(23) #MPIS2WelcomeBack

1K 79 0
                                    

DANIELLE'S POV

- NAIA TERMINAL (7:00 PM) -

Nandito kami ngayon nina Fred, Rissey, Jameson, Dave, Mitchell, Tim at Kisses sa NAIA Terminal para sunduin sina Lauren at Zeke.


"My future wife, gusto mo ba ng tubig o makakain?" tanong ni Fred kay Rissey.


"Okay lang ako my future husband." sagot ni Rissey kay Fred.


"Oh my gosh! I'm excited to meet Lauren and Ezekiel." masayang sabi ni Kisses. Nakita ko naman sa malayuan sina Lauren at Zeke na naglalakad palapit samin. Meron silang kasamang isang babae na may bitbit na baby.


"Speaking of Lauren and Zeke—I mean Ezekiel. Andyan na sila." sabi ko sabay turo sa direksyon nina Lauren at Zeke. Nakita kong nag-wave samin si Lauren. 


Nang makalapit na sila samin ay agad kong niyakap si Lauren.


"Na-miss kita Bes" sabi ko kay Lauren.


"I miss you too Bes." tugon naman sakin ni Lauren. Humiwalay siya sa yakap ko at lumapit naman sa kanya si Rissey.


"Waaaaa! Beeeess." sabi ni Rissey sabay yakap kay Lauren with matching talon pa.


"Dahan-dahan lang my future wife. Baka malaglag yung baby natin." sabi ni Fred kay Rissey. Napabitaw bigla si Lauren sa yakap ni Rissey.


"OMG Bes! Are you pregnant?" gulat na tanong ni Lauren kay Rissey. Tumango naman si Rissey.


"Waaaa! Bes Congrats." masayang sabi ni Lauren sabay yakap ulit kay Rissey. 


"Pareho na tayong Mommy." dagpag pa ni Lauren na ikinatawa namin. Lumabas na kami ng NAIA terminal at sumakay sa van ni Fred.


"Kumusta na pala si William, Bes? Gising na ba siya?" tanong sakin ni Lauren. Biglang bumalik sa aking isip ang sinabi ng Doctor kaya tumulo ang aking mga luha.


"Bes, are you okay? Why are you crying?" nag-aalalang tanong sakin ni Lauren.


"Bes, malala ang kondisyon ngayon ni William." sagot ko kay Lauren.


"What? Malala ang kondisyon niya?" hindi makapaniwalang tanong ni Lauren.


"Oo Bes. Nakadepende na lang sa machine ang buhay niya. Kapag ito'y tinanggal sa kanya, mamamatay siya." sagot ko sa kanya.


"Oh my! I can't believe it na mangyayari yan kay William. Sana maging okay na siya." sabi sakin ni Lauren.


"Sana nga." tugon ko kay Lauren. 


Sana nga maging okay na siya.


DAVE'S POV

Hello mga readers na-miss niyo ba ako—este kami nina Tim at Mitchell? Kung oo, ito ang ganap namin ngayon. Kung hindi, sana mabangungot kayo sa mukha ko pagtulog niyo. Hahaha! Just kidding.


"Woah pre, tignan mo. Chicks." narinig kong sabi ni Mitchell.


"Woah! Ang sexy niya pre." narinig ko namang sabi ni Tim. Ano kaya ang pinag-uusapan nila?


Napatingin naman ako kina Tim at Mitchell at nakita ko silang nakatitig sa isang babae. Nakatalikod ang babae at ang sexy nga. Halatang may kalakihan ang pwet nito dahil naka-pekpek short lang ang babae.


"Pre, lapitan natin siya at humingi tayo ng number sa kanya." sabi ni Mitchell kay Tim.


"Sige pre." pagsang-ayon ni Tim kay Mitchell. Lalapit na sana sila sa babae nang hinawakan ko sila sa braso para pigilan.


"Hep hep hep! Anong ginagawa niyong dalawa hah?" tanong ko sabay tingin sa kanila ng masama.


"Ahh... Ano D-dave, mag-C-CR lang kami." pagsisinungaling sakin ni Tim.


"T-tama si Tim. Mag-C-CR lang kami." pagsisinugaling din sakin ni Mitchell.


"Che! Hindi niyo ako maloloko. Alam kong mambababae kayo rito sa NAIA." sabi ko sa kanila.


"Pagbigyan mo na kami Dave. Sayang kasi dahil ang sexy ng nakita naming chicks." pagmamakaawa sakin ni Mitchell.


"Oo nga Dave, kahit ngayon lang. Pleaseeee!" pagmamakaawa naman sakin ni Tim. Napatingin ako sa babaeng tinitigan nila kanina. Nag-grin ako nang sandali kong makita ang itsura ng *ehem* babae.


"Sige, pagbibigyan ko kayo pero ngayon lang 'to hah." sabi ko sa dalawa.


"YES!" napasigaw sila sa tuwa.


"Puntahan niyo na ang babae bago pa siya makaalis." sabi ko sa kanila.


"Sige Dave, tara Tim." - Mitchell


Lumapit na ang dalawa sa *ehem* babae. Bwahahahahaha! Tignan na lang natin kung ano ang magiging itsura nila kapag makita nila ang mukha ng babae.


Nakita kong dumadamoves na ang dalawa sa *ehem* babae. Humarap sa kanila ang babae.


Nang makaharap na nila ang babae...


"WAAAAAAAAAAAAAAAAAA!"


Agad silang tumakbo papalayo sa babae na beki pala. Ako naman ay hagalpak ang tawa ko rito habang pinapanood sila. Hahahahahahahaha! Ang epic ng mukha nila.


"Mga Fafa, halika kayo rito. Bibigyan ko kayo ng kiss. Mwah! Mwah! Mwah!" sabi ng beki habang hinahabol niya sina Tim at Mitchell.


"Waaaaaaa! Lubayan mo kami!" sigaw ni Tim sa beki habang tumatakbo.


"Waaaaa! Humanda ka samin Dave!" sigaw sakin ni Mitchell. Tawa lang ako ng tawa. Pati na rin ang mga kasama ko ay tumatawa na lalo na si Danielle. Mukhang maganda rin ang ginawa ko sa dalawa dahil napatawa namin si Danielle na laging malungkot dahil sa nangyari kay William.

**********

My Prince Is Masungit (Book 2): Road To Forever With My Prince SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon