Before the BOOK 3 ay may mga scenes tayong na-missed o hindi pa nababasa sa buhay nina William at Danielle. Ito ang first untold scene. Ang first untold scene ay naganap matapos ang BOOK 1 ng MPIS pero hindi pa nagsisimula ang BOOK 2.
**********
DANIELLE'S POV
Halos mag-iisang buwan na rin ang nakalipas nang maaksidente si William.
"Danielle, pwede ka nang umuwi. Alam kong napapagod ka na sa kababantay sa anak." sabi sakin ng Mama ni William.
"Okay lang po ako Tita. Hindi po ako mapapagod na alagaan at bantayan si William dahil mahal ko po siya." tugon ko kay Tita. Bigla namang ngumiti si Tita.
"Ngayon alam na namin ng asawa ko kung bakit ka nagustuhan ng anak namin. Napakabait mong bata at mapagmahal pa. Sana mapatawad mo kami ng asawa ko Danielle kung hindi ka namin tinanggap. Nabulag kami sa pera at hindi namin inisip ang anak namin. Akala kasi namin ay ito ang makakabuti sa kanya. Pero mali pala kami." sabi sakin ni Tita.
"Okay lang po yun Tita. Ginawa niyo lang po yun bilang magulang ni William. Alam kong mahal na mahal niyo po siya." tugon ko kay Tita.
"Salamat iha. Nga pala, hindi na matutuloy ang kasal ni William at ni Elena kaya pwedeng-pwede na kayo ng anak ko." sabi sakin ni Tita na ikinatuwa ko.
"Talaga po Ma? Hindi na po kayo tutol sa pagmamahalan namin ni Danielle?"
O_____O
Napatingin kami bigla ni Tita sa nakahigang si William at hindi kami makapaniwalang gising na siya.
"Tatawag lang ako ng Doctor." sabi sakin ni Tita at dali-dali siyang lumabas ng kwarto para tumawag ng Doctor. Ako naman ay lumapit kay William at hinawakan ang kamay niya.
"Gising ka na hub." naiiyak kong sabi kay William.
"Hindi pa akong pwedeng mamatay dahil hindi pa natin natutupad ang mga pangarap natin sa isa't isa." sabi sakin ni William. Dumating na ang Doctor para tignan si William at salamat sa Diyos dahil maayos na siya. Pwede na siyang ilabas sa hospital sa mga susunod na araw.
Nag-sorry na rin ang mga magulang ni William sa anak nila na agad namang tinanggap ni William.
**********
BINABASA MO ANG
My Prince Is Masungit (Book 2): Road To Forever With My Prince Sungit
Teen FictionMAIN CHARACTERS: William Crawford (Prince Sungit) Princess Danielle Maddren 📌 SUPPORTING CHARACTERS: Fred Dela Cruz Rissey Navarro Elena Buenavista Jameshin Faulkerson (New) Kisses Alonte (New) Jameson Faulkerson 📌 SPECIAL APPEARAN...