(27) #MPIS2ChristmasWish

1K 83 0
                                    

DANIELLE'S POV

Nandito pa rin kami ngayon sa bahay nina Lauren at Zeke at nag-di-dinner kami. 


Habang nag-di-dinner kami ay napansin kong tila malungkot si Rissey.


"Bes, ba't malungkot ka?" nag-aalalang tanong ko kay Rissey.


"Wala, may iniisip lang ako." malungkot na sagot sakin ni Rissey.


"Ano ba yang iniisip mo my future wife?" tanong naman ni Fred kay Rissey.


"Sa magiging anak natin." sagot ni Rissey kay Fred.


"Ano naman ang problema dun my future wife?" tanong ni Fred kay Rissey.


"Iniisip ko lang kung magiging mabuting ina ba ako sa anak natin o hindi." sagot ni Rissey kay Fred.


"Ano ka ba naman my future wife. Bakit mo iniisip yan? Magiging mabuting ina ka sa anak natin." nakangiting sabi ni Fred kay Rissey.


"Tama si Fred, Bes. Magiging mabuting ina ka sa anak mo." sabi ni Lauren kay Rissey. Bigla namang ngumiti si Rissey at pinagpatuloy niya ang pagkain.


"Oo nga pala, gusto namin bisitahin si William sa hospital." sabi samin ni Zeke.


"Kailan ba kayo bibisita sa kanya para sabay-sabay tayong pumunta dun?" tanong samin ni Lauren.


"Bukas ng tanghali kami bibisita. Mga 2:30 PM." sagot ko sa tanong ni Lauren.


"Okay. Sunduin niyo na lang kami." sabi samin ni Lauren.


"Okay." tugon ni Fred kina Lauren at Zeke.


- NEXT DAY (1:46 PM) -

Kinabukasan ay sinundo namin nina Fred sina Lauren at Zeke. Nagtataka kayo kung bakit wala sina Kisses at Jameson. Well, nag-re-ready na kasi sila sa kanilang Christmas Concert na gaganapin sa December 24 sa Dyosa's Arena.


"Lauren." tawag ni Dave nang makita niya si Lauren.


"Dave." tugon naman ni Lauren at nagyakapan sila sa isa't-isa. Napatingin naman si Dave kay Zeke.


"Hi Ezekiel." bati ni Dave kay Zeke. Kumaway lang si Zeke kay Dave.


Bumitaw si Dave sa pagkakayakap niya kay Lauren at sumakay na kami sa van ni Fred.


Nang makarating kami sa hospital ay pinuntahan agad namin ang kwarto ni William.


"Oh my gosh!" reaksyon ni Lauren nang makita niya si William mula sa labas ng kwarto.


Hay! Kailan kaya siya magigising? Sana naman ay magising siya bago magpasko. Please Santa, tuparin niyo po ang Christmas Wish ko na magising na si William. Alam kong puro mga laruan lang ang binibigay niyo pero sana po ay tuparin niyo po ang Christmas Wish ko. Gusto ko pong makasama si William. Hindi lang sa pasko kundi sa forever din.

**********

My Prince Is Masungit (Book 2): Road To Forever With My Prince SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon