• 58

917 57 10
                                    

"J-jihoon,"

"S-soonyoung?"

Nanatiling nakatayo si Jihoon habang walang imik na nakaharap kay Soonyoung. Hindi sya makapag salita, ni hindi alam kung ano ang irereact nya.

Anong ginagawa nya dito?

Ano sa tingin nya ang pinunta nya?

May karapatan ba sya?

Bakit bumalik pa sya?

Isarado ko kaya 'tong pinto ng mahampas sa mukha nya?

Ay wag- magmumukha kang bitter, Ji.

Eh kung i who you ko sya?

Tsk. Sinabi ko na pangalan nya kanina eh!

Sinubukang kumalma ni Jihoon, sa mga emosyong nararamdaman nya. Ngunit sa kabila ng mga tanong at lungkot, galit ang nananaig sa kanya.

Galit sya dahil iniwanan sya ni Soonyoung. Na iniwan sya ng walang pasabi, walang salitang tumapos sakanila. Hindi dahil naghintay sya, kundi dahil hanggang ngayon. . . hanggang ngayon naghihintay parin sya. Hanggang ngayon umaasa parin syang babalik si Soonyoung, and now here they are, standing in front of each other.

"J-jihoon" muling sambit ni Soonyoung at niyakap ng mahigpit si Jihoon. "J-jihoon. S-sorry. S-sorry dahil iniwan kita, sorry kasi h-hindi ako nag stay sa tabi mo" naiiyak na sabi ni Soonyoung habang nakayakap parin kay Jihoon.

Malaki na ang pinagbago ni Jihoon ayon kay Soonyoung. Pero sya parin. . . sa isip isip nya, sya parin ang Jihoon na mahal nya.

"Bakit?" matigas na sambit ni Jihoon.

Nanlalabo ang mga paningin nya. Maraming tanong ang bumabagabag sa isipan nya. Sumasakit ang dibdib nya, tila ba kumikirot ang puso nya.

"B. . .bakit mo ako iniwan, Soonyoung?" matigas ang boses ni Jihoon, wala ring mabasang emosyon si Soonyoung sa boses nito, mas malamig pa sa yelo ang tinig nito.

Wala eh, ganyan na si Jihoon. Ayaw nyang umiyak, ayaw nyang makitang umiiyak sya ng dahil sa taong nasa harap at kayakap sya.

"S. . . soonyoung- m-minahal naman kita ah? B-bakit ganon? B-bakit aalis ka at b-bigla bigla nalang susulpot na para bang walang nangyari? N-na para bang ayos lang, at mag s-sorry ka-" hindi na natuloy ni Jihoon ang sasabihin nya ng napahagulgol na sya.

Mabigat sa pakiramdam.

"B-bakit ganon? S-sa tingin mo ba g-ganon lang kadali yun? S-sa tingin mo b-ba maibabalik natin a-ng d. . . dati?" ngunit sa kabila ng lahat ay tinuloy sya parin. Andami nya pang gustong itanong kay Soonyoung.

"J-jihoon, m-mababalik naman natin yun. B-baby, n-nagpaliwanag sakin sila J-jeonghan hyung—"

"P-pero iniwan mo parin ako" basag na talaga ang boses ni Jihoon sa kaiiyak.

Hindi yumakap pabalik si Jihoon, hindi sya yumakap pabalik kay Soonyoung  na hindi na nito pinagtakan. Alam nya, alam nya sa sarili nya na galit si Jihoon sakanya.

Kaya bago nya ginawa ay hinanda nya ang sarili nya, ngunit hindi parin pala sapat.

Sakit. Yan ang nararamdaman nilang dalawa. Yan ang pumapalibot sa puso't isip nila.

"J-jihoon naman" umiiyak narin si Soonyoung at ramdam nyang basang basa na ang likod nya sa luha ni Jihoon.

"B-bitaw," sinubukang pakalmahin ni Jihoon ang sarili nya, pinunasan nya ang luha nya at tinutulak nya si Soonyoung. Ngunit hindi parin sapat, hindi sapat ang lakas nya pra labanan lang ang yakap ni Soonyoung.

"A-ayaw"

"Bitaw sabi Soonyoung eh," inis na sambit ni Jihoon at pinunasan na uli ang mata nya bago pa matuloy ang mga luhang nagbabadya.

"A-ayaw ko ng mawala ka uli saakin Ji,"

"B-bakit? Ako ba ang nawala? Ako ba ang may gusto? Hindi ba ikaw?" Natahimik bigla si Soonyoung dahil alam nya sa sarili nya na tama si Jihoon. May punto sya, sya ang umalis.

"Wala ka namang karapatang masaktan eh! Bakit ikaw ba yung iniwanan?" ngunit hindi parin niluluwagan ni Soonyoung ang yakap nya.

"Bakit ka pa ba bumalik? B-bakit ka ba nandito?" dahil sa sinabi ni Jihoon ay lumuwag ang pag kakayakap ng nakatatanda sakanya.

Ang sakit lang masabihan ng 'bakit ka pa ba bumalik' ng taong mahal mo. Bakit? Dahil tunog ito na para bang ayaw mo syang bumalik, na parang nagsisisi kang bumalik sya.

Ginamit na ni Jihoon ang chance upang maitulak si Soonyoung na agad naman nyang nagawa.

Kita nila ang nga mata sa isa't isa. Kita nila ang sakit, lungkot sa isa't isa. Pugto ang mga mata nila.

"May mahal na kong iba,"

Tila ba nagunaw ang mundo ni Soonyoung sa katagang binitawan ni Jihoon.

"J-ji, b-baby you're joking right?" umiling lang si Jihoon habang nakakuyom ang mga kamao.

"Ayoko na sayo," matigas na sambit ni Jihoon at ng akmang yayakapin na sya uli ni Soonyoung agad nya itong pinag hahampas sa dibdib.

Masakit, pero mas masakit ang nararamdaman nya ngayon.

Sa isip isip ni Soonyoung.

"A-ayoko na sayo umalis ka na" umiiyak na sabi ni Jihoon habang pinag hahampas ang dibdib ni Soonyoung.

Nang maitulak nya ng tuluyan si Soonyoung ay sinarado na nya ang pinto. Rinig nya pa ang katok ni Soonyoung ngunit wala na syang ginawa, hindi na nya ito binuksan. Tumalikod na sya sa pinto at napaupo nalang habang nakasandal dito.

Gaya ni Jihoon, nakaupo at nakasandal din si Soonyoung sa pinto.

"Ang s. . . sakit sakit." malungkot na saad ni Jihoon habang nakahawak sa dibdib nya at humahagulgol.

Sa kabilang banda naman. . .

"T-tara baby aalis muna tayo dito," sambit ni Chanyeol bago bumalik uli sa elevator.

"Eh? Thabi mwo thita natin papi mimiya. Eh mimiya na nayon eh," umiling lang si Chanyeol habang nakangiti sa buhat nyang si Jinyoung.

"Hindi pwede baby, nag uusap sila ngayon ng dad— lalaki" paliwanag ni Chanyeol. Nagulat sya ng biglang dumampi ang maliliit na kamay ni Jinyoung sa pisngi nya.

"Thaddy bat ka po miiyak?" halata sa mga mata ni Jinyoung ang pag aalala. Tumawa ng mahina si Chanyeol at pinunasan ang luha nya.

"Pfft. Wala napuwing lang ako."

Kumikirot din ang dibdib ni Chanyeol, sobrang bigat sa pakiramdam ngunit nakangiti parin sya.

Hahayaan pero hindi iiwan.

—🍑—

annyeongie :< sorry kung ngayon
lang nakapag ud.
pero namiss q dito, kahit sabi ko
di talaga ako mag uupdate—
i just can't control mah feeelzxwz.

baby jihoon • soonhoon Where stories live. Discover now