(38) #MPIS2IWontGiveUp

1.1K 80 0
                                    

DANIELLE'S POV

"Anak, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong sakin ni Mama.


"Ang sakit Ma. Ang sakit sakit."  sagot ko kay Mama habang umiiyak.


"Ano ang ginawa sa'yo ng anak ko, Danielle?" nag-aalala namang tanong sakin ni Tita.


"Mahal niya po pa rin si Steph." sagot ko kay Tita.


"Danielle, hindi totoo yan. Sinasabi lang yan ni William dahil may amnesia siya. Oo, minahal dati ni William si Steph. Pero ikaw ang mahal niya ngayon. Ikaw ang present at siya ang past." tugon sakin ni Tita.


"Tama siya anak. At huwag mong hahayaang ikaw ang magiging past at siya ang magiging present sa puso ni William. Kung siya man ang maging present ni William, siguraduhin mong ikaw ang magiging future niya." sabi sakin ni Mama. Hindi ko masyado na-gets ang sinabi nila.


Nagpatugtog naman ang taga-hospital ng isang kanta na nagbigay sakin ng isang motivation.



Now Playing: I Won't Give Up (Jason Mraz)

When I look into your eyes 🎵🎶

It's like watching the night sky 🎵🎶

Or a beautiful sunrise 🎵🎶

Well, there's so much they hold 🎵🎶

And just like them old star 🎵🎶

I see that you've come so far 🎵🎶

To be right where you are 🎵🎶

How old is your soul? 🎵🎶

Well, I won't give up on us 🎵🎶

Even if the skies get rough 🎵🎶

I'm still looking up. 🎵🎶

Still looking up 🎵🎶



I won't give up on us. Tama, hindi ako susuko. Kahit na hindi na niya ako maalala, I can make him fall in love with me again. Tama, gagawa ako ng paraan para ma-in love ulit niya sakin. Alam kong may konting pagmamahal pa siya sakin mula sa puso niya. 


Ang utak nakakalimot, pero ang puso hindi.


DAVE'S POV

Nakakainis talaga silang dalawa! 


Sa harap ko pa talaga sila nambababae.


"Hi Miss, anong pangalan mo?" nakangiting tanong ni Mitchell sa isang nurse.


"Sophie po Sir." sagot ng nurse at halatang nagpapa-cute siya sa dalawa. Feeling maganda 'tong nurse na 'to pero malaki naman ang ilong.


"Hi Sophie, pwede bang makuha namin ang number mo?" nakangiting tanong ni Tim sa nurse.


"Sure, para may ka-text ako palagi sa gabi." malanding sagot ng nurse sa dalawa. Sarap sabunutin 'tong nurse na 'to.


Dahil sa inis ay padabog akong umalis sa harap nila. Pero hindi yun napansin nina Tim at Mitchell dahil masyado silang busy sa nurse na yun. Bahala nga silang dalawa diyan.


Habang naglalakad ako ay may nakabanggaan ako. Wala ako sa sarili nang mga sandaling iyon.


"Naku! Pasensiya na po." sabi ko sa nakabanggaan ko sabay tingin sa kanya. Pero nang makita ko ang mukha niya ay natulala ako.


💖________💖


Shet! Ang pogi naman niya.


"It's okay, hindi rin naman ako tumingin sa dinadaan ko. Pasensiya na rin sa'yo kung nabangga kita." nakangiting tugon sakin ni pogi. Waaaaa! Ang cute niyang ngumiti dahil kita ang dimples niya.


"Doctor Prince Mhoii nga pala. Bagong Doctor dito." pagpapakilala ni pogi sa sarili niya.


"Dav..."


Magpapakilala na sana ako kay pogi nang may sumingit na dalawang unggoy.


"Nandito ka lang pala babe ko. Kanina ka pa namin hinahanap ng babe mo." sabi sakin ni Tim at inakbayan niya ako.


"Oo nga babe ko. Bakit mo kami iniwan?" sabi naman sakin ni Mitchell at inakbayan din niya ako. Pinaggigitnaan na ako ng dalawang 'to.


"Tanggalin niyo nga ang kamay niyo! Nabibigatan ako sa inyo!" inis na sabi ko sa kanila pero hindi nila ako sinunod.


"By the way, I have to go. I have lots of patients to take care of." sabi sakin ni pogi.


"Tama, umalis ka na at wag ka nang lumapit sa babe namin." sabi ni Mitchell kay pogi. Kinurot ko naman siya sa tagiliran niya.


"ARAY!" sigaw ni Mitchell nang kinurot ko siya.


"Pagpasensiyahan mo na siya Doc. Sige po, bye." sabi ko kay pogi.


"Bye and see you soon." nakangiting sabi sakin ng Doctor at kinindatan niya ako.


"Ang sarap sapakin ng Doctor na yan. Feeling gwapo." inis na sabi ni Tim nang makaalis na si pogi.


"Mas pogi pa kaya kami kaysa sa kanya." inis namang sabi ni Mitchell. Ano bang problema nilang dalawa at inis na inis sila kay pogi?

**********

My Prince Is Masungit (Book 2): Road To Forever With My Prince SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon