DANIELLE'S POV
"Ma, Dad. Aalis muna ako. May pupuntahan lang po ako." pagpapaalam ko kina Mama at Dad.
"Sige anak, mag-iingat ka sa daan." sabi sakin ni Mama.
"Sige po Ma." sabi ko at umalis na ako ng mansyon.
Papunta ako ngayon sa mall para manood ng mall show ni Jameson. May i-lau-lauch kasi siyang album mamaya. Sayang nga at hindi ko kasama si hub.
Nang makarating ako sa mall ay dagsa ang mga tao dun dahil sa mall show ni Jameson.
"OMG! Excited na akong makita sa personal si Fafa Jameson."
"Ako rin girl. Gusto kong magpabuntis kay Fafa Jameson."
Yuck! Ano raw? Magpapabuntis siya kay Jameson? Naku! Masama ang catcalling. At higit sa lahat ay masama ang mangarap ng labis.
Nagulat ako nang may humila sakin.
"Teka lang, bitawan mo ako." sabi ko sa lalakeng naka-hoodie at naka-shades. Hindi niya ako pinansin at hinila niya ako hanggang sa makapunta kami sa isang fitting room dito sa mall.
"Teka, sino ka ba. At bakit mo ako dinala dito?" tanong ko sa lalakeng naka-hoodie at naka-shades. Tinanggal niya ang suot niyang shades.
"Jameson?" shock kong sabi.
"Gulat na gulat ka pa rin Danielle kapag nakikita mo ako?" sabi niya with matching pout pa. Waaaa! Ang cute niyang mag-pout. Sorry hub but Jameson did it cuter than you.
"Waaaa! Jameson, sorry. Akala ko kasi isa kang stranger." sabi ko kay Jameson.
"It's okay Danielle. Sanay na ako diyan." sabi niya sakin. Natawa naman kami.
Pero wala pang limang segundo ay nagulat kami ni Jameson nang may naghawi sa kurtina ng fitting room.
"Danielle?"
Pero mas nagulat pa ako kung sino ang naghawi ng kurtina ng fitting room.
"Elena?" hindi makapaniwalang sabi ko.
ELENA'S POV
Nandito ako ngayon sa mall para mag-shopping. Naubusan na naman kasi ako ng stock of dresses sa mansyon ko.
Kuha lang ako ng kuha ng mga dresses hanggang sa may pumukaw sa atensyon ko na isang dress na kumikinang. Kinuha ko yun.
"Isusukat niyo po ba yan Ma'am?" tanong sakin ng saleslady.
"Yes." sagot ko sa saleslady.
"Nandun po yung fitting room." sabi ng saleslady sabay turo sa fitting room.
"Okay." sabi ko sa saleslady kahit alam ko naman kung nasaan ang fitting room. Wala akong ganang makipag-away ngayon. Kailangan ko munang ipunin ang energy ko ngayon.
Pumunta ako sa fitting room.
Papasok na sana ako sa fitting room nang may narinig akong boses ng isang babae at lalake sa kabilang fitting room.
"Waaaa! Jameson, sorry. Akala ko kasi isa kang stranger." narinig kong sabi ng isang babae.
Teka, Jameson? Siyang ba yung lalakeng nakilala ko na naka-hoodie at naka-shades?
"It's okay Danielle. Sanay na ako diyan." narinig ko namang sabi ng isang lalake. Narinig ko naman ang kanilang tawa. Tama nga ako. Si Jameson nga. Pero ano ang ginagawa niya sa loob ng fitting room kasama ang isang babae.
O_____O
*shocks*
OMG! Don't tell me gumagawa sila ng milagro sa fitting room. Pero bakit sa fitting room sila gumagawa ng milagro at hindi sa isang hotel?
Lumapit ako sa kabilang fitting room at hinawi ang kurtina.
And I was shocked kung sino ang nandun.
Pero yung inaakala kong si Jameson na nandun ay hindi pala siya. Akala ko siya yun. Mali pala ako. Pero magkaboses sila hah.
"Danielle?" hindi makapaniwalang sabi ko.
"Elena?" hindi rin makapaniwalang sabi niya.
**********
BINABASA MO ANG
My Prince Is Masungit (Book 2): Road To Forever With My Prince Sungit
Teen FictionMAIN CHARACTERS: William Crawford (Prince Sungit) Princess Danielle Maddren 📌 SUPPORTING CHARACTERS: Fred Dela Cruz Rissey Navarro Elena Buenavista Jameshin Faulkerson (New) Kisses Alonte (New) Jameson Faulkerson 📌 SPECIAL APPEARAN...