: A Game II

442 15 0
                                    

“What?! Are you out of your mind?!” galit na sigaw ni Lucy kaya napatingin ako kay Nightmare

“Yes, I am. So, goodluck!” sigaw nito at umikot muli ang paligid

“Huh?” Nakikita ko ang batang ako sa harap ko. Umiiyak ito habang nakaluhod sa isang maliit na banig na may naka-kalat na asin.

I saw how her knees bleeds because of the salt. I clenched my fist in anger.

“Hindi naman po ako ang may gawa no'n.” iyak ng batang ako sa lalaking nasa harapan nito

“Kitang-kita kita kaya 'wag mo akong pagsinungalingan!” galit na sigaw nito at pinalo ang batang ako ng isang kahoy na halos kasing laki ng braso nito

“Parang awa n'yo na po! Hindi ko po 'yon magagawa!” pagmamaka-awa ng bata

“Hindi mo ako madadala ng pag-iyak mo!” sigaw ulit ng lalaki at sinampal ang bata

“Enough.” pabulong kong sabi habang tumutulo ang luha ko

“SABING TUMIGIL KA!” sigaw ko at sinaksak ang sarili ko

Muling umikot ang paligid at bumalik ako sa city. Hinanap ko si Nightmare pero hindi ko na s'ya makita.

I clenched my fist, “Papatayin kita 'pag nakita kita. Tandaan mo 'yan.” inis na sabi ko sa hangin. Alam kong maririnig n'ya 'yon.

“Isama mo ako 'pag hahanapin mo na s'ya.”

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita si Claire together with Yelena, ate Yeri, Laurence and Lucy.

“Kanina pa kayo?” takang tanong ko

“No, halos sabay-sabay lang kame na kakarating lang.” sagot ni Laurence

“Yeah, narinig ka nalang namin na galit at gustong patayin yung lalaki.” pagsang-ayon ni ate Yeri

“No, please!”

Napalingon kame sa hologram na lumitaw sa harap namin.

“Hindi ako ang may gawa n'yan.” sabi ni Yelena

“Is that Kyla?” takang tanong ni Lucy

“I think so.” sagot ni Laurence

“I hate you.”

“Who's that girl?” tanong ko

“I don't know.” sagot ni ate Yeri

“Kaya mo 'yan ate Kyla! That's just an illusion.” sigaw ni Yelena

“Kaye doesn't hate me. Hindi ikaw si Kaye! Mahal ako ni Kaye at mahal ko s'ya no matter what! You can never deceive me. How dare you use my little sister against me?!”

“Little sister?” takang tanong ko

“May kapatid sila?” takang tanong din ni Yelena

“Ngayon ko lang din nalaman 'yan.” sagot ni ate Yeri

*BOOOGGGSSSHHHHH*

Napalingon kame sa pinanggalingan ng pagsabog at nakita si Kyla na umiiyak. Kaya naman nilapitan ko ito at mabilis naman ako nitong niyakap.

“Shh, it's all right.” pagpapakalma ko sakan'ya

Habang pinapatahan ko si Kyla ay may mga senaryo din na lumabas sa hologram. Halos pare-parehas lang ang gimamit sa ilusyon. Mga mahal sa buhay laban sa sarili.

Nakakalungkot man pero may mga hindi naka-abot sa oras. May mga hindi nagtagumpay. Iyon ay sina Stanlee, Andrew, Jermil, Chester at Steinberg. Mga kaklase kong lalaki. Hindi nila kayang labanan ang sarili nila. Masyado silang nagpa-apekto sa kanilang emosyon. They're physically strong but mentally weak.

Muntik na ring hindi makalabas sina Carl at Rina, buti nalang at sinunod nila ang kanilang puso't isip.

May mga senaryong nakakuha ng atensyon ko. Ang mga pangyayari kina Charles at Hersha.

Ginamit kay Hersha ang nakababata n'yang kapatid na lalaki. Simula nang ipinanganak ang kapatid n'yang ito ay hindi na s'ya makapag-laro't makagala noon kaya naman sa tuwing pinagbabantay s'ya ay sinasaktan n'ya ang kapatid at inaagawan ng laruan.

“Tama na! 'Wag mo saktan ang kapatid mo!” sigaw ni Hersha sa sarili n'ya sa loob ng hologram

Hanggang ngayon na nasa labas na s'ya ay patuloy parin ang pag-iyak nito. Nagsisisi s'ya sa mga ginawa n'ya noon. Dahil namatay ang kapatid n'ya na ni minsan ay hindi n'ya nahandugan ng pagmamahal. Nasa huli talaga ang pagsisisi.

“Shut up! 'Ni hindi mo nga magawang iligtas ang mga mamamayan laban sa kasamaan ng mommy mo, tapos sasabihin mo sa'kin na kaya mo 'kong protektahan ano man ang mangyari?! Nonsense!”

Napatingin ako sa hologram. Si Charles nalang ang natitirang naglalaro. May kaharap s'yang babae, hindi namin maaninag ang mukha nito. But we know that she's crying.

“No, kaya kita protektahan. Pati ang mamamayan, patutunayan ko 'yan!” sigaw ni Charles sa babaeng kasama n’ya

Nagbago ang senaryo. Magulo ang paligid. May mga patay sa daan, may mga pagsabog at madilim ang kapaligiran.

“Ngayon na nalaman mo na na isa akong light user at kinakalaban ko ang mama mo, sabihin mo sa'kin kung kaya mo pa akong protektahan?” sigaw ng babae. I guess s'ya padin ‘yung babae kanina

“Yes, I am.” sagot ni Charles

“Now, kill your mother.”

“What?”

“Kung kaya mo 'kong protektahan kill your mother. S'ya ang dahilan nang paghihirap ng mga immortals!”

Hindi sumagot si Charles at sinaksak ang sarili n'ya. Nawala na ang hologram pagka-labas ni Charles.

“Grabe ang intense naman no'n. Sino 'yong girl bro?” tanong ni Laurence

“None of your business.” sagot ni Charles at umalis

“Sa'n ka pupunta?” tanong ni ate Yeri

“Palace.” sagot nito at nagpatuloy na sa paglalakad buhat-buhat si Carl na walang malay

“Magpahinga na muna tayo sa palasyo. Uuwi tayo bukas sa school para ibalita ito kay headmistress.” sabi ko at inalalayan si Kyla papuntang palasyo.

~
Votes and Comments are highly appreciated!
Enjoy reading!
Lovelots! ❤

Kaisei High: Not So Ordinary School [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon