"Anong ginagawa mo, Dad?" tanong ko nang makita kong inaayos na niya ang mga gamit ko at inilalagay ang mga ito sa maleta habang ako'y kakagising lang.
"Nakalimutan mo na? Ngayon ka pupunta sa tita Myrna mo," sagot niya habang ipinupukol ang isang libro sa sahig. Oo nga pala, I almost forgot. Today is the day na lilipat na ako ng school at magbabago na naman ang takbo ng buhay ko.
Bumangon na ako mula sa kama at sumama kay Dad para tulungan siyang mag-empake.
"Bibisitahin mo naman ako, hindi ba, Dad?" tanong ko habang nakanguso, ramdam ko na agad ang lungkot dahil ngayon lang ako mapapalayo sa kaniya nang ganito katagal.
"Yes, lady. Dadalawin kita paminsan-minsan, kapag hindi ako busy. Pero maraming trabahong maiiwan dito kaya don't expect na makakapunta ako araw-araw," natatawa niyang sagot habang tumatayo mula sa pagkaka-upo. "Ikaw na ang bahala diyan, magluluto lang ako ng almusal."
Umalis na si Dad patungo sa kusina, kaya ipinagpatuloy ko ang pag-aayos ng mga gamit. First year college na ako, and gusto ni Dad na mag-transfer ako sa isang school malapit kina Tita Myrna, kapatid niya. Sabi niya, mas malapit ang eskwelahan doon at maiiwan ko na ang ilang responsibilidad ko rito sa bahay.
Nang matapos kong ayusin ang mga dadalhin, pumasok ako sa banyo para maligo. Medyo kinakabahan ako dahil sa mga pagbabago, pero excited din ako kahit papaano. Pagkatapos maligo, nagbihis ako ng simpleng damit at bumaba na para sumabay sa almusal.
"Sakto, kakain na," sabi ni Dad habang naghahain ng pagkain sa lamesa. Umupo ako at nagsimula kaming kumain. Hindi man ganoon karami ang handa, ramdam ko pa rin ang effort ni Dad sa pagluluto.
Matapos ang almusal, tinulungan ako ni Dad na dalhin ang mga bagahe pababa dahil sabi niya, naroon na raw ang sundo ko.
"Mag-iingat ka, anak," sabi niya habang niyayakap ako. Binigyan ko siya ng halik sa pisngi at ngumiti.
"Oo naman, Dad. Huwag kang mag-alala."
"Malayo po ba ang pupuntahan natin?" tanong ko kay manong driver habang sinisimulan niyang paandarin ang sasakyan.
"Medyo malayo-layo rin, iha. Mga tatlong oras ang biyahe natin, kaya mas mabuting magpahinga ka na lang muna kung gusto mo," sagot niya na may kasamang ngiti. Sumandal ako sa upuan at pinikit ang mga mata, sinusubukang makatulog gaya ng sinabi niya.
Nagising ako nang bigla kong maramdaman na huminto ang sasakyan. Napadilat ako at nakita si manong na bumaba na ng kotse.
"Iha, nandito na tayo," sabi niya habang binubuksan ang pinto para sa akin.
Nag-inat ako ng kaunti, inayos ang sarili, at bumaba na mula sa kotse. Tinulungan ako ni manong na dalhin ang mga bagahe papunta sa harapan ng isang kulay abong bahay na may dalawang palapag.
"Salamat po!" sabi ko kay manong at ngumiti siya bago tuluyang umalis.
"Nandito ka na pala, iha. Kanina pa kita hinihintay," masayang bati ni Tita Myrna habang nilalapitan ako para makipag-beso-beso. "Kamusta ka? Aba, ang laki mo na!"
"Ayos lang naman po, Tita Myrns. Medyo kinakabahan lang."
"Naku, natural lang 'yan. Nga pala, tungkol sa kwarto mo, may makakasama kang lalaki. Wala nang bakanteng kwarto eh, hindi kasi nagsabi si Samuel nang maaga," paliwanag ni Tita habang umaakyat kami sa hagdan.
"He won't bite naman po, 'di ba?" biro ko habang tumatawa.
"Ay, hindi naman. Mabait 'yung batang 'yon. Matagal na siyang nakatira dito at bihira lang makipag-socialize. Huwag kang mag-alala," sagot ni Tita habang ibinababa ang ilan sa mga gamit ko dahil nandito na pala kami sa tapat ng kwarto.
Kumatok si Tita ng tatlong beses bago nagsalita.
"Mukhang tulog pa si Ace," sabi niya habang kinukuha ang susi mula sa kaniyang bulsa. Ace siguro ang pangalan ng roommate ko.
Nang buksan niya ang pinto, bumungad sa amin ang isang malinis na sala na may puting pader na may mga litrato sa isang sulok. Sa kaliwa, may maliit na kusina at banyo, at sa kanan naman ay may sala. Sa gitna ng kwarto, may dalawang pinto na mukhang patungo sa mga kwarto namin ni Ace.
"Sa kaliwa ang kwarto mo, iha. Magpahinga ka na muna, dadalhan kita ng meryenda mamaya, at ipapakilala kita kay Ace kapag nagising na siya," mahina niyang sabi, at tumango ako bilang sagot.
Nang makaalis si Tita, inilibot ko ang aking tingin sa paligid. Hindi ko inaasahang ganito kaayos ang lugar, lalo na't lalaki ang kasama ko sa bahay. Alam mo na, common perception na kapag lalaki, medyo messy at hindi ganoon ka-conscious sa kalinisan ng bahay. Pero okay naman pala si Ace pagdating sa ganoong bagay.
Dinala ko ang mga bagahe papunta sa kwarto at binuksan ang pinto gamit ang susi.
Pagpasok ko, bumungad sa akin ang isang maliit na kwarto na may kama para sa isang tao, isang study table, at isang cabinet na medyo bago pa ang hitsura. Wala nang iba pang kagamitan doon kaya mabuti na lang at nagdala ako ng kortina, kumot, at unan.
Sinimulan ko nang ayusin ang aking mga gamit. Una, nagwalis ako at nagtanggal ng agiw sa bawat sulok dahil mukhang hindi ito nagamit ng matagal. Nilagyan ko ng comforter ang kama, at inayos ang mga damit sa loob ng cabinet. Inilagay ko rin ang mga libro sa study table.
And there, tapos na ako! Hindi naman ako mahilig sa mga dekorasyon kaya mabilis akong natapos.
Habang nagpapahinga, biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Si Dad, nagtetext para itanong kung kumusta na ako. I replied with a simple "Yes, okay lang po."
Tumayo ako para kumuha ng tuwalya, naisipan kong mag-shower ulit dahil pakiramdam ko'y malagkit pa rin ako kahit na nakaligo na kanina.
Lumabas ako ng kwarto at tumungo sa banyo na malapit sa kusina. Hindi naman ganoon kalaki ang loob, pero sapat na para matawag na maayos na banyo. Isinabit ko ang tuwalya at nagsimula nang mag-shower.
Pagkatapos ay nagbihis ulit ako at bumalik sa kwarto. Tahimik pa rin ang buong lugar, mukhang mahimbing ang tulog ni Ace. I found myself curious about what he looks like, pero hindi ko na rin iyon inintindi.
Pumasok na ako sa kwarto at inilagay sa labahan ang maruruming damit. Humiga ako sa kama, pinakiramdaman ang sarili, grabe, nakakapagod pala ang biyahe kahit wala ka namang ginawa kundi matulog. Ramdam ko ang bigat ng aking mga mata, kaya't unti-unti kong hinayaan ang sarili kong makatulog.
~
BINABASA MO ANG
Kaisei High: Not So Ordinary School [EDITING]
FantasyAshley Grey, a student and also a ruler, has to sacrifice her happiness and be pretentious to protect the people surrounding her. Will she be able to fulfill her existence's purpose? ~~~//~~~ [HIGHEST RANK] #01 out of 410 stories - Agents (10-21-202...