"It's been a long journey for the both of them," sambit ni Heechul sa anak nyang nasa kandungan nya. "Pero hindi lahat ng laban, nananalo. Remember yung witch na nagkagusto sa prinsipe?" tanong nya, agad naman tumango ang bata.
"Yes papa! The evil witch na obsess sa prince!"
"Yes baby. Yung witch na yon, pinatay nya ang prinsesa." natigilan ang anak nya ng marinig 'yon. Naiiyak na ang bata habang nakatingin kay Heechul. "It's because, baby. . . gaya nga ng sabi ko kanina hindi lahat ng laban mananalo ang bida. Sumaya naman sya kahit papano sa buhay nya. Pero kailangan na nya sigurong magpahinga."
"B-but Papa! He needs to f-fight! Pano na si b-baby?" umiiyak na sambit ng bata.
"Ey ey! Heechul-ah! Pinapaiyak mo nanaman ang bata! Tigilan mo na nga kakakwento dyan! Pinaaalala mo nanaman yan eh." sambit ni Angel (wew hahaha bigla akong nasingit sa story HAHAHA) at kinuha ang bata mula kay Heechul.
"Well, sorry babe. Alam mo namang sad stories are the best for me," nakangiting sambit ni Heechul "Kahit na sad stories sila, may natututunan parin naman tayo na importante."
"Then what is it?"
"Hindi lahat ng pagkakataon masaya ang dulo, minsan kailangan din ng lungkot para mabalanse ang lahat. At hindi porket malungkot ang dulo hindi na maganda, it's not about the ending, it is about how they fight together. . . about how they enjoyed their life."
Tama nga naman si Heechul. Minsan kailangan din ng kontra, hindi lahat ay nagtatapos sa masaya. Ngunit di rin naman porket namatay ang bida ay masasabi na nating di sila naging masaya.
"Tss. Lagi naman. Oh tara na nga. Malelate pa tayo. Pupuntahan pa natin sila." sabi ni Angel habang buhat buhat ang anak nila ni Heechul.
Tumayo naman si Heechul at hinalikan sa noo ang mag ina nya. "Una na kayo sa kotse kukunin ko lang yung susi." Bilin nya.
Pumunta naman na ang dalawa at umupo na sila sa shotgun seat. Hindi nagtagal, dumating narin si Heechul dala dala ang susi ng sasakyan.
Inistart na nya ang sasakyan at nagsimula ng mag maneho. Wala mang isang oras ang naging byahe nila at nakarating na agad sila sa sementeryo.
Bumaba na agad si Heechul at pinag buksan ang mag ina nya. "Hindi parin ako sanay na dito natin sila bibisitahin imbis na sa bahay." malungkot na saad ni Heechul.
"Ako din naman. Pero kailangan talaga nating tanggapin na wala na sila." nakangiti ngunit malungkot na sagot naman ni Angel.
Hindi na umimik pa si Heechul at binuhat nalang ang anak nila. Sabay silang naglakad ni Angel papunta sa puntod ng dalawa nilang minamahal.
Tahimik ang paligid, at wala ni isa sakanila ang nagsasalita. Ganoon pala yun ano? Kahit na ilang araw, buwan o taon na ang nakalilipas ng mamatay ang mahal mo sa buhay hindi parin mawawala yung thought na "sana nabuhay nalang sya" hindi mawawala yung lungkot at kirot sa puso.
Naunang umupo si Angel. "Hi. Ahm. Kamusta na kayo dyan?,"
"Siguro masaya dyan. Malambot ba mga ulap? Natatalunan nyo ba?" tanong ni Heechul kaya pasimple syang kinurot ni Angel sa tagiliran.
"Ikaw kung ano anong kalokohan sinasabi mo!"
"Sorry naman!"
Inambahan nalang ni Angel ng suntok si Heechul, nag stay sila ng nga ilang minuto pa don, at nag paalam muna bago umalis.
"Ah sige, aalis na kami. Sorry ah hindi na kami magtatagal. May pupuntahan pa kasi kami eh. Bibisitahin naman namin kayo sa susunod. Sana masaya kayo dyan." nakangiting sambit ni Angel, bago tulungang tumayo ang asawa.
"Oh wag kayong gagawa ng milagro dyan sa lang— aRAY! eto naman eh joke lang! huhuhu pare oh! yung— aray shet oo na oo na! sige na pare! una na ko! aray aray! AAAA" mangiyak ngiyak na tumalikod si Heechul habang hawak hawak parin ng asawa nya ang kanyang tenga.
Munting mga hagikgik naman ang maririnig mula sa anak nila na buhat buhat ni Heeechul na mukhang nag eenjoy pang torture-in na kanyang ina ang kanyang ama.
"Bilisan mo na aba! Taena eh late na late na tayo sa kasal nung dalawang asungot!" sambit ni Angel na nakapag pagitla kay Heechul.
"Ay oo nga! Shet tara na! Sa kotse nalang magbihis!" agad agad na tumakbo ang tatlo sa kotse at nagbihis ng damit.
Agad ding pinaharurot ni Heechul ang sasakyan hanggang sa makarating sila sa simbahan. Agad naman silang bumaba at nag start na pala ang ceremony. Pero buti nalang wala pa sa kalahati.
"iTIGIL ANG KASAL!" napatingin lahat ng tao kila Heechul. Si Angel naman ay hiyang hiya sa ginawa ng asawa nya, kaya ayon nakayuko sya at namumula.
Gusto na nya talagang patumbahin ang asawa nya, ngunit nasa simbahan sila kaya easy muna.
"dI AKO TUTOL HA!? PERO KASI WALA PA KAMI EH! HEHEHEHEHE TARA NA BABE!" inakbayan ni Heechul ang asawa nya at sabay silang naglakad. Nanatili paring nakayuko si Angel, habang buhat buhat ajg prinsesa nila.
"BUTI DUMATING KA PA PRE!"
"ANG TAGAL HA PA VIP!"
"SYEMPRE PAGKAIN LANG HABOL NYAN EH!"
"HAHAHAHAHA"
"Ahm. excuse me, pwede na po ba nating ituloy ang seremonya?" natahimik naman silang mag babarkada sabay tumango sa pari.
"Sige lang father. Alam naman po namin na atat na atat na yang dalawa sa honeymoon." muli ay nagtawanana ang nga tao sa loob ng simbahan.
Tinignan lang ng masama ng groom si Seungcheol. Hindi nag tagal nagtuloy narin.
"In the name of God, I, Kwon Soonyoung, take you, Lee Jihoon, to be my husband, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and health, to love and to cherish, until we are parted by death. This is my solemn vow. I also vow to carry you and to be carried by you, to journey with you and to love each minute because of our travels together. We will live a life of constant adventure together." nakangiting sambit ng groom.
"In the name of God, I, Lee Jihoon, take you, Kwon Soonyoung, to be my husband, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and health, to love and to cherish, until we are parted by death. This is my solemn vow. I love that you and I will spend the rest of our lives together. Somehow my life has come to this amazing moment and now I will always share it with you." nakangiting sagot naman ng isa.
Yes mga beh~ Si Soonyoung at Jihoon ang mag papakasal. Malalaman nyo sa special chapter kung pano nangyari hihi.
"And you may now kiss the groom."
"I love you, Ji. I love you so much." nakangiting sambit ni Soonyoung habang nakahawak sa pisngi ni Jihoon.
"I love you too, Soons. So much." nakangiting sagot ni Jihoon. Itinaas na ni Soonyoung ang belo ni Jihoon at hinalikan sa labi ng matamis ang kanyang asawa.
Halik na puno ng pag mamahal at saya.
Nagsipalakpakan at sigawan ang mga tao.
Finally. Finally they found the happiness in each other. This is not the ending, this is just the beginning of the their journey.
At nakasisigurado na si Jihoon na sa piling ni Soonyoung ay sasaya sya ng tuluyan. Naksisigurado rin naman si Soonyoung na magiging masaya silang pamilya.
Eto na yung matagal na nyang hinahangad, isang buo at masayang pamilya.
Ngayong kumpleto na sila. Ngayong masaya na sila, hindi na nya hahayaan pang magkahiwa hiwalay sila.
--
Kwon Soonyoung is with Lee Jihoon
4 mins ago • Public💍
MARRIEDWont let you go~ 💘
69.17k likes | 56.7k comments | 17k shares
YOU ARE READING
baby jihoon • soonhoon
Short Story❛❛ In which Soonyoung is not a fan of baby, until one day his friend offer him to take care of an adorable and cute li'l baby named Jihoon❜❜ ©Daegul 。Soonyoung ✘ Jihoon ? Soonhoon fanfic » OTP feelxzs #1 « ?;; #11 in Short Story