DANIELLE'S POV
- FOUR MONTHS LATER -
Simula nung sinabi ng doctor na na-coma si William four months ago ay parang gumuho ang mundo ko. Hindi nga siya namatay pero parang ganun na rin yun diba? Parang nawala na rin siya sakin.
"William, gumising ka na. Malapit ng magpasko oh. Hindi na naman kita makakasama." sabi ko kay William na wala pa ring malay. Hinawakan ko ang kamay niya.
"Sis, magigising siya. Manalig lang tayo sa Panginoon." sabi sakin ni Kisses.
"Tama si Kisses, Bes. Magigising siya at manalig lang tayo." sabi naman sakin ni Rissey. Sa loob ng apat na buwan ay maraming nagbago.
Una, naging isang sikat na artista si Kisses. Tapos ay naka-loveteam pa niya si Jameson. Pero nandun pa rin ang pagka-inis nila sa isa't-isa.
Pangalawa, nanganak na si Lauren sa England at magbabakasyon sila rito ni Zeke sa Pilipinas for the whole vacation.
Pangatlo, nabuntis ni Fred si Rissey. Hindi ko alam kung bakit yun nangyari. Basta ang alam ko lang ay gumawa sila ng milagro sa isang pampublikong CR.
Pang-apat, may Christmas Concert sina Kisses at Jameson sa December 24 na magaganap sa Dyosa's Arena.
Panglima, may 13th month pay kami mula kay Author.
(Hoy! Wala akong sinabing may 13th month pay kayo.)
Sus, kunwari ka pa Author. Alam kong may natitira ka pang pagmamahal para samin.
(Che! Walang 13th month pay.)
Sobrang kuripot mo talaga Author.
Habang hawak ko ang isang kamay ni William ay naramdaman kong biglang gumalaw ang isang daliri niya. Nataranta ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Nang matauhan ako ay lumabas agad ako ng kwarto para tawagin yung Doctor. Pumasok agad sila para tignan si William.
"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong sakin ng Papa ni William.
"Gumalaw po isang daliri ni William, Tito." sagot ko sa Papa ni William.
Papasok na sana sa loob ng kwarto ang Mama ni William pero pinigilan siya ng nurse.
"Kami na po ang bahala. Maghintay na lang po kayo sa labas." sabi samin ng isang nurse. Umiyak naman ang Mama ni William. Lumapit sa kanya ang Papa ni William at niyakap siya nito. Ako naman ay umupo sa upuan. Magigising na kaya si William?
"Family of the patient." narinig kong sabi ng Doctor. Lumapit agad sina Tito at Tita sa Doctor.
"Doc, kamusta yung anak ko?" tanong ng Mama ni William sa Doctor. Sabihin niyong okay na siya, sabihin niyong gising na siya. Please naman oh.
"We're sorry to tell you pero mas lumala ang lagay ng pasyente." sagot ng Doctor.
"Anong ibig niyong sabihin?" tanong ng Papa ni William sa Doctor.
"His life is on danger now. Once na tinanggal natin ang machine na nakakabit sa kanya, he'll be dead. I want to be straight forward, isang milagro na lang kung magigising pa siya." sagot ng Doctor na ikinaiyak namin. No, mali 'tong naririnig ko. Hindi pwedeng mamatay si William.
Tumayo ako at tumakbo ako papalayo. Tumakbo lang ako ng tumakbo malayo sa lugar na yun. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta pero wala akong pakialam.
Huminto ako sa harap ng isang chapel na malapit sa hospital. Naglakad ako papasok at saka ako lumuhod sa harap ng altar.
"Panginoon, sana pagalingin niyo na po siya. Sana po gumising na siya. Kailangan pa po namin siya. Panginoon, sana bumalik na po siya samin." sabi ko habang nakatitig ako sa altar.
William, bumalik ka na.
**********
BINABASA MO ANG
My Prince Is Masungit (Book 2): Road To Forever With My Prince Sungit
Teen FictionMAIN CHARACTERS: William Crawford (Prince Sungit) Princess Danielle Maddren 📌 SUPPORTING CHARACTERS: Fred Dela Cruz Rissey Navarro Elena Buenavista Jameshin Faulkerson (New) Kisses Alonte (New) Jameson Faulkerson 📌 SPECIAL APPEARAN...