: Door

279 6 0
                                    

Ashley

"Thanks." Natatawang sagot ng prinsipe

"You two, go back to your classes." Turo sa'ming dalawa ni Claire ni HM

Nagpa-alam na kame at lumabas ng ppinto. Habang naglalakad ay ini-isip ko ang sinabi ni Prince Gabriel na plano. Like, how will we do that? Napa-isip nga ako kung plano ba talaga 'yon e. But we need a plan pero walang sinabi si Gabriel. I mean hindi n'ya manlang in-explain. Hindi naman kame p'wedeng kumilos nang agaran dahil hindi namin alam kung ilan sila at kung ano-ano ang kaya nilang gawin.

"Back to earth Ashley." Napatingin ako kay Claire dahil sa sinabi n'ya.

"Huh?"

"Na'ndito na tayo at parang wala kang balak tumigil sa paglalakad." Sagot nito kaya napa-kamot ako sa batok at nahihiyang tumawa.

"But Calire we're not in the same section."

"Hindi ka talaga nakikinig. Sabi ni headmistress kanina na pinagsama-sama n'ya ang level H&R sa iisang class which is training again and level I&E for spell mastering. And after that exchange naman." Paliwanag nito at naunang pumasok sa room kaya naman sumunod na ako.

Pagpasok namin ay napansin ko ngang maraming estudyante ang nasa loob. Well not that much kase elementals lang naman ang nadagdag kase sila lang naman ang nasa section H.

"Tinuloy mo pala talaga ang plano. Nice." Sarcastic na sabi ni Ace pagkalapit ko.

Tinignan ko ito ng seryoso, "Yep, so make sure that your plans work too." Sabi ko at nginitian s'ya bago umupo sa tabi ni ate Yeri

"Hindi anlang nagsabi na gagawin agaran." Sabat ni Steven

"I told you it's not your business." I answered without looking at him

"It's not your business too. You're not even part of the elementals or what!" Steven bellowed

"Steven enough!" saway ni ate Yeri na napa-tayo na dahil nasa amin na ang atensyon ng mga estudyante dito sa loob.

"No no no ate Yeri. Don't stop me when I'm just stating the fact! Dahil lang naman isang great illusuionist at teacher ang father n'ya kaya kung maka-asta s'ya ay gan'yan. No, erase. STEPFATHER pala I forgot." Parang baliw na sabi ni Steven while pointing his finger at me at in-emphasize pa talaga ang word na 'stepfather'.

"Sumo-sobra ka na Steven!" saway rin ni Kyla

"Huwag ka maki-sali dito Kyla." Inis na sabi ni Steven at tinulak si Kyla kaya nawalan ito ng balance at natumba

"Steven." Saway naman sakan'ya ni Ace kaya nag-walk out si Steven

"Are you okay?" tanong ni Nathan kay Kyla

"Do I look like I'm fine?! Why is he making it a big deal by the way?!" inis na tanong ni Kyla at tumayo na inalalayan naman ni Nathan

"Susundan ko s'ya." Volunteer ni Carl pero pinigilan ito ni Ace at sinabi na kailangan muna nito mapag-isa

"What happened? Why is Mr. Light outside? Come inside the class will start." pagbabasag sa katahimikan nang kararating lang na professor dahil wala manlang ni-isa ang nagsalita matapos ng nangyari

Pumasok si Steven at umupo sa tabi ni Carl ng tahimik. Maybe naka-recover na s'ya ng konti.

"Today ang training na gagawin ay hindi physically kundi mentally. What do I mean? I mean, you have or we have to train our mind to be more focused and to learn how to differentiate reality from illusion." pag-uumpisa ni ma'am dahil walang sumagot sa tanong n'ya kanina

"Stand up!" utos n'ya kaya naman sinunod namin ito.

Pumalakpak si ma'am ng dalawang beses at biglang nawala ang mga silya na kaninang inuupuan namin. Umupo si ma'am sa sahig at nag-indian sit. Sinenyasan n'ya kameng umupo kaya naman ginaya namin ang ginawa n'ya.

"Concentrate and set your mind free from distraction." utos nito at pumikit

Sinunod ko ang sinabi n'ya at ipinikit ang aking mata. Ini-relax ko ang aking sarili at pinasawalang-bahala ang paligid.

"Find the golden door in your mind and enter. 5 minutes. Good luck!"

As what our professor instructed us, I find the golden door inside my mind. Honestly it's hard because all I can see is black. Para akong bulag na nangangapa sa dilim.

Not until may nasilayan akong liwanag. Sinundan ko ito dahil baka iyon na ang tinutukoy ni ma'am.

Ganon nalang pagka-gulat ko dahil sa nakita. Imbis na gintong pinto ay itim ang bumungad sa'kin. Pero hindi ako nagkakamaling dito nanggaling ang liwanag kanina.

Tulad nang sabi ni ma'am kanina na we're here to train our mind to be more focused and to learn how to differentiate reality from illusion kaya hindi ko ito pinansin at naglakad-lakad pa para hanapin ang gintong pinto na sinasabi ni ma'am. Lakad lang ako nang lakad dahil wala naman akong makita.

Pero ilang minute na akong naglalakad ay puro itim na pinto lang ang nakikita ko. Parang umiikot lang ako sa lagay na ito.

Humarap ako sa pinto at pinag-isipang mabuti kung papasok ba ako o hindi. Pero dahil nga hindi ganon kaayos ang pagi-isip ko ay binuksan ko ito at pumasok.

Bumugad sa akin ang isang lugar na puno ng tao. Tumalikod ako para sana lumabas ng pinto pero wala na ito sa likuran ko. Nilibot ko ang aking paningin. Para akong nasa palengke dahil maraming sari-saring tindahan ang nagkalat. Halos marami ding tao na namimili o sa tingin ko ay nagga-gala. Lumapit ako sa isang ale na malapit sa'kin.

"Ate may itatanong lang po sana ako."

"Sige, ano 'yon?" naka-ngiting sagot nito. Mabuti nalang mabait si ate.

"Ano pong lugar ito? Bago lang po kase ako dito at naliligaw ako." totoo naman na bago lang ako at naliligaw kaya iyon ang ginawa kong rason

"Ah ganon ba. Nasa Kum Market ka iha." sagot nito at ibinaba ang mga dala na tinulungan ko naman

"Kum Market po?" tanong ko dahil ngayon ko lang narinig ang pangalan na ito

"Oo. Na'ndito ka sa sentro ng Kum. Teka iha, saan ka ba galing at parang hindi mo alam ang lugar na ito?" natatawang tanong ni ate

"Sa Balkeun Basement po. Naga-aral po ako sa Kaisei High." sagot ko at kumamot sa batok

"Sa mortal world ba iyan iha? Wala kaseng gan'yang lugar dito kaya siguro doon nga." sagot nito na ikina-kunot ng noo ko

"Sige at ipapaliwanag ko muna hanggat wala pa ang anak ko. Gaya nga ng sabi ko kanina ay na'ndito ka sa immortal world o mas kilala bilang KUM. Dito naninirahan ang mga immortal na tao na sa tingin ko naman ay alam mo?" tumango ako sa kan'yang tanong kaya nag-patuloy s'ya, "At ang lugar na ito ang pinaka-sentro ng Kum kung saan namimili at gumagala ang mga tao."

"Isang lugar lang po ito? Curious lang po ako kase alam n'yo na po, sa mortal world may mga baranggay." tanong ko dahil ang layo ng sinasabi n'ya sa alam ko

"Nako wala iha. Hindi hahatiin ang lugar na ito dahil masaya at payapa lahat ng naninirahann dito kahit iba-iba kame ng uri at estado sa buhay." masayang sabi nito kaya napa-isip ako kung ano ba talaga ang nangyayari

Natigil ang pagu-usap namin nang may lumapit sa aming isang babaeng may dalang mga gulay na sa tingin ko ay kasing edaran ko lang.

"O s'ya iha mauna na ako ha? Na'ndito na ang anak ko. Ingat ka!" paalam ni ate kaya nagpasalamat ako sakan'ya

So now what?

~
Votes and Comments are highly appreciated!
Enjoy reading!
Lovelots! ❤️

Kaisei High: Not So Ordinary School [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon