DANIELLE'S POV
"Nag-enjoy ka ba sa mall show ko kanina?" tanong sakin ni Jameson. Nandito kami ngayon ni Jameson sa Dyosa's Foodcourt dito sa mall.
"Oo naman." masayang sabi ko kay Jameson sabay inom ng coke.
"Mabuti naman at nagustuhan mo." nakangiting sabi sakin ni Jameson.
Pagkatapos naming kumain ay hinatid na ako ni Jameson sa mansyon.
"Thanks pala kanina hah. Nag-enjoy talaga ako. Sayang, hindi ko naisama si William." sabi ko kay Jameson.
"Next time ay isasama natin siya." nakangiting sabi sakin ni Jameson.
"Sige, papasok na ako. Goodnight sa'yo." sabi ko kay Jameson.
"Goodnight din sa'yo Danielle." sabi ni Jameson sabay wink sakin.
Pagpasok ko sa bahay ay nadatnan ko sina Mama, Dad at...
Ang stepsister ko? Teka, bakit nandito siya?
Nakikita ko sa mukha ng stepsister ko ang kalungkutan.
"Sis? Bakit napaaga yata ang uwi mo rito? Akala ko ba ay sa pasko ka pa uuwi?" nagtatakang tanong ko sa stepsister ko. Tumayo ang stepsister ko at bigla niya akong niyakap.
"Waaaaaa!"
Biglang umiyak ang stepsister ko. Napatingin ako kina Mama at Dad.
"Mama, Dad. Anong nangyari at bakit siya umiiyak?" tanong ko kina Mama at Daddy.
"Kasi anak, tinanggalan siya ng scholarship sa pinapasukan niyang school sa States." sabi sakin ni Mama.
"Hala! Bakit po?" tanong ko kina Mama at Dad.
"Kasi anak. Hindi pa sapat ang mga grades niya sa pinapasukan niyang school kaya natanggalan siya ng scholarship." sabi sakin ni Mama. Ganun ba?
"Waaaaa! Ginawa ko naman ang lahat para makakuha ng high grades *sniff* pero bakit ganun? Bakit nila ako *sniff* tinanggalan ng scholarship." humahagulgol na tanong ng stepsister ko.
Nakilala ko four months ago ang stepsister ko sa States. Akala ko nga maarte siya dahil sa maganda siya at beauty queen. Pero mali pala ako. Super bait niya pala at napaka-down to earth na tao. She is also selfless. Mas inuuna niya ang kapakanan ng ibang tao kaysa sa sarili niya. Hay naku! Kung sino man ang maging future husband ng stepsister ko ay napakaswerte niya.
"Tara, kumain muna tayo. Nakahanda na ang hapunan." sabi samin ni Mama.
**********
BINABASA MO ANG
My Prince Is Masungit (Book 2): Road To Forever With My Prince Sungit
Teen FictionMAIN CHARACTERS: William Crawford (Prince Sungit) Princess Danielle Maddren 📌 SUPPORTING CHARACTERS: Fred Dela Cruz Rissey Navarro Elena Buenavista Jameshin Faulkerson (New) Kisses Alonte (New) Jameson Faulkerson 📌 SPECIAL APPEARAN...