DANIELLE'S POV
- NEW YEAR'S DAY -
Kakalabas lang ngayon ni William sa hospital. Pumunta kaming lahat sa Dyosa's Restaurant para kumain.
"Guys, bukas na pala ang flight namin pabalik sa England. Mami-miss ko kayong lahat." sabi samin ni Lauren.
"Bes, Zeke, huwag na lang kayong umalis. Dito na lang kayo tumira sa Pilipinas." sabi ko kina Lauren at Zeke.
"Bes, kahit gusto naming tumira rito sa Pilipinas, pero hindi pwede eh. May negosyo kaming inaasikaso dun sa England. Hindi namin yun pwedeng pabayaan." sabi sakin ni Lauren.
"Oo na. Mami-miss ko rin kayo." sabi ko kina Lauren at Zeke.
"My future husband. Subuan mo naman ako." sabi ni Rissey kay Fred with matching pa-cute pa.
"Okay my future wife." tugon naman ni Fred kay Rissey. Sinubuan ni Fred ng pagkain si Rissey.
"Danielle." tawag sa'kin ni William.
"Ano yun hub—este William?" tugon ko kay William. Hindi ko mapigilan ang sarili kong tawagin siyang hub.
"May tawagan ba tayo?" tanong sakin ni William.
"Ha?" ang nasabi ko. Hindi ko kasi naintindihan ang tanong niya.
"Ang ibig kong sabihin ay may endearment ba tayo sa isa't-isa?" paglilinaw sa'kin ni William. Teka, tinatanong niya yung endearment namin? Waaaa! Ang saya ko.
Nakangiting tumango ako sa kanya.
"Ano ba ang tawagan natin?" tanong sa'kin ni William.
"Ikaw, ang tawag mo sa'kin ay wife. Ako naman, ang tawag ko sa'yo ay hub." sagot ko kay William.
"Ang corny naman." tugon sa'kin ni William. Nalungkot ako bigla sa sinabi niya.
"But I like it." dagdag niya bigla. Napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakangiti. Waaaaa! Nginitian niya ako. Nakakakilig!
"Wife, you're blushing." sabi sa'kin ni William. Oh my gosh! Baka mahalata niyang kiniki...
O_______O
Teka, tama ba ang narinig ko? Tinawag niya akong wife? Teka, may naaalala na ba siya?
"William, may naaalala ka na ba?" tanong ko kay William.
"Ahm! Wala pa." sagot sa'kin ni William.
"Bakit?" - William
"Tinawag mo kasi akong wife eh."
Alam kong alam na niya yung endearment namin. Pero hindi ko akalaing tatawagin niya akong wife lalo na't mahal pa niya si Steph.
"Ah yun ba? Tinawag kitang wife dahil nagustuhan ko yung endearment natin sa isa't-isa kahit corny. Tawagin mo rin akong hub ha?" nakangiting sabi sakin ni William. Waaaa! I'm sure lahat ng dugo ko ay nasa mukha ko na dahil sa kilig. Gusto niyang tawagin ko siyang hub? Waaaa!
"S-sige h-hub.." nauutal na tugon ko with smile. Wait! Parang may mga matang nakatingin samin.
Napatingin ako kina Lauren, Zeke, Mama, Tita, Kisses, Dave, Tim, Mitchell, Fred, Jameson at Rissey. Walang pang isang sigundo ay tinuon agad nila ang atensyon nila sa pagkain.
- NEXT DAY (NAIA TERMINAL) -
This is it. Aalis na sina Lauren at Zeke papuntang England. This is going to be a sad day.
"Mami-miss ko kayong lahat." sabi samin ni Lauren.
"Mami-miss rin namin kayo." sabi ko kina Lauren at Zeke.
"Oo nga pala, kayo naman ang bumisita samin sa England in Summer." sabi samin ni Lauren.
"Magandang ideya yan. Kami naman ang magbabakasyon sa inyo." pagsang-ayon ni Fred sa sinabi ni Lauren.
"O sige. We need to go na. Next flight na namin ni Love." - Lauren
"Bye Lauren and Ezekiel/Zeke." pagpapaalam namin kina Lauren at Zeke sabay wave.
"Bye din guys and see you soon." tugon nina Lauren at Zeke samin.
**********
BINABASA MO ANG
My Prince Is Masungit (Book 2): Road To Forever With My Prince Sungit
Teen FictionMAIN CHARACTERS: William Crawford (Prince Sungit) Princess Danielle Maddren 📌 SUPPORTING CHARACTERS: Fred Dela Cruz Rissey Navarro Elena Buenavista Jameshin Faulkerson (New) Kisses Alonte (New) Jameson Faulkerson 📌 SPECIAL APPEARAN...