KH 9

1.6K 65 6
                                    

Today is Sunday, at may pupuntahan daw kami ngayon. I guess it's a field trip or something. In-announce kasi ng isang professor nung Friday na magkikita-kita raw kami sa entrance ng school. Walang masyadong detalye na sinabi kaya puro hula lang ang alam ng mga estudyante.

Kasalukuyan kong inaayos ang mga gamit na dadalhin ko dahil isang linggo raw ang itatagal ng trip na iyon. One week? Ano naman kayang gagawin namin nang ganito katagal? Nagdala na lang ako ng mga extra na damit, toiletries, at syempre snacks. Nakaligo na rin ako at isinuot ang P.E. uniform ng eskwelahan—ito kasi ang sinabing dress code ng principal.

"Ashley, are you done? Let's eat," dinig kong sabi ni Ace sa labas, ang boses niya ay nagmumula sa kusina.

"Coming!" sagot ko habang inaayos pa ang strap ng bag ko.

Simula nang tumira ako rito, si Ace na talaga ang nagiging chef. Minsan, dinadalhan kami ni Tita ng pagkain, pero kadalasan, si Ace ang nagluluto. Hindi naman ako nagrereklamo kasi masarap siya magluto, at parang sanay na rin ako sa lasa ng mga niluluto niya.

Paglabas ko, naabutan ko si Ace na naglalagay ng pagkain sa mesa. Katulad ko, naka-P.E. uniform din siya, na bumagay naman sa kanya. Ang akala ko noong una ay magiging hindi komportable ang ganitong setup, pero mas okay pala dahil maluwag at presko sa pakiramdam.

"Saan ba ang punta natin?" tanong ko habang nagsimula na akong kumain.

"Sa Manila raw," sagot ni Ace, ngumunguya pa ng pandesal.

"Saan doon?" usisa ko pa, medyo curious na rin.

"I don't know. Basta ang alam ko, may building na nirentahan para doon tayo mag-stay."

Natapos kaming kumain at ako na ang naghugas ng mga pinggan. Nilinis ko na rin ang lamesa dahil nakakahiya naman kay Ace kung siya pa ang gagawa. Siya na nga ang nagluto, siya pa ba ang maglilinis? Kahit papaano, may konsensya rin naman ako.

Lately, napapansin ko na nagiging mas komportable na ako sa presensya ni Ace. Hindi na ganoon ka-ilang ang mga tahimik na sandali, at kahit na madalas kaming mag-asaran o magtalo, sa tingin ko ay mas naging close kami dahil doon. Sa bawat pagbibiro at asaran, parang unti-unting nawawala ang mga pader na humahadlang sa aming dalawa.

"Let's go," aya ni Ace, kaya sabay na kaming naglakad palabas ng bahay.

Pagkarating namin sa tapat ng gate ng eskwelahan, maraming bus na ang nakaparada roon. Marami na ring mga estudyante at guro ang nagtitipon, ang ingay nila ay parang isang abalang palengke.

"Bus 4 and 5 ang para sa first-year college class B," anunsyo ng adviser namin. Agad kong hinanap ang bus 4 at sumakay na.

"Ashley! Tabi tayo!" sigaw ni Stacie, isa sa mga kaklase ko. Nasa dulo siya ng bus at kumakaway. Naglakad ako papunta sa puwesto niya at umupo.

"Nagsusuka ka ba sa biyahe?" tanong niya agad, na ikina-iling ko naman.

"Mabuti," natatawang sabi niya, halatang nakahinga nang maluwag.

Pagpatak ng alas-nuwebe ng umaga, umandar na ang mga bus. May tatlong professors kaming kasama sa loob, kaya hindi gano'n kaingay. Ang tanging maingay lamang ay ang tour guide na walang tigil sa kakasalita—tanong dito, tanong doon, turo rito, turo roon.

"Ang unang pupuntahan natin ay ang Weira Museum kung saan makikita ang iba't ibang armas, damit, at iba pang mga kagamitan na ginamit sa nakalipas na giyera," sabi ng tour guide. Napapikit ako at napabuntong-hininga. Museum agad? Hindi pa nga nagsisimula ang trip, mukhang boring na.

Bigla akong napakapit nang mahigpit sa upuan nang maramdaman kong parang sumusuray-suray ang takbo ng bus.

"NASIRA ANG BRAKE!" sigaw ng tour guide, na agad na nagdulot ng kaguluhan sa loob. Parang mas lalo pa niyang pinalala ang sitwasyon dahil nagsimula nang mag-panic ang mga estudyante.

"Calm down, students!" sigaw ng isang professor, pero halata rin ang kaba sa kanyang boses. Sino bang hindi matatakot sa ganitong sitwasyon?

Patuloy na umiiwas si manong driver sa mga sasakyan sa unahan para maiwasang mabunggo. Napansin ko rin na may inaayos ang conductor sa may paanan ng driver, na mukhang ang preno nga.

Maya-maya pa, huminto rin ang bus. Senyales na naayos na ang preno at ligtas na kaming muli.

"Buti na lang, ayoko pang mamatay!" sigaw ng isa kong kaklase, halatang nakahinga na rin nang maluwag.

"I apologize for the accident. Babagalan na lang natin ang takbo para maiwasan ang ganoong pangyayari na maulit muli. Salamat," sabi ng tour guide, pilit na ngumiti pero halata pa rin ang tensyon.

"Nakipag-coordinate na kami sa head, at ang plano ay diretso na muna tayo sa building na tutuluyan para makapagpahinga," sabi ng isa sa mga professor. Isinandal ko na lang ang ulo ko sa upuan at nagpilit muling umidlip.

"Hey! Ashley! Yohoo!" maya-maya'y naririnig ko ang boses ni Stacie na tila ba ilang ulit na akong tinatawag.

"Stacie naman! Kakaupo ko lang eh!" inis kong sagot, pero nginitian ko na rin dahil halatang matiyaga siya sa pagtawag sa akin.

"Eh, baka maiwan ka dito sa bus! Nandito na tayo sa building. Kanina ka pa iniintay ng mga ka-club mo," sabi ni Stacie, kaya wala na akong nagawa kundi ayusin ang gamit at bumaba.

Pagkababa ko ng bus, nakita ko nga sina Ace, Mike, at Yelena na naghihintay sa akin.

"Ang tagal mo, Ashley!" sabi ni Mike, halatang nababagot na.

"Pake mo ba?" mataray kong sagot, sabay lapit kay Yelena.

"I heard muntik na raw kayo mabunggo?" tanong ni Yelena habang naglalakad kami palapit sa entrance ng building.

"Yup. Muntik na talaga. Buti na lang mabilis ang reflexes ni manong driver," sagot ko, tinutulungan pa silang dalawa sa pagbibitbit ng gamit.

"Sa iisang room lang daw tayo," sabi ni Mike habang papunta na kami sa lobby.

"Sino may sabi?" tanong ko, nagtatakang tumingin kay Mike.

"Si Ace. Siya na rin daw ang nagsabi kay Ma'am Divina," sagot niya, sabay turo kay Ace na nasa unahan namin at parang tulala.

"Bakit parang antahimik ni Ace?" bulong ko kay Yelena habang patuloy kaming naglalakad.

"Hindi ko rin alam. Kanina, ang daldal pa niya eh. Bigla na lang siyang nanahimik nung narinig namin na muntik nang mabangga ang bus niyo," sagot ni Yelena, ngumiti pa at tila nanunukso.

"Ow," ang tanging naisagot ko. Bakit kaya ganun? Napansin ko bigla si Ace na tumitingin sa akin at agad na nag-iwas ng tingin nang mahuli kong nakatingin siya.

"Room 307 daw tayo," sabi ni Mike, na humiwalay saglit para hanapin ang elevator.

"Ang layo naman!" pagmamaktol ko. Ang dami pa naman naming dala, tapos ang layo ng pupuntahan.

"May escalator naman dito," sabi ko, sabay wink sa kanila, at nagpatuloy kami sa paghahanap ng room.

Nakarating din kami sa wakas. Buti na lang may escalator! Ang dami ring estudyanteng nagkalat sa paligid, halatang excited sa trip.

Pagdating namin sa room, pumasok na agad kami at pumili ng kanya-kanyang kuwarto. Pinili ko ang nasa kaliwa malapit sa pinto. Pagkatapos mag-shower, nagpalit ako ng pantulog at nahiga sa kama.

Tomorrow will be a big day for us.

~

Kaisei High: Not So Ordinary School [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon