KISSES' POV
"Grube, hang sharap namon ng pagkaen." sabi ko habang ngumunguya ng pagkain.
"Tsk! Walang manners." narinig kong bulong ni Jameson. Napakasungit naman nito. Nababawasan tuloy ang kagwapuhan niya dahil sa kasungitan niya.
"Dahan-dahan lang sa pagkain, Sis. Baka mabulunan ka." sabi sakin ni Danielle. Tumango naman ako sa kanya at sinunod ko siya.
"Oh my gosh Kisses! Look." gulat na sabi ni Dave sabay abot sakin ang tablet niya. Tinignan ko naman ang screen ng tablet niya and I was shocked sa nakita ko. Wait, is that me?
"Oh my gosh Kisses! Ang dami mo ng views sa Youtube. Ang galing mo naman kumanta." natutuwang sabi sakin ni Dave.
"Wait, patingin nga." sabi ni Danielle sabay tingin sa screen ng tablet ni Dave and she was also shocked. Kasi naman ay nasa video ako na inupload sa Youtube. At kumakanta ako n'on ng Torete. At may 413,764 views na. Pataas ng pataas ang views at likes ng video ko na kumakanta.
"Wow as in wow! Ang dami mong views sa Youtube, Sis. Ikaw na talaga ang talented." sabi sakin ni Danielle.
"Ano ba kayo. Maliit na bagay lang yan. Hindi naman ako singer eh at lalong hindi naman ako sikat. Kumain na nga lang tayo." sabi ko sa kanila.
"Anong maliit na bagay ka diyan. 413,764 views yan. Correction, 500,980 views na ang video mo sa Youtube. So it means ay malaking bagay yan at sikat na sikat ka na sa buong Pilipinas. Hindi lang Pilipinas kundi sa buong mundo na rin. Magiging singer ka na." sabi sakin ni Dave. Napa-isip naman ako sa sinabi ni Dave. Talaga? Magiging singer ako? For real? Na-imagine ko agad sa isip ko na may concert ako sa Philippine Arena.
"Tama si Dave, Sis. Magiging sikat na singer ka. At hindi lang sikat na singer kundi magiging sikat ka ring artista tulad ni Jameson." sabi sakin ni Danielle. Wait a minute! Si Jameson? Sikat na artista siya?
Napatingin ako kay Jameson at masama ang tingin niya sakin. Teka, ano ba ang problema nito? Galit ba 'to sakin o sadyang ganyan lang siya?
"Oo nga Kisses, tama si Bes. Magiging sikat na artista ka. At malay mo, maka-love team mo si Jameson sa showbiz." sabi ni Rissey na may halong kilig. Eeeeww! Ayoko ngang maka-love team yang masungit na yan. Magsosolo artist na lang ako.
"Tama na nga yan at kumain na lang tayo." sabi ko sa kanila.
Pagkatapos naming mag-lunch ay lumabas na kami sa leisure room para pumunta sa first subject namin for this afternoon.
"OMG! Ayun si Kisses!" sigaw ng isang babae. Napatingin naman sa aming gawi ang mga schoolmates namin.
"KYYYYAAAAAAAA!" tilian ng mga schoolmates namin at nagsilapitan sila sa amin o sa akin.
"OMG! You're so pretty Kisses." sabi sakin ng isang babae.
"Oo nga at ang gwapo rin ni Jameson. Bagay kayong dalawa. Jamesses forever." sabi naman sakin ng isa pang babae. Grabe, hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Totoo ba 'tong nakikita ko? Sikat na ba talaga ako?
"Salamat po sa inyong lahat." sabi ko sa kanila sabay wave.
"WE LOVE YOU KISSES." sigaw ng mga schoolmates ko. Nag-flying kiss naman ako sa kanila.
**********
BINABASA MO ANG
My Prince Is Masungit (Book 2): Road To Forever With My Prince Sungit
Teen FictionMAIN CHARACTERS: William Crawford (Prince Sungit) Princess Danielle Maddren 📌 SUPPORTING CHARACTERS: Fred Dela Cruz Rissey Navarro Elena Buenavista Jameshin Faulkerson (New) Kisses Alonte (New) Jameson Faulkerson 📌 SPECIAL APPEARAN...