(3) #MPIS2PlayboyFred

1.2K 81 0
                                    

RISSEY'S POV

Pagkagising ko ay wala na si Fred. Nasa school na yata. Simula nung nag-break kasi kami ni Fred ay hindi na niya ako sinasabay papuntang school at pati na rin sa pag-uwi. 


Mag-isa ako ngayong naglalakad papuntang Dela Cruz University hanggang sa may lumapit sa'king isang kotse.


"Rissey." tawag sakin ng isang pamilyar na boses.


"Jameson?" patanong kong sabi.


"Long time no see Rissey. Sumabay ka na sakin papuntang school." sabi sakin ni Jameson.


"Ah wag na, nakakahiya." sabi ko sa kanya. Eh sa nakakahiya talaga eh.


"Wag ka nang mahiya sakin. Tara na sakay na." sabi niya sabay puppy eyes. Waaaaa! Ang cute ng puppy eyes effect niya. Para siyang isang tuta.


"Sige na nga." sabi ko na lang kay Jameson. Lumabas siya sa kotse niya at pinagbuksan niya ako. Ang gentleman naman niya. May pagka-similarities sila ni Fred sa ugali, except lang sa pagiging playboy. 


Pumasok na ako sa loob ng kotse niya.


DANIELLE'S POV

Pagkapasok ko pa lang sa room namin dito sa DCU ay sinalubong agad ako ni William ng yakap.


"AYYYYYIEEEEEE!" tilian ng mga classmates ko habang nakatingin sakin. I'm sure namumula na ako sa hiya at kilig. 


Umupo na kami ni William sa seat namin. 


Habang hinihintay namin ang Prof namin na dumating ay nakita ko si Fred na kausap si Crystelle (our classmate). Biglang may binulong si Fred kay Crystelle. Tumango naman si Crystelle na may ngiti sa labi. Tumayo si Fred at lumabas ng room. Sumunod naman si Crystelle kay Fred. Naku! Alam ko na kung ano ang gagawin nila.


"Wife, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong sakin ni  William. Tumango na lang ako kahit na naiinis ako kay Fred.


RISSEY'S POV

Nang nasa school na kami ni Jameson ay pumunta kami sa office para kunin ang schedule niya dito sa school. Walang nakakakilala sa kanya dahil may suot siyang disguise. Alam niyo namang artista 'to. 


Bagong enroll siya dito. Buti naman pinayagan pa siyang magpa-enroll. Super late na kasi para mag-enroll lalo na't malapit na ang midterm examination.


Nang nakuha namin ang schedule niya ay tinignan namin yun.


"Wow! Mag-classmate pala tayo sa lahat ng subject." amazed kong sabi.


"So palagi kitang makakasama sa school. Destiny pala tayo." sabi niya sabay akbay sakin. Destiny talaga.


"Tara, pumunta na tayo sa first subject natin." sabi niya at naglakad na kami. 


My Prince Is Masungit (Book 2): Road To Forever With My Prince SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon