DANIELLE'S POV
(A/N: Rated SPG)
Nang naka-uwi na ako ay sinalubong ako ni Mama ng yakap.
"Nakabili na ba kayo ng mga gagamitin niyo sa project?" tanong sakin ni Mama.
"Opo Ma." sagot ko kay Mama.
"Nakapagluto na ako ng hapunan. Kumain ka na." - Mama
"Sige po Ma." tugon ko at pumunta kami ni Mama sa dining area para kumain.
RISSEY'S POV
Nang naka-uwi ako ay wala pa si Fred. Naku naku naku naku! Sigurado akong gagabihin yun sa pag-uwi na may kasamang babae.
Kasalanan ko ba talaga kung bakit siya nagkakaganyan? Eh sa niloko niya ako eh.
*flashback*
Papunta ako ngayon sa kwarto ni Fred.
Nang nakarating ako sa kwarto niya ay kakatok na sana ako subalit nakita kong bukas ng konti ang pinto kaya hindi na ako kumatok pa at binuksan ko na lang ang pinto.
Pagbukas ko ng pinto ay parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa nakita ko. Parang gusto kong tumakbo, sumigaw, umiyak, magpakamatay dahil sa nasaksihan ko.
Sina Fred at Elena ay naghahalikan.
Nakahiga si Fred na wala man lang suot na damit habang si Elena naman ay nasa ibabaw niya. Halatang nag-e-enjoy sila sa ginagawa nila.
Napalingon si Fred sa gawi ko. Nagulat siya nang makita niya ako lalong-lalo na si Elena. Parang nahiya si Elena nang makita niya ako.
"Magpapaliwanag ako." sabi niya sabay tayo mula sa pagkakahiga. Natumba nga si Elena nang tumayo siya.
Tumakbo naman ako papalayo sa kanila. Tumakbo ako papunta sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
My Prince Is Masungit (Book 2): Road To Forever With My Prince Sungit
Teen FictionMAIN CHARACTERS: William Crawford (Prince Sungit) Princess Danielle Maddren 📌 SUPPORTING CHARACTERS: Fred Dela Cruz Rissey Navarro Elena Buenavista Jameshin Faulkerson (New) Kisses Alonte (New) Jameson Faulkerson 📌 SPECIAL APPEARAN...