(10) #MPIS2ElenaDanielleJameson

1.1K 79 0
                                    

DANIELLE'S POV

Teka, ano ang ginagawa niya rito?


"Oops! Pasensiya na kung naistorbo ko kayo sa ginagawa niyo." sabi samin ni Elena. Sa tingin pa lang niya ay may binabalak na siyang masama.


"Oo Elena. Istorbo ka samin." sabi ko kay Elena. Napatingin naman siya kay Jameson.


"Sino siya? Secret affair mo? Hmmm! May taste ka pala sa mga lalake Danielle." sabi sakin ni Elena.


"Ano ba ang pinagsasabi mo Elena?" inis na tanong ko kay Elena. Secret affair ko raw si Jameson? Saang lupalop kaya niya yun napulot?


"Ouch! Kawawa naman si William. Pinagtataksilan siya ng plastik niyang girlfriend." malungkot na sabi ni Elena. Correction, naglulungkot-lungkutan.


"Pwede ba, umalis ka na rito." inis na sabi ko kay Elena.


"Okay." sabi ni Elena at umalis na siya.


"Kilala mo siya Danielle?" tanong sakin ni Jameson.


"Oo Jameson. Kilalang-kilala ko siya." sagot ko kay Jameson.


"Kaibigan mo ba siya?" tanong sakin ni Jameson.


"Dati, pero ngayon hindi na dahil maldita siya." sagot ko kay Jameson.


"Ha? Maldita?" - Jameson


"Oo Jameson. Maldita yan. Hindi lang maldita kundi malandi pa. Nang-aagaw yan ng mga lalake sa mga girlfriend nila. Siya nga ang dahilan kung bakit naghiwalay sina Fred at Rissey dati." sabi ko kay Jameson. Nagulat naman si Jameson sa sinabi ko.


"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Jameson.


"Oo, bakit?" 


"Ah w-wala. Tara, umalis na tayo dito bago pa may makakita satin." - Jameson


At sinuot niya ang kanyang shades. Tumango naman ako at lumabas kami sa fitting room.


JAMESON'S POV

Naguluhan naman ako sa sinabi sakin ni Danielle. Si Elena? Maldita? Malandi? Sa pagkakakilala ko sa kanya, hindi naman siya malandi at mas lalong hindi siya maldita.


"Jameson, anong problema? Bakit tulala ka?" tanong sakin ni Danielle.


"Ah w-wala. May iniisip lang ako." sagot ko kay Danielle.

**********

My Prince Is Masungit (Book 2): Road To Forever With My Prince SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon