DANIELLE'S POV
Nang maikabit na ni William ang seatbelt ko ay ikakabit na sana ulit niya ang kanyang seatbelt nang biglang makaramdam kami ng malakas na impact mula sa gilid ng kotse niya. Sa may direksyon niya.
"AAAAAHHHHHH!"
Napasigaw ako bigla nang muntik na akong tumilapon. Buti na lang at may suot akong seatbelt.
May narinig akong nabasag na salamin sa gawi ni William kaya napatingin ako sa gawi niya.
Pero pagtingin ko ay nanginig ako sa nakita ko.
Si William, walang malay at may dugo sa bandang ulo niya.
"WILLIAM!" sigaw ko. Tinanggal ko ang seatbelt na nakakabit sakin at nilapitan ko siya.
"WILLIAM! GUMISING KA!" sigaw ko pero hindi pa rin siyang nagigising. Biglang may tumulong luha sa mga mata ko.
"WILLIAM! GISING!" sigaw ko pero wala pa rin. Hindi pa rin nagigising si William.
"Miss, ayos lang ba kayo?" narinig ko tanong ng isang lalake mula sa labas ng kotse. Napatingin ako sa lalake.
"Tulungan niyo po ako. Dalhin po natin si William sa hospital." sabi ko sa lalake.
"S-sige po Miss." natatarantang tugon sakin ng lalake.
KISSES' POV
Nandito kami ngayon ni Jamesungit sa tambayan kasama sina Rissey at Fred. Tapos na ang klase pero nag-decide kaming mag-stay muna dahil sa lakas ng ulan. Maliban lang kina Danielle at ang kanyang napakagwapong boyfriend na si William na nauna samin dahil aasikasuhin daw muna nila ang kanilang performance task.
"Fred, palit tayo ng partner." pagmamakaawa ni Jamesungit kay Fred. Che! Ayaw ko rin naman siyang makapartner noh. Pero no choice naman ako dahil bawal magpalit ng partner sabi ni Prof Bacarra.
"A-YO-KO." sabi ni Fred kay Jamesungit. Nag-pout naman siya. Waaaa! Ang cute naman niyang mag-pout. Hala! Anong sinabi ko? Erase! Erase! Hindi siya cute. Pangit siya kahit artista siya.
Speaking of artista. Kyaaa! Sobrang saya ko dahil ako raw ay isang youtube sensation na at may guestings agad ako sa mga TV shows. Ang una kong guesting ay ang The Dyosa Show. Isa sa mga pinakasikat na talk show sa Wattpad Network. At sa next week na yun gaganapin. Waaaaa! So much excited na ako for that.
*kriiiiiiinnnnnnnnngggggggg!*
Dapat maging maganda ako sa harap ng mga viewers.
*kriiiiiinnnnnnnnngggggggg!*
Dapat maganda rin ang outfit ko.
*riiiiiiinnnnnnnnggggggg*
"Hoy! Kanina pa tumutunog ang cellphone mo!" - Jameson
"Ay palakang sumasayaw!"
Nagulat ako dahil sa sigaw ni Jamesugit.
"Anong palakang sumasayaw ka dyan? Kanina pa nag-ri-ring ang cellphone mo. Kung ayaw mong sagutin yang call na yan, please paki-silent mode naman yang cellphone mo dahil nakakaistorbo." galit na sabi sakin ni Jamesungit. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Kinuha ko ang cellphone ko sa table at sinagot ko yung tawag galing sa kapatid ko.
"Hello Sis. Napatawag ka?" tanong ko kay Danielle na nasa kabilang linya ng phone.
("Hello Sis. Nasa hospital ako ngayon...") - Danielle
"WHAT? NASA HOSPITAL KA? ANONG NANGYARI SA'YO AT NASA HOSPITAL KA?"
Hindi natuloy ang pagsasalita ni Danielle nang mag-react ako. Napatingin tuloy sakin sina Rissey, Fred at Jamesungit. Bwahahaha! Bagay talaga sa kanya na tawaging Jamesungit dahil sa ugali niyang masugit.
("Okay lang ako Sis at walang nangyari sakin. Pero si William, nasa panganib ang buhay niya ngayon.") - Danielle
Narinig ko ang mga hagulgol ni Danielle.
"Sige Sis. Papunta na kami dyan." sabi ko kay Danielle at binaba ko na ang cellphone ko.
"Anong nangyari? Bakit nasa hospital siya?" tanong sakin ni Fred.
"Sinugod daw si William sa hospital." sagot ko.
**********
BINABASA MO ANG
My Prince Is Masungit (Book 2): Road To Forever With My Prince Sungit
Teen FictionMAIN CHARACTERS: William Crawford (Prince Sungit) Princess Danielle Maddren 📌 SUPPORTING CHARACTERS: Fred Dela Cruz Rissey Navarro Elena Buenavista Jameshin Faulkerson (New) Kisses Alonte (New) Jameson Faulkerson 📌 SPECIAL APPEARAN...