DANIELLE'S POV
Pagkatapos ng klase ay inaya ako ni Kisses na gumala sa mall. Ayaw pa kasi niyang umuwi at gusto niyang gumala d'on kaya sinamahan ko siya para hindi siya mag-isa. Sina William naman ay nauna nang umuwi.
"Taxi!" tawag ni Kisses nang may nakita siyang taxi. Pumara ang taxi sa harap namin.
Pagpara ng taxi ay sumakay na kami ni Kisses sa loob.
"Saan po tayo mga Ma'am?" tanong samin ng Taxi Driver.
"Sa mall po Manong Taxi Driver." sagot ko sa Taxi Driver. Umandar na ang taxi.
"Manong, pakibilisan lang po ng konti." sabi ni Kisses sa Taxi Driver. Medyo mabagal kasi ang takbo ng taxi.
Habang nagmamaneho ang Taxi Driver ay may kinuha siyang isang bagay sa kanyang bulsa. Para siyang spray.
"Manong, ano yan?" parang kinakabahang tanong ko. Parang alam ko kasi ang hawak niya eh.
Hindi sumagot ang taxi driver. Tinakpan niya ang bibig at ilong niya gamit ang mask at ini-spray niya ang buong taxi sa loob. Ang amoy ay nakakahilo at medyo masakit sa lalamunan.
*cough cough* ubo namin ni Kisses.
Geez! Nakakahilo talaga at masakit sa lalamunan.
All went BLANK.
ELENA'S POV
"Mga palpak talaga kayong magtrabaho! Ang sabi ko ay sina Rissey at Danielle lang. Pero bakit niyo dinakip sina William, Fred at ang dalawang lalakeng yan? At saka nasaan si Danielle? Si Rissey lang ang nadakip niyo? Mga palpak! Mga bobo!" inis na sigaw ko sa kanila. Kainis! Akala ko ba ay matatalino at magagaling 'to? Pero mga bobo pala 'to at mga palpak!
"Ma'am, pasensiya na po kayo. Magkakasama po kasi sila. H-hindi namin alam kung paano namin siya k-kikidnapin kaya sinali na lang namin yung k-kasama niya." kinakabahang pagpapaliwanag ng isa kong tauhan na sobrang panget.
"I don't need your explanation. Teka, nasaan na yung dalawa niyo pang kasama?" tanong ko sa kanila.
"Hinahanap pa po nila yung isa pang babae." sagot ng isa kong tauhan.
"Ayun na po sila." singit ng isa ko pang tauhan at may itinuro siya. Napatingin ako sa itinuro niya at nakita ko ang dalawa ko pang tauhan na may buhat na dalawang babae.
"Teka, bakit dalawang babae ang dala niyo?" inis na tanong ko sa dalawa kong tauhan.
"Ma'am, magkasama po kasi sila kaya sinama na rin namin 'to." sagot ng isa kong tauhan na may buhat na isang babaeng hindi ko kilala.
"Aaarrrrgggghhh! Mga bobo talaga kayo! Dapat iniwan niyo na lang ang kasama niya sa kalsada!" sigaw ko sa kanila. Dalawa lang ang pinapakidnap ko. Pero dahil sa kabobohan ng mga tauhan ko ay pito ang nakidnap nila! Mga bobo talaga sila! Aaarrggghhh!
**********
BINABASA MO ANG
My Prince Is Masungit (Book 2): Road To Forever With My Prince Sungit
Teen FictionMAIN CHARACTERS: William Crawford (Prince Sungit) Princess Danielle Maddren 📌 SUPPORTING CHARACTERS: Fred Dela Cruz Rissey Navarro Elena Buenavista Jameshin Faulkerson (New) Kisses Alonte (New) Jameson Faulkerson 📌 SPECIAL APPEARAN...