(36) #MPIS2Amnesia

1.1K 80 0
                                    

WILLIAM'S POV

Pagmulat ng aking mga mata ay isang babaeng umiiyak agad ang bumungad sakin. May nakayakap sa kanyang isang babaeng may edad na. Teka, sino sila?


"Tita! Gising na siya." masayang sabi ng babae habang umiiyak siya at niyakap niya ako bigla. 


"Hub, gising ka naaaa! Salamat sa Diyos." sabi sakin ng babae. Anong tawag niya sakin? Hub? Hindi naman hub ang pangalan ko hah. Mukhang maling hospital ang pinasukan nila.


"Woah! Makayakap ka. Sino ka ba?" tanong ko sa babaeng umiiyak. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya para ilayo siya. Feeling close naman kasi siya eh. Feeling niya ay boyfriend niya ako pero sorry na lang siya dahil si Steph lang ang nagmamay-ari ng puso ko.


"Wag ka ngang magbiro ng ganyan hub. Marami na akong napanood na ganyan kaya waley na yan, okay?" sabi sakin ng babaeng umiiyak. Yayakapin niya ulit sana ako pero itinulak ko siya papalayo.


"Hindi kita kilala so please wag ka ngang basta-basta lumalapit at wag mo nga akong tawaging hub dahil hindi hub ang pangalan ko." sabi ko sa babaeng umiiyak. Napansin kong gulat na gulat yung facial reaction niya pero ano ba ang pake ko. Hindi ko naman siya kaano-ano.


"William naman eh! Hindi ka na nakakatawa." sabi sakin ng babae. Mukha ba akong nag-jo-joke?


"I'm sorry Miss. Kung sino ka man, hindi talaga kita kilala. You don't even look familiar to me." sabi ko sa babae. 


"Sino ka ba huh! At bakit alam mo ang first name ko? Isa ka ba sa mga die hard fan ko?" tanong ko sa babae.


"Tita, tumawag ka ng Doctor. Hindi niya tayo maalala." sabi ng babae sa Mama ko. Tsk! Hindi maalala? Eh sa hindi ko naman siya kilala eh. At saka kilala ko naman ang Mama ko ha. May paiyak-iyak pa siyang nalalaman.


"Fred, paki-explain nga sakin kung ano 'to. Nasaan ako?" tanong ko kay Fred. Gulat na gulat silang lahat nang magsalita ako. Yung iba ay hindi ko rin kilala.


"Naaalala mo ako William?" gulat na tanong sakin ni Fred.


"Halata ba?" sarcastic kong sagot kay Fred.


"Eh ako William, naaalala mo ba ako?" tanong sakin ni Ezekiel.


"Ezekiel naman, wala ako sa mood para makipaglokohan. Just explain to me kung anong ginagawa ko sa lugar na 'to. Saka sino yang mga kasama niyo? Lalo na yan." tanong ko sabay turo sa babaeng umiiyak. Biglang may dumating na isang babaeng nakaputi. Teka, Doctor ba yan?


"Dra. Bacarra, ano bang nangyari sa kanya? Bakit kami naaalala niya, pero yung iba ay hindi?" tanong ni Fred sa babaeng nakaputi which is Doctor nga.


"Base on what he acts, it's obvious that he suffers from Amnesia. Since he's got into a car accident and due of the severe blow right on his head, he won' t be able to remember some people or happenings on his past." explain sa kanila ng Doctor. So may amnesia raw ako. Kalokohan! Parang wala naman eh. Naaalala ko nga sina Fred.


"May possibility po ba na bumalik yung memories niya, Dra. Bacarra?" tanong ng babaeng umiiyak sa Doctor.


"Sa ngayon ay hindi ko pa masasabi yan. May possibilies na bumalik ang kanyang alaala pero may possibilities ding hindi na bumalik yun." sabi ng Doctor. Nainis ako sa narinig ko.


"Pwede ba? Wala naman akong sakit. Umuwi na nga lang tayo." inis na sabi ko sa kanila.


"Hindi ka pa pwedeng umuwi! Bulag ka ba hah? Hindi mo ba nakikitang hindi ka pa magaling?" sigaw sakin ng babaeng umiiyak. Aba't sinigawan niya ako.


"Calm down Bes. Everything's going to be alright." sabi ng isang babaeng katabi ni Ezekiel.


"And who the hell are you to care?" sigaw na tanong ko sa babaeng umiiyak.


"Damn William! She's your girlfriend!" galit na sigaw sakin ni Fred.


"She's your girlfriend."


"She's your girlfriend."


"She's your girlfriend.


"She's your girlfriend."


"She's your girlfriend."


"She's your girlfriend."


Natulala ako sa sinabi ni Fred.

**********

My Prince Is Masungit (Book 2): Road To Forever With My Prince SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon