(13) #MPIS2NewGirlInDCU

1K 82 1
                                    

DANIELLE'S POV

- NEXT DAY -

"Welcome to Dela Cruz University, Kisses." sabi ko kay Kisses.


"Wow!" manghang tugon ni Kisses sa buong paligid ng Dela Cruz University.


"Nagustuhan mo ba?" tanong ko kay Kisses.


"Mas malaki pa 'to kaysa sa school namin sa States." manghang sagot sakin ni Kisses.


"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Kisses. Tumango naman siya. Wow! Akala ko mas malaki ang dating school na pinapasukan niya kaysa samin. Galing States kasi eh.


"Wow! Ang ganda naman ng garden niyo. Ang daming bulaklak." manghang sabi ni Kisses.


"Gusto mo, pumunta tayo diyan? Maaga pa naman eh." tanong ko kay Kisses


"Sige." masiglang sagot sakin ni Kisses. Pumunta kaming dalawa sa garden.


"Waaaaa! Gardenia." masayang sabi ni Kisses sabay pitas ng isang gardenia at inamoy pa niya ito.


Sa tingin ko ay mukhang mag-e-enjoy si Kisses dito sa DCU.


KISSES' POV

Woooow! Ang ganda naman ng Dela Cruz University. This is my first time na namangha ako sa isang school tulad nito.


"Bes!" narinig kong tawag ng isang babae kay Danielle sabay yakap sa stepsister ko. Napatingin naman sakin ang babae.


"Sino yang kasama mong magandang babae?" tanong ng babae kay Danielle sabay turo sakin. Nambola pa talaga siya na maganda ako. Mas maganda pa kaya siya kaysa sakin.


"Oo nga pala Bes. Kapatid ko nga pala, si Kisses." pagpapakilala sakin ni Danielle. Tumaas naman ang isang kilay ng babae. Wow! Ang taray.


"May kapatid ka pala Danielle. Sa tagal nating magkakilala ay hindi ko alam na may kapatid ka pala." sabi ng babae kay Danielle.


"Rissey my Bes, let me explain first. Si Kisses kasi ay anak ng stepfather kong napangasawa ni Mama two months ago. Kaya two months pa lang kaming magkakilala ni Kisses. She's my stepsister." pagpapaliwanag ni Danielle sa babae.


"Ahh!" sabi ng babae sabay tango.


"By the way Kisses, this is my bestfriend, Rissey." pagpapakilala ni Danielle sa babae.


"Hi Rissey." bati ko kay Rissey. Ang ganda naman niya.


"Hi Kisses, ang ganda mo naman." bati naman sakin ni Rissey.


"Tara, pumunta na tayo sa room natin." sabi sakin ni Danielle. Oo nga pala, mag-classmate pala kami ni Danielle. Hindi ko nga akalain na pareho pala kami ng year level ni Sis. But I'm so glad na magiging classmate ko siya for the whole school year. 


Pumunta na kami ni Danielle kasama si Rissey sa room ng first subject namin. 


Nang makarating kami sa room ay natahimik naman ang mga estudyante dito sa room tapos ay nagbulungan sila na rinig na rinig ko naman.


"Wow! Ang ganda naman ng girl na kasama nina Danielle at Rissey." bulong ng isang babae. Ako ba ang tinutukoy ng babae?


"Oo nga. Pang-miss universe ang ganda niya." pagsang-ayon ng isang bading na ka-seatmate ng babaeng nagsalita.


"Woah pre! Ang ganda naman niya." sabi ng isang lalake.


"Oo nga at mukhang bago lang siya rito. I think I'm in love." sabi ng isa pang lalake. Grabe naman ang mga estudyante rito. Maganda raw ako. Pero na-touch ako sa sinabi nila. Na-appreciate nila ang beauty ko.

**********

My Prince Is Masungit (Book 2): Road To Forever With My Prince SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon