(4) #MPIS2AngryFred

1.1K 86 0
                                    

DANIELLE'S POV

"Okay na ba ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ko kay Rissey. Hindi pa rin ako maka-move on kanina sa ginawang milagro nila Fred at Faye sa CR. Nakakadiri! Buti na lang at hindi ganyan si William. May mabuti pa lang naidudulot ang pagiging masungit niya dahil nagiging masungit din siya sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Maliban lang sakin dahil mahal niya ako eh.


"Oo Bes. Salamat ha dahil palagi kang nandito kapag umiiyak ako. Nandito ka parati para damayan ako. Utang ko sa'yo ang buhay ko." sagot sakin ni Rissey.


"Oo naman Bes, lagi akong nandyan sa tabi mo pati na rin si Lauren. Mag-bestfriends tayo eh. Sayang dahil wala si Lauren dito." sabi ko kay Rissey.


"Oo nga pero sigurado akong masaya na siya dun kasama si Zeke at sa magiging anak nila." - Rissey


Nakangiting tumango naman ako bilang pag-sang-ayon.


Nang matapos na ang lunch break ay pumunta na kami ni Rissey sa first subject namin ngayong tanghali. 


Nang makarating kami sa room ay nakita namin si Fred na may kausap na namang babae. Ang isa pa naming classmate na si Tayla. May binulong si Fred kay Tayla na ikinatuwa ng babae. Tumayo si Fred at lumabas ng room. Sumunod naman si Tayla kay Fred.


After few decades—este minutes pala ay dumating na ang Prof namin pero wala pa rin sina Fred at Bea.


"Oh! We have a new classmate." sabi ni Prof habang nakatingin siya sa new classmate namin. Si Jameson ang tinutukoy ni Prof na bagong classmate. Maayos na ang pagkaka-disguise niya ngayon at hindi na siya makikilala ng iba.


Lumapit si Prof kay Jameson.


"You look familiar to me." sabi ni Prof kay Jameson. Patay! Baka mahalata ni Prof na si Jameson yan. 


"Can I know your name iho?" tanong ni Prof kay Jameson.


"Jameson Faulkerson po." sagot niya na ikinatakip ng bibig ko at pati na rin ng mga classmates ko. Nagbulung-bulungan na ang mga classmate ko. Naku! Hindi maganda 'to. Bakit niya kasi sinabi ang real name niya. 


Nagulat kami nang biglang tumawa nang malakas si Prof.


"Hahahaha! Ikaw? Si Jameson Faulkerson? Hahahaha! Grabe bentang-benta yang joke mo." tawa pa rin ng tawa si Prof. Nakitawa na rin ang mga classmate ko maliban kay Rissey at lalong-lalo na ako. Biglang tumayo si Jameson at nagulat ako dahil tinanggal niya ang suot niyang disguise. Napatigil naman sa pagtawa si Prof at ang mga classmates ko.


"OMG! Si Jameson Faulkerson nga." shock na sabi ni Prof.


"KYAAAAAAAAAAAAAAAAA!" 


Biglang nagtilian ang mga babae at lumapit kay Jameson.


"Crush, pa-picture."


"Pa-autograph naman idol."

My Prince Is Masungit (Book 2): Road To Forever With My Prince SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon