAE!?" tanong ni Soonyoung habang pinupunasan ang bibig at ilong nya.

Napahagikgik nalang si Seokmin ng maalala ang ginawa nya bago sya pumunta dito.

"ih ikaw kasi hyung. nagulat talaga ako sa tinext mo, eh kasalukuyan akong tumatae non, kaya di na ko nakapag sabon ng kamay" halos masuka naman si Soonyoung sa sinabi ni Seokmin.

"kINGINA KAYA PALA TINATANONG MO KUNG ANONG ROOM AT SAANG HOSPITAL! DI KA NAGSASABI!"

Yayakapin na sana ni Seokmin si Soonyoung ng itulak sya nito. "GALGASAN! YAYAKAPIN MO KO TAPOS DI KA NAMAN NAGHUGAS NG KAMAY!? MAGHUGAS KA MUNA!" napasimangot nalang si Seokmin.

"taragis. tara na nga hyung." sabi ni Seokmin at nagsimula ng maglakad si Soonyoung papunta sa loob ng isang room.

Napakunot naman ng noo si Seokmin.

"Hyung? Diba sa morgue tayo dapat pupunta?" tanong ni Seokmin. Napakunot naman ng noo si Soonyoung dahil sa sinambit ni Seokmin.

"Ano? Gago ka ba? Sinong namatay?"

"aNO!? DIBA SABI MO SI CHANYEOL?"

"pUTANGINA WALA AKONG SINABING NAMATAY SI CHANYEOL!"

"hA SABI MO KAYA SA TEXT WALA NA SI CHANYEOL"

"Ang ibig kong sabihin wala na si Chanyeol sa buhay ni Jihoon." malungkot na saad ni Soonyoung. Pero parang may part sakanya na masaya, dahil pwede na sila ni Jihoon.

Yun ay kung papayag si Jihoon.

"Oh eh bat parang masaya ka? Sa tingin mo ba makukuha mo na si Jihoon hyung? Sa tingin mo ba mahal ka parin nya? Sa tingin mo ba babalik pa sya sayo?", tanong ni Seokmin.

"Oo naman babalik pa sya. . ."

"Naniniwala pa kong mabubuo kami, naniniwala pa kong magiging masayang pamilya kami. . ." nakangiting sambit ni Soonyoung habang ang mga mata'y malungkot.

Hindi sya nawawalan ng pag asa.

Hindi sya dapat mawalan ng pag asa.

━━━━━━━━━

hi sorry huhu di ako nakapag update
ng matagal na panahon! nagka
sakit kasi ako kaya ganun
sorry talaga babawi
ako promise

baby jihoon • soonhoon Where stories live. Discover now