DANIELLE'S POV
"Damn William! She's your girlfriend." galit na sigaw ni Fred kay William. Nakita kong natulala si William sa sinabi ni Fred.
"Don't force him to remember. Baka nakakalimutan niyong kakagising niya pa lang. Mas makakabuti kung magpakilala muna kayo sa kanya." sabi samin ni Dra. Bacarra.
"Go Bes. Ikaw na ang mauna." sabi sakin ni Rissey. Lumapit naman ako kay William.
"I'm Danielle. Maniwala ka man o sa hindi ay girlfriend mo ako. It's almost one year na naging tayo." pagpapakilala ko sa sarili ko kay William.
"Wag mo nga akong lokohin. Hindi kita girlfriend." sabi sakin ni William na kumirot sa puso ko. Ouch! Ang sakit n'on.
"Damn you William!" sigaw ni Fred at lalapitan na sana niya si William nang hinawakan siya nina Zeke at Jameson sa magkabilang braso.
"Kalma lang Fred. Sa tingin ko ay kailangan muna nating umalis at bigyan sina Danielle at William ng oras para mag-usap." sabi ni Zeke.
"Tama si Ezekiel. Iwanan muna natin sina Danielle at William para makapag-usap." pagsang-ayon ni Tita at sinenyasan silang lumabas muna at iwanan kami ni William sa loob ng kwarto.
Nagsilabasan na silang lahat hanggang sa kami na lang ni William ang naiwan sa kwarto.
"Girlfriend ba talaga kita Miss?" tanong agad sa'kin ni William.
Tumango naman ako.
"Paano ba tayo nagkakilala?" tanong sa'kin ni William. Wait! Interested ba siyang malaman ang tungkol sa'min? Waaaa! Sana nga.
"Well, nagkakilala tayo noon sa Dela Cruz University. That was our first day of school last year. Sobrang sungit mo noon at hate na hate mo ako dati. At hanggang ngayon ay masungit ka pa rin." pagkukuwento ko sa kanya.
"Then how come na minahal kita kung ayaw ko naman sa'yo?" naguguluhang tanong sa'kin ni William.
"Yun ang hindi ko alam. Basta ang alam ko lang ay na-in love ka sa'kin. Ikaw lang ang makakasagot n'on." sagot ko kay William.
Tumango naman siya sa'kin.
"May nai-kwento ba ako sa'yo noon about my past relationship?" sunod na tanong sakin ni William.
"Yup. Yung tungkol sa inyo ni Steph. Teka, naaalala mo ba si Steph?"
"Oo, pero ang naaalala ko lang ay kami pa rin ni Steph hanggang ngayon. Nagulat nga ako nang magising ko ay iba na ang girlfriend ko." - William
Ouch! Ang sakit naman ng sinabi niya sa'kin. So it means ay mahal pa rin niya si Steph at hindi niya talaga ako maalala.
"Paano kami naghiwalay ni Steph?" sunod na tanong sa'kin ni William.
"Naghiwalay kayo ni Steph dahil iniwan ka niya. Diyan nga nagsimula ang pagiging masungit mo eh nang ma-brokenhearted ka. Pero may rason naman si Steph kung bakit ka niya iniwan dati." sagot ko kay William.
"Iniwan pala ako ni Steph noon. Pero bakit niya ako iniwan? May nagawa ba akong mali sa kanya?" - William
"Wala kang ginawang mali sa kanya. Iniwan ka niya dahil may nangyaring masama sa kanya."
"May nangyaring masama sa kanya?" - William
Tumango ako sa kanya.
"May gumahasa sa kanya noon." sabi ko kay William na ikinaupo niya.
"WHAT? GINAHASA SI STEPH?" hindi makapaniwalang sigaw ni William.
"Wait! Kalma ka lang William." sabi ko kay William. Humiga ulit siya sa kama.
"Oo, ginahasa siya noon at nagbunga yun. Nagka-anak siya at ang ama ay ang rapist." sagot ko kay William.
"Sino ang gumahasa sa kanya?" tanong sa'kin ni William.
"Hindi ko na matandaan ang pangalan niya eh. Pero nasa presinto na siya ngayon." sagot ko kay William.
Tumango naman siya.
"Ano ba ang pangalan ng anak ni Steph?" tanong ulit sa'kin ni William.
"Katulad mo, William din ang pangalan niya. Pero Will ang tawag natin sa kanya." sagot ko sa kanya.
"Natin?" - William
"Yup, at tayo ang tumatayong magulang ni Will simula nang mamatay si Steph." sabi ko kay William na ikinatahimik at ikinatulala niya.
"William, ayos ka lang ba? May nasabi ba akong hindi maganda?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
"Patay na si Steph?" malungkot na tanong sa'kin ni William at may tumulong luha sa mga mata niya.
"Oo William. Hindi lang siya ang namatay kundi pati na rin ang kanyang mga magulang." sagot ko kay William. Hindi ko maiwasang malungkot din.
"Mahal mo pa rin ba hanggang ngayon si Steph?" malungkot na tanong ko kay William.
"Oo. Mahal ko pa rin siya at hindi ko siya kayang ipagpalit sa iba." sagot sa'kin ni William na kumirot ulit sa puso ko. Ouch! Ang sakit ng sinabi niya. Nakakarami ka na William.
"Sige, aalis na ako. Magpahinga ka na para makalabas ka agad ng hospital." sabi ko kay William at lumabas na ako ng kwarto niya. At dun ko na nga nilabas ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko.
**********
BINABASA MO ANG
My Prince Is Masungit (Book 2): Road To Forever With My Prince Sungit
Novela JuvenilMAIN CHARACTERS: William Crawford (Prince Sungit) Princess Danielle Maddren 📌 SUPPORTING CHARACTERS: Fred Dela Cruz Rissey Navarro Elena Buenavista Jameshin Faulkerson (New) Kisses Alonte (New) Jameson Faulkerson 📌 SPECIAL APPEARAN...