DANIELLE'S POV
Nang makarating na kami sa hospital ay agad na inasikaso ng mga nurse si Jameson. Grabe lang! Hindi ko akalain na magagawa yun ni Jameshin sa kapatid niya. Napakasama niya. Pareho sila ni Elena.
"Hindi ko talaga mapapatawad si Jameshin sa ginawa niya. Akala ko ay mabait siya. Pero may tinatago rin pala siyang baho." inis na sabi ni Kisses.
Dumating naman ang mga magulang ni Jameson. Mukhang alam na nila ang nangyari. Kalat na kasi sa social media ang nangyari kay Jameson. May mga reporter pa nga sa labas eh. Pero hindi nila alam na si Jameshin ang sumaksak kay Jameson.
"Nasaan na ang anak ko?" tanong ng Papa ni Jameson.
"Nasa emergency room po siya ngayon. Tinitignan po siya ngayon ng Doctor." sagot ni Kisses sa Papa ni Jameson.
"Anong nangyari sa kanya at bakit sinugod siya sa hospital?" galit na tanong ng Papa ni Jameson. Natahimik naman kami dahil hindi namin alam kung paano namin sasabihin na si Jameshin ang sumaksak kay Jameson. Sasabihin ba namin ang totoo o hindi? Baka masaktan lang sila kapag malaman nila ang totoo.
"Sinaksak ko po siya ng kutsilyo." boses ng isang lalake. Napatingin kami sa nagsalita at nagulat kami kung sino ito.
Si Jameshin.
THIRD PERSON'S POV
Halo-halo ang reaksyon nila sa sinabi ni Jameshin.
"Sinaksak ko po ng kutsilyo si Jameson." malungkot na sabi ni Jameshin. Nakaramdam ng guilt si Jameshin nang saksakin niya ng kutsilyo si Jameshin. Akala niya ay magiging masaya siya kapag patay na ang kakambal niya dahil wala na siyang kaagaw sa mga bagay na gusto niya. Pero doon niya na-realize na hindi niya kayang mawala ang kakambal niya. Dahil simula noong bata pa lang sila ay tinuring na niya ang kakambal niya hindi lang isang kapatid kundi isang kaibigan din.
Mahal na mahal niya ang kakambal niya. Ang kakambal niya ang laging nagtatanggol sa kanya sa school kapag binubully siya. Ang kakambal niya ang nag-co-comfort sa kanya kapag pinagalitan siya ng mga magulang niya. At ang kakambal niya ang tumutulong sa kanya kapag may problema siya.
Pero ang lahat ng ito ay nagbago simula nang pumasok si Jameson sa showbiz. Nakaramdam ng inggit si Jameshin dahil maraming taong nagmamahal sa kakambal niya. At kasali na d'on ang mga magulang niya.
Pero ang pinakamasakit na naramdaman niya noon sa buong buhay niya ay hindi siya minahal ng babaeng mahal niya dahil sa kakambal niya. Ginamit lang siya ng babaeng mahal niya para lang mapalapit sa kakambal niya. May gusto ang babaeng mahal niya kay Jameson. Dahil d'on ay gumuho ang mundo niya at doon niya kinamuhian ang kakambal niya. Isa siyang nerd dati na nag-transform into a handsome boy.
*slap*
Nagulat ang lahat nang sampalin si Jameshin ng Mama niya.
BINABASA MO ANG
My Prince Is Masungit (Book 2): Road To Forever With My Prince Sungit
Novela JuvenilMAIN CHARACTERS: William Crawford (Prince Sungit) Princess Danielle Maddren 📌 SUPPORTING CHARACTERS: Fred Dela Cruz Rissey Navarro Elena Buenavista Jameshin Faulkerson (New) Kisses Alonte (New) Jameson Faulkerson 📌 SPECIAL APPEARAN...