DANIELLE'S POV
- CHRISTMAS DAY -
Naghahanda kami ngayon nina Mama at Kisses ng pagkain para sa isang Chrismas Celebration na gaganapin sa hospital.
"Kisses, paki-check nga yung spaghetti sauce kung luto na." utos ni Mama kay Kisses.
"Yes Mom." sagot ni Kisses.
"Danielle, pakibantay 'tong adobong baboy na niluluto ko. Kukuha lang ako ng tupperware." utos sakin ni Mama. Tumango naman ako kay Mama.
Nang nakahanda na ang pagkain ay pumunta na kami nina Mama, Dad at Kisses sa hospital. Kasama din sina Rissey, Fred, Dave, Tim, Mitchell, Jameson, Jameshin, Lauren at Zeke.
Nang makarating kami sa hospital ay pumunta agad kami sa kwarto ni William. At nandun si Tita na binabantayan ang kanyang anak.
"Merry Christmas Kumare." bati ni Mama kay Tita.
"Merry Christmas din Kumare." bati rin ni Tita sabay yakap kay Mama.
"Oo nga pala Kumare, naghanda pala ako ng pagkain para makapag-celebrate tayo ng pasko." sabi ni Mama kay Tita. Ngumiti naman si Tita.
"Thanks Kumare." tugon ni Tita kay Mama. Hinanda na ni Mama ang mga pagkain at ready to eat na.
Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang tignan si William.
"Merry Christmas hub." bati ko kay William. Inilagay ko muna sa mini table ang pagkain ko.
"Hub, kailan ka ba magigising?" tanong ko sabay hawak sa kamay ni William.
"Miss na miss ka na namin. Miss na miss na kita." dagdag ko pa. Biglang may tumulong mga luha sa mga mata ko. Lumapit sakin si Mama at niyakap niya ako.
"Wag kang malawan ng pag-asa anak." sabi sakin ni Mama. Habang nakayakap sakin si Mama ay naramdaman ko ang paggalaw ng kamay ni William.
"Ma, gumalaw ang kamay ni William." sabi ko kay Mama. Napatingin ako kay William.
At pagtingin ko sa kanya ay saktong minulat ni William ang kanyang mga mata.
"Tita! Gising na siya." masayang sabi ko kay Tita habang umiiyak. Dahil sa sobrang saya ko ay napayakap ako kay William.
"Hub, gising ka naaaa! Salamat sa Diyos at buhay ka pa." masayang sabi ko kay William.
"Woah! Makayakap ka naman Miss. Sino ka ba?" tanong sa'kin ni William na ikinagulat ko. Biglang hinawakan ni William ang dalawang kamay ko at inilayo niya ako mula sa kanya.
Teka, bakit hindi niya ako kilala?
**********
BINABASA MO ANG
My Prince Is Masungit (Book 2): Road To Forever With My Prince Sungit
Teen FictionMAIN CHARACTERS: William Crawford (Prince Sungit) Princess Danielle Maddren 📌 SUPPORTING CHARACTERS: Fred Dela Cruz Rissey Navarro Elena Buenavista Jameshin Faulkerson (New) Kisses Alonte (New) Jameson Faulkerson 📌 SPECIAL APPEARAN...