(45) #MPIS2Danger

1K 81 0
                                    

DANIELLE'S POV

Waaaa! Bakit ang dilim? Bakit hindi ako makakita? Bulag na ba ako? At ano 'tong nasa bibig ko? Hindi tuloy ako makapagsalita. At bakit hindi ko maigalaw nang maayos ang mga kamay at paa ko? Parang nakatali ako. Teka, ano bang nangyari kanina?


*isip


*isip


*isip


*ting!* 💡


O_______O


Naalala ko na!


Nasa taxi kami noon ni Kisses. May inilabas na spray ang Taxi Driver tapos ini-sprayhan niya ang loob ng taxi at nawalan kami ng malay. Pero ang pinagtataka ko lang ay dapat nasa gilid na kami ng kalsada at ninakaw na niya ang mga gamit namin ni Kisses. Yun kasi ang napapanood ko sa mga news.


Pero parang hindi eh, wala akong makita at hindi ako makagalaw nang maayos. Hindi ko alam kung nasaan ako at parang hindi ko kasama si Kisses. Waaaaa! Help me!


KISSES' POV

Teka, bakit ang dilim? Bakit hindi ako makapagsalita at makakilos nang maayos?


"Gising na pala kayo." narinig kong sabi ng isang babae. Hindi ko alam kung sino siya.


"Hhhmmmm!" 


Gusto ko sanang magsalita pero hindi ko ito magawa dahil nakatakip ang bibig ko.


THIRD PERSON'S POV

Nagkamalay na sina Jameshin, Jameson, Fred, William, Kisses, Rissey at Danielle.


"Kayo." sabi ni Elena sabay turo sa mga tauhan niya. 


"Tanggalin niyo ang mga panyo na nakatakip sa bibig nila." utos ni Elena sa mga tauhan niya sabay lipat ang turo niya sa direksyon nina Danielle.


Lumapit naman ang mga tauhan ni Elena sa direksyon nina Danielle at tinanggal nila ang panyo na nasa bibig ng mga bihag.


Nang matanggal na nila ito ay sumigaw si Fred.


"D@mn! What the hell is happening?" sigaw ni Fred. Lumapit naman si Elena kay Fred at bumulong sa tenga ng lalake.


"Hi Baby. Did you miss me?" malanding bulong ni Elena kay Fred.


"Who the heck are you?" sigaw ni Fred na ikinagulat ni Elena. Walang kaalam-alam si Fred na si Elena ang bumulong sa kanya.


My Prince Is Masungit (Book 2): Road To Forever With My Prince SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon