#MPISUntoldScene2

1K 79 0
                                    

Ang second untold scene ay naganap din matapos ang BOOK 1 ng MPIS pero hindi pa nagsisimula ang BOOK 2.

**********

DANIELLE'S POV

Kanina pa ako nag-aalala dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi si Mama. Mag-a-alas onse na ng gabi pero wala pa rin siya. At ang mas malala pa d'on ay may kasama siyang isang lalake na hindi ko pa masyadong kilala pero mabait naman. Halos araw-araw na nga niya itong kasama eh. Hala! Hindi kaya kinidnap na ng lalakeng yun ang Mama ko at ibinenta niya ang mga internal organs ng Mama ko? Sana mali 'tong nasa isip ko.


"Anak."


Napatingin naman ako sa pintuan nang marinig ko ang boses ng Mama ko. At nand'on nga siya pero kasama niya pa rin yung lalake.


"Ma. Bakit ngayon lang po kayo naka-uwi?" nag-aalalang tanong ko kay Mama.


"Anak kasi may sasabihin kami sa'yo." sagot sakin ni Mama at hinawakan niya ang kamay ng lalakeng lagi niyang nakakasama. Hindi ko matandaan ang pangalan ng lalake. Pero infairness, gwapo siya. Wala sa mukha niya na masamang tao siya. Kahawig niya si Vhong Navarro.


"Kami na ng Tito Ferdinand mo." sabi sakin ni Mama na ikinalaki ng mga mata ko.


"Ano po? Kayo na po yang lalakeng yan?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Mama. Hindi dahil sa galit ako. Ito'y dahil hindi akong makapaniwalang mag-bo-boyfriend ang Mama ko kahit nasa forty na siya.


"Oo, sana matanggap mo siya anak." sabi sakin ni Mama. Tumayo naman ako at nilapitan si Mama.


"Ma. Kung saan ka masaya, suportado ako." sabi ko kay Mama.


"Talaga anak?" masayang tanong sakin ni Mama. Nakangiting tumango ako.


"Salamat anak dahil hindi ka nagalit sakin. Masaya akong naging anak kita." sabi sakin ni Mama at niyakap niya ako. Niyakap ko rin siya pabalik.

**********

My Prince Is Masungit (Book 2): Road To Forever With My Prince SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon