Abala ako sa pagtitipa sa aking laptop nang biglang tumunog ang cellphone ko. Hinagilap ko ito mula sa mesa at sinagot.
"Yes?" pambungad kong sagot habang nakatitig pa rin sa screen ng laptop.
"Is this Ms. Grey?" tanong ng boses sa kabilang linya, halatang nagmamadali.
"Speaking," sagot ko, bahagyang nagtaka kung anong importante ang kailangan niya.
"Something happened in your house, Ms. Grey," sabi niya, may kaba sa tono. "Your dad is asking if you're fine. He said to be careful... they might be after you."
Tumigil ang mundo ko saglit. What does he mean by "they"? Sino ang tinutukoy niya? At bakit ako kailangan mag-ingat? Pero kahit na maraming tanong ang bumubulong sa isip ko, sinikap kong panatilihin ang kalmado sa boses ko.
"Tell him I'm fine. I will," maikli kong sagot. Wala akong balak ipakita na nag-aalala ako.
"Okay, bye." At binaba na niya ang tawag.
Ibinalik ko ang cellphone sa mesa at bumuntong-hininga. Sinubukan kong bumalik sa ginagawa ko, inayos ang mga natitirang paperwork para sa school at ilang gawain sa bahay para kapag nagsimula na ang pasukan, wala na akong masyadong iniintindi. Pero habang nagta-type, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi ng nasa telepono.
Kilala ko si Dad, hindi siya magpapadala ng babala kung hindi ito seryoso. Kritikal din kasi ang trabaho namin. Hindi ito basta-basta. At para linawin, hindi kami mga kriminal o kung anong uri ng vigilante. We're on the side of justice, pero ang mundo ng hustisya ay hindi laging malinaw at ligtas. May mga taong nais isabotahe ito, at iyon ang dahilan kung bakit nagbabala si Dad.
Naalala ko bigla noong high school pa ako, working student ako noon. Hindi dahil kinakapos kami sa panggastos, kundi dahil gusto kong maranasan at matutunan ang ginagawa ni Dad. Kasama siya sa trabaho at tinutulungan niya ako, kaya kahit may mga panganib, alam kong nasa ligtas akong mga kamay. Pero ngayon, iba na. Nag-iisa na ako sa bagong lugar na ito.
Natigil ang mga daliri ko sa keyboard nang may marinig akong kumatok sa pinto.
"Po?" tanong ko habang tumatayo at tinungo ang pinto.
"Dala ko ang pagkain, iha. Tara na," bati ni Tita Myrna nang makita niya akong sumilip. Ngumiti ako, finally, makakakain na rin. Kumukulo na ang sikmura ko kanina pa. Inayos ko muna ang mga gamit sa lamesa bago lumabas ng kwarto.
"Oh, kain na, iha!" masayang sabi ni Tita habang naghahanda sa hapag.
"Opo. Salamat po sa pagkain," sagot ko at tinulungan siyang ihanda ang mga kubyertos.
Habang nagsasalo kami ni Tita sa pagkain, napatingin ako sa lalaking nakaupo sa harap ko, tahimik na kumakain at tila walang balak makipag-usap.
"Nga pala," putol ni Tita sa katahimikan. "Siya 'yung sinasabi ko kanina na magiging roommate mo dito. Iho, magpakilala ka naman sa kanya."
Tumingin ang lalaki at bahagyang tumango. "Ace Christian Walter," pagpapakilala niya, kaswal lang na tinapunan ako ng tingin.
Tinitigan ko siya nang bahagya, pinag-aralan ang kaniyang hitsura—matangos ang ilong, may mapulang labi, at itim na buhok na medyo magulo ang ayos. Pero ang nakakuha ng pansin ko ay ang kakaibang kulay ng kaniyang mga mata—may pulang anino sa kanila.
"Naka-contact lens ka ba?" tanong ko sa isip ko habang lihim na sumusulyap sa kanya. Nasa harap ko lang siya, samantalang kami ni Tita ay abala sa pagkukwentuhan. Napaisip ako, hindi ba siya natutuyuan ng laway sa sobrang tahimik niya? Napapatawa ako ng lihim sa sarili ko. "Stop, Ashley, ang sama mo," sabi ko sa isip ko.
Unang natapos kumain si Ace, na sinundan naman ni Tita. Sila'y nagpunta sa lababo para hugasan ang kanilang pinagkainan.
"Mauna na ako, iha. May bisita kasi akong inaasahan mamaya," paalam ni Tita habang nagmamadaling lumabas.
Nang ako na lang ang natira, hinugasan ko rin ang aking pinggan at inayos ang mesa. Nahihiya naman ako kung aantayin ko pang iba ang maglinis. Pagkatapos, bumalik na ako sa kwarto ko para tapusin ang mga gawain nang biglang magsalita si—ano nga ulit pangalan niya? Ace.
"Kanina pa kita napapansing sumusulyap-sulyap sa'kin at ngumingiti pa," sabi niya, nakaupo sa couch at nakatingin sa akin nang deretso. "May sasabihin ka ba? I'll give you a chance to ask."
Napalingon ako sa kanya. "Ahm, wala naman," nahihiyang sagot ko, ayokong magmukhang masyadong intrimidida. Magkasama kami sa bahay, so better na iwasan ang gulo.
"You do," sabi niya, para bang utos. "Sit and talk." Aba, kailangan pa talagang sundin ko siya?
Napabuntong-hininga ako at sumunod na rin. Umupo ako sa couch na malapit sa kanya, medyo nag-aalangan.
"Ask," aniya, parang inuutos na talaga.
"Your eyes... they're red."
"It is," walang ka-emosyong sagot niya.
"I mean, naka-contact lens ka ba? Kasi parang totoo," manghang sabi ko, habang sinusuri ang kaniyang mga mata.
"No," simpleng tugon niya, dahilan para mapatahimik ako. Totoo ba iyon? May lahi ba siyang kakaiba o something? At bakit parang kakaiba rin ang tono ng kanyang pananalita?
Hindi ko mapigilan ang sarili kong itanong, "Bakla ka ba?"
Nalaglag ang mga kilay ni Ace. "Excuse me?" tanong niya, mukhang nabigla.
"Ah, wala, joke lang. Bakit ba kasi seryoso ka masyado?" pabirong sagot ko, sinusubukang bawiin ang awkwardness.
"Miss, for your information, I'm 101% straight," diretsong sagot niya, tila naiinis.
Natawa ako ng bahagya at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Naka-dek'watro ito at nakasandal sa couch na dumagdag sa hinala ko. "Pero parang hindi," biro ko. "I mean, wala lang, hindi ka ba interesado sa mga babae? Kasi kung tutuusin, mas mabuti nang sigurado."
Napataas siya ng kilay. "Ibang klase ka rin, interesado ako dahil lalaki ako. Well, you look quite well off. Maganda ka rin at sa way ng pagsasalita mo ay masasabi kong matalino ka," sagot niya, tila natatawa. "but of course, I'm interested, just not in you. Over my dead, muscular body."
Napakunot ako ng noo at muli siyang tiningnan mula ulo hanggang paa. Ayos na sana ang sinabi niyang maganda at matalino ako, pero parang may pagka-sarcastic ang dating.
Tumayo ako at naglakad papunta sa kwarto ko. "Excuse me, Mr. Walter, pero hindi rin kita type," sabi ko nang patalikod.
Pagkapasok ko sa kwarto, padabog kong isinara ang pinto. Aba, kung akala niya ay kaya niya akong paikutin, nagkakamali siya.
"My roommate is unpredictable. What's on you, Ace Christian Walter?"
~
BINABASA MO ANG
Kaisei High: Not So Ordinary School [EDITING]
FantasiAshley Grey, a student and also a ruler, has to sacrifice her happiness and be pretentious to protect the people surrounding her. Will she be able to fulfill her existence's purpose? ~~~//~~~ [HIGHEST RANK] #01 out of 410 stories - Agents (10-21-202...